×××××××××××××××××××××××××××××××××××××××××××
Stupidity to Infinity ∞
×××××××××××××××××××××××××××××××××××××××××××
Chapter 1:
"Hwag ka nang umalis Greg!" sabi ni mama habang nakayakap ito mula sa likod ni papa.
"Ellen, you know that I need to. . ." Pangungumbinsing sagot ni papa.
Sa ganitong sitwasyon ko nasaksihan ang aking mga magulang nang magising ako dahil narin sa sigawan nila.
Napapadalas ko na silang marinig mag-away nitong mga nakaraang araw, ngunit ngayon lamang gabi ito lumala ng sobra.
At ngayon nga ay nakatayo ako sa huling baitang ng magarbong hagdan sa gitna ng aming kabahayan habang pinapanuod sila.
Humarap si papa kay mama. Hinawakan niya ito sa magkabilang pisngi bago nagsalita.
"Ellen, you have to trust me. Pangako, huli na to. Once and for all, this is the only plan I know to cease this feud." Tinitigan nang maigi ni papa si mama. Ngunit hindi ito sumagot. Nakatingin lang ito ng deretsyo kay Papa.
"Ellen, do you trust me?" Tumango lang si mama sa tanong nito habang nagsimula na ring umiyak.
Kapansin pansin na mas maraming body guards ang nasa loob ng mansion namin ngayon. Hindi ko pa man maintindihan, pero I'm sure that there's something wrong.
"Gusto kong pagkaalis ko ay umalis na din kayo ni Alex dito. I want you to go sa private island natin sa Palawan. Everything is already set. Mag empake na kayo, nasabihan ko na sila Nanay tungkol doon."
"Pero papano ka?"
"I'll be fine Ellen. Susunod agad ako, once I settled this already."
"Paano pag hindi siya pumayag?"
"Papayag siya, My Queen. This is also for his benefit. Kilala ko siya."
"Mama? Papa?" Pagsingit ko sa usapan nila. Sabay silang tumingin sa direksyon ng boses ko at noon din ay doon lang nila napansin ang presensya ko. Agad akong nilapitan ni papa para lumuhod sa harap ko at mapantayan niya ako.
"Hey princess, bakit gising kapa?"
"I heard you both shouting, that's why I get down in here po. Papa? Are you going to leave us?" Naguguluhan kong tanong. Tumingin ako kay mama. She's still crying, while pagbalik ko ng tingin kay papa, he's just staring at me.
"No princess. Papa will not leave you. May aasikasuhin lang muna saglit si papa na sobrang importante kaya kami nag uusap ng mama mo. Pero babalik din ako agad princess. I promise."
"You sure?"
"Yes. At syempre, babalik at babalik talaga si papa kasi mag bi-birthday na ang prinsesa niya. Pwede ba naman akong mawala sa special day ng unica hija ko? And oh, before I forgot, I have a gift for you." Sabi ni papa, in his convincing voice
"Yehey!!!" Masigla kong sabi. Niyakap ko naman agad si papa pagka-sabi niya non.
Malapit na nga pala kasi yung birthday ko. Mag e-eight years old na ako, mga dalawang araw nalang mula ngayon. Excited nako!
Nang maghiwalay kami, tinawag niya ang isa sa mga body guards namin para lumapit.
"Paki kuha naman ang regalo sa study room." Sabi ni papa sa pinalapit niyang body guard. Agad na sinunod naman ito ng huli.
BINABASA MO ANG
Stupidity to Infinity ∞ (UNDER MAJOR REVISION)
ActionMeet Alexandra Phoebe Fontanilla Araza or also called Apa, Cone, Alex, A, Fibi and so on. She has too many aliases to mention. She's not the typical girl you can easily read. She's someone with ample of issues in life. Someone who certainly and deep...