IX

3.1K 169 23
                                    

Unedited....

-
-
-

"Payag akong magpakasal sayo, di'ba sabi ko naman after nang exam ko."

"Hon."

"Wyner please! I have my word! Please lang umiinit talaga ang ulo ko sa pinsan mo!"

"Im sorry honey, hindi naman ako naniniwala sa sinasabi niya."

"Please kung di mo siya paaalisin dito, then Im leaving tomorrow morning."

Tapik sa balikat ni Wyner ang nagpalingon sa kanya, isang tingin na nakakaunawa ang nakita niya sa mata ng tyuhin.

"Can we talk hijo?"tanong nito na tinugon niya ng tango na nagpatiunang humakbang palabas ng  bahay niya. Sinenyasan niya si Wendellene na puntahan ang kasintahan sa kwarto nila na sinunod naman nito.

"Wyner, humihingi ako ng pasensya sa inaasal ni Angelica,I know she is being very bratt na kasalanan ko din, alam mong mahal na mahal ko ang batang iyon kahit pa hindi ko siya tunay na kadugo, siya ang nagpawi ng lungkot at pangungulila ko sa Tita Angeline mo."

"I understand you, pero why she want's us to be apart, she is jealous alam naman niyang mahal ko siya na parang kapatid."

Napabuntong hininga si Brandon sa sinabi ni Wyner, at ngaun naiipit siya sa pagitan ng mga taong mahal niya.

"Hijo, mahal ka ni Angelica."

''Mahal ko din siya as my sister, bestfriend."

"Yun ang di niya matanggap she love's you bilang ikaw."

Napakuyom ang dalawang kamao ni Wyner sa narinig, kinilabutan siya at pakiramdam niya ay bumaba ang tingin niya kay Angelica."Im sorry, to say this hanggang may respeto pa ako sayo at sa kanya Tito, please take her home, hindi ko masisikmura na....

"Naiintindihan kita, Im sorry for all her trouble, ang totoo niyan she called me para makiusap sayo at Ellaine na dito mag stay sa bahay mo."

"Tito alam mo kung gaano kalaki ang respeto ko sayo at sa pamilya natin, if she wants to stay here, she can, but Im leaving her here alone, ayaw kong itaya ang panghabang-buhay kong saya para sa respetong nais niya."

"Okey hijo, aalis na ako ngaun may driver naman ako wag kang mag-alala, ayaw ko lang daanin na naman niya ako sa pakiusap at paglalambing."

"Mag iingat po kayo."

"Salamat, tatawagan ko siya bukas ng umaga para pauwiin sa Mansion."

"Salamat po Tito."

Nang makaalis ang ama ni Angelica ay siya naman pagdating ni Chester para sunduin ang asawa, they have a small talk at agad rin siyang pumasok sa loob ng kanilang kwarto nila ni Andrea, alam niyang masama ang loob nito kaya naman agad niyanh nilapitan ang dalaga.

"Hon?"

"Hmm inaantok na ako."tugon nito.

"Di ko naman tinanong kung tulog ka pa?"

"Tumahimik kang lalaki ka, asar pa rin ako sayo at diyan sa pinsan mo!"

"Honey naman."

"Shut up! Tulog na tayo!"

Natatawang niyakap ni Wyner ang kasintahan at kinintalan nito ng halik ang makinis nitong batok, hindi naman siya ganoon kahilig sa love making kaya iginalang niya ang galit ng kasintahan at ipinangako niya sa sariling babawi siya mula bukas, nakatulog siyang yakap-yakap ito ng mahigpit, at kinaumagahan ay maaga siyang gumising para humanap ng bukas ng flower shop or mamitas siya garden ng kanyang lola na half an hour to drive lang naman.


In Your Arms (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon