XVIII (18)

2.7K 169 27
                                    

Unedited

-
-
-



"Wedding invitation."



"Kanino galing?"




"Sa Doctor na nakilala ko 7 months ago."




"Doctor?"



"It's nothing, nakilala ko lang and then he is getting married in two months, if you want punta tayo kung ayaw mo naman walang problema."




"Ikaw na lang,hindi ko naman kilala yun eh."



"You're my wife,hindi ako pupunta kung hindi ka kasama."




Isang tango lang ang isinagot ni Andrea sa asawa, narinig pa niya ang paghugot nito ng malalim na hininga ng makatalikod siya matapos magpaalam, ayaw sana niyang magkakaroon sila ng di pagkakaunawaan, pero parang minsan kailangan din na manahimik muna siya. Agad siyang naligo dahil pakiramdam niya ay nanlalagkit siya sa samot-saring emosyon na nararamdaman, hinayaan niyang pakalmahin ang kanyang katawan ng malamig na tubig na umaagos sa hubad niyang katawan. Hindi niya namalayan na halos inabot siya ng isang oras sa loob ng banyo, kaya naman nag-aalalang mukha ni Wyner ang kanyang nabungaran sa paglabas niya.





"Hon."bigkas ni Wyner at mahigpit siyang niyakap."thanks God!''




"Ano ba nangyayari sayo?"



"Im sorry, Im sorry."



"Ayaw ko ng ganito Wyner, akala ko ba hindi tayo gagaya sa ibang married couple na away dito away doon?"




"Kasalanan ko hon, and Im really sorry about it, hindi ko kasi mapigilan na kapag nandiyan si Martin nagseselos ako."




"Wala ka bang tiwala sa'kin? Lalo at higit sa sarili mo? Sayo ako nagpakasal dahil ikaw ang gusto kong makasama habang buhay, maging ama ng magiinga anak natin, kung si Martin ang gusto why I have to spend my life with you?"





Natahimik si Wyner sa isinagot ng asawa, he was really mad ng makita niya si Martin sa loob ng pamamahay nila, at idagdag pa ang selos na unti-unting kumakain sa puso niya, he can't help it lalo pa nakikita niya kung paano tumawa ang asawa kapag kausap ito. Nahihiya siya sa kanyang inaasal, idagdag pa si Angelica na walang alam gawain kundi guluhin siya sa araw-araw.





"Hon, patawarin mo ako, hindi na talaga mauulit ang pag iisip kong hindi maganda kay Martin."



"Just do it please, and never promise."





Ilang araw ang nakalipas matapos ang hindi pagkakaunawaan ng mag-asawa ay nanatili si Wyner sa kanilang bahay, tinawagan niya ang kanyang ina para kausapin si Angelica tungkol sa video na ikinkalat nito na pinabulaanan ng dalaga, dahil nawala daw ang cellphone nito ng araw na mangyari ang pagsugod niya sa restaurant kung saan naroroon sila Andrea at Martin at isa pa ay dala lang din daw ng kalasingan nito. Hindi nagtagal ay nakasanayan na rin ni Wyner ang pagtawag-tawag ni Martin kay Andrea, dahil na rin sa kanilang negosyo at sa kalagayan ng ama ng asawa. Everything went well na sobrang ipinagpasalamat ni Andrea.






"Hindi na talaga nagsasawa ang babaeng iyan sa panggugulo sainyong mag-asawa may sira na ba ang ulo niya?"tanong ni Fiona kay Andrea ng minsan dinalaw niya ito.




"Ewan ko nga ba, hindi rin ako makapaniwala na she's trying everthing para masira kami ng asawa ko."





"Pathetic woman, sayang ang pagiging abogada, walang kwenta! Basta mag iingat ka at wag na wag kang papayag na makasilip siya ng butas para manghimasok sa buhat ninyo, ilang buwan na lang lalabas na ang anak ninyo."




In Your Arms (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon