Blaire's POV
"How was your sleep?" Natigil ako at napatingin sa kinaroroonan niya. Nagcecellphone siya at nakasandal sa sofa. Gantong oras siya umaalis, diba? "I'm asking you, Blaire." Malamig niyang sabi. God, ang ganda niya pa'rin kahit na parang nakasimangot siya sa'kin.
Napaatras ako ng tumayo siya at lumapit. "Alam mo ba ang pinagsasabi mo kagabi, sister?" Napaiwas ako ng tingin. "H-hindi ko natandaan eh. Tsaka wala naman siguro akong nasabing katangahan, diba? Hehe." kung saan saan ako tumitingin para di niya mahuli ang mata ko pero hinawakan niya ang dalawang pisngi ko kaya muntik na kong matumba dahil nanghihina nanaman ang tuhod ko. "If I want to look at you, tumingin ka." Isinandal niya ako sa pader.
OMG. "A-ate" lumalapit ang mukha niya kaya hangga't sa makakaya ko ay iniiwas ko ang mukha ko. Is she gonna kiss me?! Bahala na.
Pumikit ako at naghintay ng labing dadapo sa'kin. "Pfft." Dumilat ako at nakita siyang natatawa. Aish! Feelingera ka Blaire! Kainiss! "A-Alis nga!" Tinulak ko siya at agad umakyat at pumuntang kwarto ko.
Napasabunot ako sa buhok ko. Ba't ba ako nag expect na hahalikan nya ako!?
BINABASA MO ANG
Blaire
عشوائيPrologue: Nakita ko ang pagpasok at pag lock niya sa pinto ng kwarto ko pero hindi ko iyon pinansin at nanood lang sa cellphone ko. "Ate.." Natigil ako at tumingin sakanya. "Ano yon?" Taas kilay kong tanong. Ngumisi siya ng malawak. "May tanong kase...