Chapter 25

138 3 0
                                    

Blaire's POV

"Blaireee oh my god! Bakit ka umuwi?" Niyakap ako ng mahigpit ni mom at hinila parasok ng bahay, ah! I missed this house! "Two weeks lang naman ako dito mom since graduating ako, pinayagan akong magbakasyon dito." Ngiti ko. "Oh, I'm glad you're here. Yung Ate mo, tulog pa. Gisingin ko ba? I'm sure miss na miss ka nun." Agad akong umiling. "M-maiistorbo pa siya, mom kaya okay lang yan. Umm, ayusin ko lang gamit ko mom." Sabi ko at umakyat sa hagdan. 

---

Nagising ako ng tumunog ang phone ko. Di ko namalayang nakatulog na pala ako. "Hello?" Inaantok kong sabi. "Blaire ba't hindi mo sinabing umuwi ka na?" Sumandal ako sa headboard at hinilot ang ulo ko, my head was freaking throbbing. Walangyang jetlag yan "Sorry. Nakatulog agad ako pagkauwi eh. At two weeks lang ako dito." Sabi ko. Tumayo na ako at lumabas. Dahan dahan akong bumaba sa hagdan dahil baka marinig ni Ate. I'm not ready to see her yet. "So, nagkita na kayo ni Yana?" Uminom ako ng tubig pagkatapos ay nagsalita. "Nope. Di pa ako ready na makita siya. I might collaps." Rinig ko ang buntong hininga niya. Stressed ba siya? "Tara, bar tayo." Yaya ko. "Alright." Pagkatapos ay inend call niya na. 

Nagsuot ako ng crop top at fitted skirt. Nasanay na kong ganito ang suotan ko sa Paris pag nagpaparty kasama si Madi. 

Bumaba ako. Ng buksan ko ang pinto ay halos malagutan ako ng hininga ng makita siya. Napatingin siya sa mata ko at tinitigan ako. Naka blue royal blouse siya with pencil skirt kaya napakasexy niya and, whoo. Mas tumangkad siya at, gumanda. She's intimidating. "H-hello, ate." gusto kong sampalin ang sarili ko dahil nautal ako, argh bakit ganyan siya makatingin?! Nakakapanghina ng tuhod. 

"Nice, nakauwi ka na." Binigyan niya ako ng tipid na ngiti at pumasok ng bahay. Huminga ako ng malalim. Lalabas na sana ako ng magsalita siya. "Don't leave. Locked na ang bahay mamaya." Hinawakan ko ng mahigpit ang door knob. "It's okay. Dun nalang ako kila Yuri--" Nagulat ako ng hilain niya ako at galit akong tinignan. Shit shit! Huwag niya sana marinig ang pagkalabog ng puso ko. Fuck! Feeling ko magcocollaps na ako dahil sa titig niyang yan. "You're still the Blaire I know. Matigas ang ulo." Malamig niyang sabi. "I-I'm Nineteen years old for Pete's sake ate! Can you please let me go?" Pinilit kong tanggalin ang kamay niya pero ayaw niyang tanggalin. Feeling ko tuloy ay nakukuryente ako. "You chose to go home, wala ka nang kawala." Napapikit ako. Argh, bakit ginagawa niya 'to?! "N-Nagbakasyon lang ako dito and I don't understand what you're trying to say. Let go!" Mabuti nalang at tinanggal niya kaya agad akong lumabas at sumakay sa kotse. 

Napahawak ako sa dibdib ko. Shit. Fucking shit

Blaire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon