Unedited
Nang makauwi si Andrea ay sinalubong siya ng kambal na may hawak na chocolate sa dalawang kamay, agad siyang napailing at napangiti alam na niya kung sino ang may kasalanan sa bagay na iyon.
"Andrea nandiyan ka na pala hija."
"Hi Dad, hindi na naman po ba kayo nakatanggi sa kambal?"tugon na bati niya sa byenan kasabay ng pagmano dito.
"Well hija, ganun na nga, it's hard to say no sa mga cute kong apo."
"Alam ko na po iyan ang isasagot ninyo, ahm Dad can we talk po?"
"Okey so, kids let's go wash your hands mag uusap kami ng mommy ninyo after."
"Okey po papito."dueto ng dalawa.
Habang naghuhugas ng kamay ang mga bata ay gumawa ng kape si Andrea para sa kanila ng byenan, alam niyang mahaba-habang usapan ang magaganap sa kanila. Hindi naman niya ito uusigin sa kung ano she needs some advice also para sa ikabubuti nang lahat kaya ng maupo ang byenan niya sa harapan niya ay napatuwid siya ng upo dahil nag iisip pa lang siya ng itatanong dito at heto na ito sa harapan niya.
"Dad, Im sorry po."
"Para saan Andrea?"
"Yung ganito po ang sitwasyon nating lahat, Dad maniwala po kayo, hindi ko naman po gusto ang ganito kaya lang Im still hurting from the past."
"Andrea anak, kapag ang isang tao ay nasasaktan pa hindi ka pa handang magpatawad, don't force yourself for something that you'll regret in the end."
"Iniisip ko rin po ang mga bata, Wyner is right it's been 6 years I hide them from him, now that the time came for his turn."
"Sa tingin he'll accept that idea, kilala kp anak ko hija, hindi 'yun papayag na mawalay pa kayo sa kanya."
"Pero Dad."
"Pwede naman hija, yung andiyan ka kahit para sa mga bata lang, just try alam ko naman mahal nyo pa ang isa't-isa. Think about it okey. Anyway dala ko na yung papel na pinadala mo para kay Wyner, and if im not mistaken iyong annulment na pinadala mo para sa kanya?"
"Dad.."
"Kung talagang wala nang chance, then continue the annulment, Andrea."mahinahong saad ni Wayne.
Sumapit ang hatinggabi ay halos hindi dalawin ng antok si Andrea, marami ang gumugulo sa isip niya na hindi niya alam ang dapat gawin.
"Argghhh!"
"Bakit ba hindi ako makatulog."ungol niya habang binubuksan ang personal ref at kumuha ng ilang pirasong ice cube at inilagay sa isang shot glass na nilagyan niya ng vodka.''help me to sleep Vodka."bigkas niya bago iyon tinungga, ilang shot pa ang kanyang nagawa bago niya naramdaman ang pamimigat ng talukap ng kanyang mga mata.
Samatala...halos hindi humihinga si Wyner sa pagpasok sa kwarto ng asawa, hindi pa siya lubusan na magaling ngunit nagpilit siyang makalabas ng hospital, he cannot stay there without knowing kung okey ang mag iina niya kanina pa siya sa loob ng bahay sa tulong ng kanyang magulang.