Janna's POV
" Cheska wait lang nauuhaw na ko eh "
" Anu bayan Janna ! Bilisan mo . "-Cheska
" Dito lang kami sa labas ahh "-Joana
Tumango lang ako tapos sinara na nila ang pinto ng room tapos lumabas na sila . Uminom na ko ng tubig . Nakakapagod kasi takbo kami ng takbo actually nagugutom na rin ako ehh .
" Janna sa clinic kami "
Bwiset talaga tong dalawang to iniwanan daw ba ko !? Tch .
Sinara ko na yung tubig ko tapos nilagay na ulit sa bag . Inayos ko muna yung tali ko tsaka lumabas na . Paglabas ko sumilip muna ko walang tao . Tsk ! Nakakapagod naman tong larong to gusto ko na magpahinga .
" Suutt~~ "
Napatingin ako sa paligid , wala namang tao ahh bat may nag-susut ? Dahil nakasandal ako sa pintuan hinwakan ko yung doorknob .
" Ssuutt~ "
Ayoko na talaga ! hinawakan ko na yung doorknob tapos sinara at sumandal sa likod ng pinto .
*tok*tok*tok*
Hindi ko binuksan yung pinto , ano ako tanga ?! Pshh . Hinayaan ko lang sya magkatok-katok dyan . Bahala sya dyan .
Maya-maya hindi na ko nakarinig ng katok kaya medyo niluwagan ko yung hawak sa doorknob .
*boogsh*
Aww !! Sheez . Napaliyad ako dahil sa maling akala . Bigla nya kasing binuksan ang pinto ng malakas kaya napasama ako at ang katawan ko ay tumama sa pader .
" Oww . sorry Janna "
Sheez , nataya na ko ni Kyreen . Tumayo ako habang hawak-hawak pa rin yung likod ko .
" Need help ? "
Tumango lang ako so lumapit sya saken tapos tinayo ako .
" Baba na tayo " sabi ko tumango lang sya tapos inalalayan ako lumakad palabas nung dapat bababa na kami bgla syang huminto tapos hinarap nya ko sa kanya bale yung likod ko yung nakaharap sa hagdan .
" Janna nakita mo ba sila Cheska ? "
" Ahh sabi nila sa clinic daw sila "
Tumango lang sya tapos ngumiti saken .
" Baba na tayo !! " sabi ko habang pinipilit sya , nakakapit kasi sya sa braso ko .
" Excited ka talaga bumaba ahh ?! Okay "
" Kyreen !! " napasigaw ako sa ginawa nya .
Nagulat ako kasi nilaglag nya ko sa hagdan , pagdating ko sa dulo nakahiga lang ako sa floor at lumiliyad-liyad tapos nakita ko naman si Kyreen na bumababa rin sa hagdan palapit saken .
" Bakit mo ko tinulak ? " tanong ko sa knya .
" Bakit ginawa nyo yun saken ? " tanong nya rin .
Hindi kaya alam nya na , na kami ang gumawa nun sa kanya ? Ohh gosh kailangan malaman to nila Jason . Umupo ako at pumilit tumayo pero fvck sinipa nya ko ulit para malaglag sa hagdan .
" Ang ganda naman ng ginagawa mo Janna , bababa ka lang sa hagdan ganyan pa *smirk* " sabi nya habang bumababa ng hagdan .
Nasa 2nd floor na kami . Sheez , nahihilo na rin ako .
" Kyreen , kyreen makinig ka muna "
" Kanino sa inyo ? Huh !! Hindi na Janna ! Hinding-hindi na . "
BINABASA MO ANG
Mafia Queen // editing
HumorThey wear power and darkness equally well, those girls have always been half-goddess, half-hell. But who's the real Queen between them?