Kyreen's POV
Napatakbo na ko dahil sa takot . Waahh !!! baliw na ata siguro ang babaeng yun . hindi ko nga sya kilala tapos papatayin nya ko ? Pwede magpakilala na muna sya bago nya ko patayin ?
Pagkalabas na pagkalabas ko agad akong tumakbo palayo sa Old Locker Room , sabi ni Nygel sa old locker room sya pumunta , sya ba un ? Si Nymra ba ang babaeng kinausap ko ? Pero hindi naman nya kaboses ehh .. Atsaka nakakataka lang ako , bat ako kilala ng babaeng yun ? Kilala ko rin ba sya ? Ahh !!! Ewan ! siguro naligaw lang yun o kaya pinagtritripan na naman ako *pout*
*tugsh*
napaupo sa sahig dahil sa lakas ng pagkakabangga ko sa nakabangga ko , tumingala ako para makita kung sino yun ,
" Nymra !! "
agad naman akong tumayo at niyakap sya , sabi na ehh .. hindi si Nymra ang babaeng nandun .
" Ohh Kyreen ikaw pala yan , san ka galing ? atsaka bakit ka nanginginig ? "
" Sa old Locker room "
" Wow huh ! Ang tapang mo naman para pumunta dun ehh ako nga iisipin ko pa lang na pupunta ako dun natatakot na ko "
" Hinahanap kasi kita "
" Baliw ka talaga !! Ano namang gagawin ko dun ? "
" Hindi ko alam sayo ! "
" Halika na nga . "
Tapos inakbayan nya ko at nagsimula maglakad ,
" Asan si Mharose ? "
" Bumili ulit ng pagkain *pout* Buti na lang at pinayagan ka na ng Natalya na yun "
Ayoko na sabihin yung ginawa ko kanina kay natalya , Waahh !!! Baka kainin ako ni Natalya pag nakita nya ko ! T__T
Umupo lang kami sa may mini garden malapit sa old locker room habang inaantay si Mharose .
Hindi ko na rin siguro sasabihin sa kanila ang nangyari sa loob ng Old Locker Room . Pero kasi sabi ni Nygel ehh .. isa rin ba sya sa nangtritrip saken ? *pout*
" Nym ? "
" Yes ?! "
" Kilala mo si Nygel ? Hindi ko alam ang last name nya basta nakilala ko lang sya sa corridor na malapit sa old locker room "
" Baka junior sya , "
" Siguro , kilala mo ba sya ? "
" Ah ? Hindi ah !! Wala akong kilala sa mga Junior "
" Eh nasan ka ? "
" Ako ? Nasa library , baka akala nung Nygel na yun nasa old locker room ako pumunta kasi likod lang ng old room yung library "
Tumango-tango na lang ako bilang sagot , Siguro nga niloko at tinakot lang ako ni Nygel ! Ansama naman nun !!!!
Maya-maya lang dumating na rin si Mharose ,
" Ohh Kyreen , Andito ka pala ? "
" Bulag lang Mharose ? Hmp ! "
" Sorry na Nymra !! Hindi kasi tama ang ginawa mo . "
" So sinasabi mo ako ang mali ? "
" ........ Oo "
" Hmp !!! "
" Malaki na tayo ! Alam natin ang tama at Mali ! "
" tama ako Mharose !! Pinagtatanggol ko lang si Kyreen !! "
" Tama ba ang magsigaw-sigaw sa loob ng cafeteria ? Tama ba ang makaistorbo sa mga kumakain ah ? Alam nating pareho na parang kinukulong ni Natalya si Kyreen pero hindi natin alam kung anong dahilan kung bat nya yun ginagawa !! "
BINABASA MO ANG
Mafia Queen // editing
ЮморThey wear power and darkness equally well, those girls have always been half-goddess, half-hell. But who's the real Queen between them?