Chapter 17

204 5 0
                                    

"Kiss mo--" Natigil siya ng may kumatok sa pinto. "Mam Blaire, pinapatawag po kayo ni Sir para mag breakfast." Saved by the bell! "Opo manang--" *tsup* matagal ang halik ni Ate pero hindi siya gumagalaw. "Kahit morning breath pa yan, di mo ko mapipigilang halikan ka." She whispered bago tumayo at lumabas. Nanginginig kong hinawakan ang labi ko. Ate Yana, why are you being like that? **** "Bakit di kita katabi ng natulog ako, Yana?" Takhang tanong ni Kylie habang kumakain, nakapajama parin siya ngayon pero napakasexy at napakaganda niya paring tignan, naiinsecure ako. "I'm at Blaire's room last night." Tipid na sagot ni Ate habang kumakain, kahit narinig ni mom at dad ay parang wala lang naman sakanila. "You're at Blaire's room? That's rare." Though nalungkot si Kylie dahil di niya nakatabi si Ate. "Then I'll make it always." Pinigilan ko ang ngiti ko, What's gotten into her?

*Flashback* 

"Go Gian!" Ang kyut ng crush ko!! "Maghunos dili ka, Blaire. Eleven years old ka palang!" Sabi ni Yuri sabay batok sa'kin. "Aww! Mashaket!" Inirapan niya ako. "Marunong ka na ng roll eyes?! Ang galing!" Halos makalimutan ko na yung chinicheer ko dahil kay roll eyes. Tinry ko pero parang di ako nagmukhang mataray. Inikot ko lang talaga si eyeballs, huhu. "Well ill try next time!" Sabay kuha ulit ng banner at tinaas. "Go Giaannn!" Halos matumba ako sa pagtingin at pagngiti niya sa'kin. Tapos na ang game nila kaya lumapit ako sakanya. Siya si Gian Honrado, 13 years old at basketball player. 2 years agwat namin pero ang turo ni Yaya, age doesn't matter. Pinagpaplanuhan ko na nga ang future namin. May 2 storey house, may 5 anak-- "Blaire?" Si Gian nga pala! "Ay sorry, alam mo ba--" Ngumiti siya at tumabi sa'kin. "May secret ako, Blaire. Pero wag mong ipagkakalat, ha?" Tumango ako at tinaas ang kaliwang kamay ko. "Pwamis-- Pramisssss!" Tumawa siya at ginulo ang buhok ko na ikinalundag ng pretty little heart ko. Lumapit siya sa tenga ko at may binulong. "C-Crush ko kase, si Yana. Pwede mo ba akong tulungan sa kapatid mo?"

Blaire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon