Chapter 26

132 1 0
                                    

"Parang gusto ko na tuloy bumalik ng Paris dahil nababaliw ako sa ginagawa niya." Napasabunot ako sa buhok ko. "Just don't mind your sister." Sabi ni Yuri at uminom. "Anyway, sila na ni Kylie. Di ko sinabi dahil baka masaktan ka." Napairap ako. "Masasaktan? Ako? Huh! No way. Naka move on na ko Yuri for your information. Wala na kong pake sakanila ni Kylie." Tumawa siya. "Is that so? So I assume, na hindi ka nailang sa titig niya kanina? Di nanghina ang tuhod mo at di lumalakas ang tibok ng puso mo? Ang cheesy pero ganon ang nararamdaman kapag inlove." Agad akong sumagot. "Hindi ko naramdaman yun kaya naka move on na nga ako!" 

-----

"Mam Blaire, Pinapatawag kayo ni mam Yana. Breakfast na daw po kayo." Nagtaklob ako ng kumot. Kulang pa naman ang tulog ko at ayaw ko siyang makita. "Dalhin niyo nalang po dito manang!" Sabi ko bago nakatulog.

---

Yana's POV

"ipadala ko nalang daw po mam." Napabuntong-hininga ako. "Sige po manang. Ako na aakyat." Kinuha ko ang pagkain at umakyat. We need to talk. Ayokong maging awkward pag nandyan siya. 

"Blaire?" Binuksan ko ang pinto at nakita siyang nakahilata. Nakaawang pa ang bibig kaya natawa ako

Blaire." Inilapag ko ang pagkain sa table at umupo sa gilid ng kama niya. Napabuntong hininga ako at tinitigan siya. She's a fine woman now. Mas lalong nagka curve ang katawan at mas lalo siyang gumanda, damn. 

May tumawag sa phone ko kaya sinagot ko Ito. "Babe, hinihintay kita kanina pa. What's taking you so long?" Napatingin ako sa natutulog sa tabi ko at nagsalita. "Sorry. P-paalis pa lang ako ng bahay." "Alright. Iloveyou" Napabuntong hininga ako. "I love you too." Tumayo na ako at lumabas ng kwarto.

Blaire's POV

"I love you too"

"I love you too"

"I love you too"

"Blaire!" Napapitlag ako ng sumigaw si Yuri. "B-bakit?" Tanong ko. "Kanina ka pa lutang. Ayos ka lang ba?" Tumango ako. Hay! Kanina pa kami nandito pero kanina ko pa rin naiisip yung sinabi ni Ate kanina kay Kylie na kausap niya. N-nakucurious lang ako kaya iniisip ko yun. Kase naka move on na ko. Tama naka move on na ko. "Ah, Yuri" Lumingon siya at tinaasan ako ng kilay. "Grabe ka naman sa pagtaas mo ng kilay!" Umirap siya "Ano ba yun?" Sabi niya habang naghahanap ng damit. "Sainyo ba ni Liz, may nangyari bang selosan?" Natigil siya. "Yep. At siya yung selosa, tss. One time nga e ikaw ang pinagselosan niya." Napangiti ako. "Na-threaten siguro sakin si Neliz. Ganda ko kase." Umirap uli siya kaya natawa ako.

Yana's POV

Tinuktok ko ang ballpen sa ulo ko dahil sa inis. Walang pumapasok sa utak ko. 

"Ateeeeeee!" Napatingin ako sa pumasok, si Blaire. Aish, ba't siya lasing?! Napatingin siya sa gawi ko at ngumiti ng malawak. Lumapit siya at hinila ang bewang ko. "Ate kooo~" Napa facepalm ako. "Lasing kana. Tara ihahatid kita sa kwarto mo." Ngumiti siya ulit, tss. "Ang ganda ganda mo *hik*" Di ko siya pinansin. "Ayieee namumula yung mukha niya hihi ang cute mo naman ate!" Pagkatapos ay kinurot niya ang pisngi ko. "Blaire," Banta ko. Ngumisi lang siya at lumambitin sa leeg ko. 

Hiniga ko siya sa kama. Aalis na sana ako ng magsalita siya. "Diba dapat alagaan mo ko kase lasing ako?" Napapikit ako. Hindi ba niya maintindihan na ayaw kong mas matagal siyang kasama dahil, dahil di ako komportable! Nang tignan ko siya ay nakanguso siya. "Akala mo naman cute ka." Napasimangot siya at pumikit, tss.

Blaire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon