💕Chapter 2💕

6.8K 136 11
                                    

Pagkauwi...

Nay Andito na po ako. Ani ko.

Oh ano anak? Bakit parang problemado ka nanaman may nambully nanaman ba sa iyo? Atsaka nga pala anak bumili nalang kayo ng tuyo kila manang karia at maglalaba pa ako kila Ms Olaes. Sabi ni nanay.

Nay ano po kase... May exam po kase magaganap bukas umm gusto ko pong mag exam baka sakaling makapasa po ako nay eh sa LSMCA po ang papasukan pag nakapasa. Nay pagkakataon na natin ito baka pag napasa ko maging working student din ako. Sila daw po ang bahala sa uniform promo po yun ng may ari nh school. Kami po ni Blair mageexam. Paliwanag ko.

Ahh sige anak! Papayagan kita susuportahan ko kayo ng kapatid mo maglalaba ako at hahanap pa ko ng malalabahan para may pamasahe ka sasabihin ko na din sa tatay mo. Sana masuklian nyo tong ginagawa namin sa inyo. Ani ni nanay.

Ibig bang sabihin nay napayag kayong mag exam ako????! Masaya kong tanong.

Oo naman anak para sa ikabubuti mo. Anak maswerte kami ng tatay mo sa iyo kase nagsisikap ka para makatapos ka ng kolehiyo. Ani ni nanay.

Sige po nay pahinga na po ako.ani ko.

Sige anak maglalaba pa ako eh bumili ka nalang ng tuyo ha? Sabihin mo kay mildred gumawa ng kanyang assigments. Ani ni nanay.

Mildred maggawa ka nanang assigment mo at bibili lang ako ng tuyo sa labas.

Sige ate gagawa na po ako ng assigment.

Aling Karia pabili nga po ng 10 pisong tuyo!

Ohh ito na ang tuyo. Abot ni aling karia.

Salamat po.

Habang naglalakad..

Well well naglalakad ang panget! Haha yung ulam mo ano bayan! Hawot! Kadiri! Iww! Pangmahirap! Hindi ka nababagay sa papasukan mong school kung sakaling makakapasa ka!!

Si Mary nanaman kasama ang mga kaibigan nya si Kretzel at molena

Oo bakit? Eh ito ang kaya naming bilihin eh anong magagawa nyo? Pareparehas lang tayong tao dito kaya wag kayong magmataas! Ani ko

Sumasagot ka pa ha?! Bukas malilintikan ka sa school! Ani ni Mary.

Pagdating sa bahay....

Ate Steph? Nagtext si tita. Ani ni Mildred.

Pupunta daw sya dito sa bahay. Ani ni Mildred.

Ahh sige sabihin mo pumunta tas magluluto lang ako nang kakainin natin.. Ani ko..

Mga Anak?? Sigaw papalapit dito.

Si tatay andyan na...

Tay mano po! Tay oo nga po pala nagluluto po ako. Nakakain na po ba kayo?. Ani ko.

Tay pupunta sina tita Jane dito sa bahay. Ani ni Mildred.

Kain na kayo ani ko.

Pagkatapos kumain..

Tok! Tok!

Tita Jane? Bakit po pala kayo napadalaw? Pasok po kayo. Ani ko.

Oh jane bakit ka naparito? Sabi ni tatay.

Kuya!! Nanalo ako sa lotto! Ani ni tita jane.

Aba magkano naman? Tanong ni tatay

5 million kuya bibigyan kita ng 2 milyon para naman sa mga bata ipaayos nyo ang bahay. At ikaw naman Stephanie may ibibigay ako sa iyong selpon yung sikat na selpon. Ani ni tita jane..

Nako tita nagabala pa po kayo sa amin 2 milyon? Sigurado po ba kayo? Tanong ko.

Oo nga jane napakalaking pera ang ibibigay mo sa amin. Nakakahiya. Ani ni tatay.

Kuya! Kapatid kita kahit balibaliktarin pa ang mundo magkapatid tayo magkadugo tayo. Mahal kita kuya gusto ko tayong magkapatid ay nagtutulungan.. Ani ni tita jane.

Biglang dumating si nanay.

Uy Jane napapasyal ka ata? Bakit naman parang masaya kayo pasensya at ngayon lang ako nakadating naglaba pa kase ako. Ani ni nanay..

Ate Grace bibigyan ko kayo ng 2 milyon.

Ano dalawang milyon?! Aba napakalaking pera. Saan mo nakuha iyon jane?

Ate tumama ako sa lotto.

Abat napakaswerte maraming salamat sa tulong mo!

Walang anuman sige mauna na ako bukas ko ibibigay ang card nyo para sa pera. Ani ni tita.

Pagkaalis..

Nay tay ito na yata ang susi natin sa kahirapan.

Anak madaling maubos ang pera kailangan makanap agad ako ng maayos na trabaho hindi yung palaba labada. ..

Balak kong mag trabaho sa quezon mga anak ani ni tatay.

Ako po tatay mag eexam bukas para po makapasok ako free po lahat walang babayaran. Ani ko.

Tay ako po magsisikap para makatapos ng elementarya. Ani ni mildred.

Salamat sa panginoon at may magandang biyayang dumating..

Mga anak matulog na kayo at may pasok pa kayo bukas! Ani ni tatay.

A/N

Kung mapapansin nyo ambilis ng pagyaman nila pero si Stephanie nerdy pa din atsaka hindi pa sya gumaganda. Abangan nyo pa ang iba pang chapters madami pang mangyayari. Sana ma enjoy nyo ang story ko thankieee mwah!

(MNBB)Miss Nerdy Become Beautiful (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon