*A-achuuu!* takte! Maganda na sana ang araw ko kung di lang ako nilagnat. May practice pa naman ako mamaya sa volleyball. "Oh, Yana. Chicken soup. Naku, ano bang nangyari kaya nagkasakit kang bata ka?" Humigop ako ng soup. "Malakas po kase ang aircon ko kagabi manang." Tinignan niya ang cellphone niyang Nokia. Ayaw na ayaw kase ni manang na binibilhan siya ng cellphone kaya ayan, nagtitiis sa depindot. "Nagpapasundo na pala si Blaire. Wala pa naman si Berto at nasa pamilya niya." Natigil ako sa paghigop ng soup. "Baha daw sa school nila kaya kailangan niya ng sundo." Kahit na nahirapan ako ay tumayo ako at kinuha ang susi. Aalis na sana ako ng pigilan ako ni manang. "Saan ka paparoon Yana?" "Susunduin ko po si Blaire." "Pero may sakit ka!" Protesta niya. "Kaya ko naman po manang. Saglit lang to, promise. Tapos ay kakainin ko na ang chicken soup mo." Sabi ko at kumuha na din pala ng payong at lumabas na. Nakakaginaw pero di ko ininda at pumasok ng sasakyan. *** pagka park ko ng sasakyan ay pumunta ako sa classroom ni Blaire. Nagtataka ako bakit walang tao. "Ate," Lumingon ako at nakita si Alexa. "Oh, Alexa! Nakita mo si Blaire?" Tanong ko. Pinasadahan niya muna ng tingin yung suot kong PJs bago nagsalita. "Uhh, kasama niya si Lucas ate Yana. Sinundo siya kanina" Kumunot ang noo ko. "Sino yon?" May umuusbong na galit sa katawan ko pero pinigilan ko. "Manliligaw niya. Yung gwapo ate." Yung, p*t*ng*n* kong kabatch! "Ah, sige. Tara," sabi ko at hinila siya. "Saan tayo pupunta ate?" Tanong niya habang hila hila ko siya. "Sinusundo ka." *** "bakit ka nga pala hindi pumasok, ate? Tas bigla kang pupunta ng school ganyan ang suot mo. Pero okay lang yan ang sexy mo naman eh." Napailing nalang ako at hinilot ang sentido ko. Nasa gas station kase kami at nagpagas ako. "Teka, may lagnat ka ba?" Inilapat niya ang likod ng kamay niya sa noo ko. "Hala, ang taas na!" Yun ang huli niyang sinabi bago ako mawalan ng malay.
![](https://img.wattpad.com/cover/162799419-288-ka81684.jpg)
BINABASA MO ANG
Blaire
RandomPrologue: Nakita ko ang pagpasok at pag lock niya sa pinto ng kwarto ko pero hindi ko iyon pinansin at nanood lang sa cellphone ko. "Ate.." Natigil ako at tumingin sakanya. "Ano yon?" Taas kilay kong tanong. Ngumisi siya ng malawak. "May tanong kase...