Kyreen's POV
Waaahh !!! Nasan na kaya si Unnie ?! Antagal naman nya , sabi nya kukuha lang sya ng mga damit nya .
*tok*tok*
" Pasok "
tapos may pumasok na dalawang lalake na nakablack-suit .
" May dalawa pong babae dito , Kaibigan nyo daw po . "
Dalawang babae dito ?! OhMo . Ako lang naman ang babae dito , Paano nila nasabi na may dalawang babae ?! May third eye ba sila ?!!
" Maam ? "
" Kuya , May dalawang ba-babae dito ?! as in dito ?? "
" Opo "
Waahh !!! Agad akong nagtalukbong ng kumot , Waahh !!! May mumu .
" Kuyaa ... Kaibigan nya po kami . Sabihin mo si Nymra at Mharose !!! "
" Opo Kuyaa .. Papasukin mo na kami !!! "
Agad kong inalis yung kumot , Sila Mharose at Nymra yun ahh ?! Tama ! Sila nga . Bumaba ako ng kama tapos binuksan yung pinto .
" Maam !! Ayaw po nila umalis . " sabi nung isang guard at tinuro sila Mharose at Nymra .
" Ahh papasukin nyo po sila " sabi ko tapos hinila sila Mharose at Nymra .
" Sorry po maam , Akala po namin kasi ayaw nyo dahil nagtalukbong po kayo ng kumot "-man1
" Atsaka hindi nyo rin po kami sinasagot nung sinabi namin na may dalawang babae dito "-man2
0_O ? Ehh ? Sila ba yung dalawang babae ?
" Ehh kasi po Kuya sabi nyo po nung nasa loob tayo ehh may dalawang babae na nandun kaya akala ko Mumu , Nasa labas po kasi sila kaya dapat ang sabihin nyo may dalawang babae sa labas "
Napakamot sila kuya ng ulo , Ehh ?! Katulad rin ba sila ni Manong Driver na may kuto ?
" Pfft ! Tara na Kyreen pasok na tayo "-Mharose
tumango lang ako tapos pumasok na kami sa loob , bumalik ako sa kama tapos sila umupo sa tabi ko .
" Kamusta kana ? "
" Okay lang ^__^ "
" Sorry iniwanan kita , Here , regalo ko "
tapos inabot sakin ni Mharose yung isang box .
" Wow !!! Picture album ng Girls Generation .. "
" Hihi ^_^ Buti naman at nagustuhan mo , pinaghirapan kong bumili ng mga picture ahh kaya dapat maapreciate mo yan "
" Okay , Hihi ! "
Pagkatpos ko tignan yung mga pictures , nilagay ko na sa tabi . tekaa .. pansin ko parang malungkot si Nymra . Bakit naman ?
" Nym ? "
Napatingin naman sya saken .
" Bat ka malungkot ? "
Hindi sya sumagot sa halip unti-unti syang humagulgol .
" Waahh !!! Bat ka umiiyak ? "
" I-iniwan kasi ako ni Michael , Kyreen "
yung boyfriend nyang si Michael ?! Iniwan sya ?
" Bakit Nym san ba pumunta si Michael ? "
" Pfft ! " sabi naman ni Mharose tapos lumayo samin at tumalikod .
" Kyreen , nakipaghiwalay na sya saken !!! "
" bakit hindi naman kayo magkadikit ahh para makipaghiwalay sya .. "
BINABASA MO ANG
Mafia Queen // editing
HumorThey wear power and darkness equally well, those girls have always been half-goddess, half-hell. But who's the real Queen between them?