Chapter III

22.9K 422 14
                                        

Kyreen's POV

Hininto na ni Ate ung sasakyan na itinapat nya lang sa tapat ng gate.

"Bumaba ka na, hindi na ko papasok sa school nyo."

"Hindi ka talaga te makakapasok kasi bawal outsider."

She gave me a glare and I just chuckled.

"See you Unnie. Saranghaeyo!" tapos bumaba na ko ng kotse.

Tinignan ko ulit ung watch ko para alamin kung anong oras na, 30 minutes na lang pala. Tingnan ko ulit ung kotse namin kung nandyan pa si ate, eh? Asan na si Ate? Umalis agad? Wala pang 5 minutes ah. Ambilis naman.

"Kyreeeen!" rinig kong may sumigaw ng pangalan ko kaya nilingon ko iyon.

"Waaaah Mharose!" tapos tumakbo ako palapit sa knya.

"Break na namin, kayo?"

"Kanina pa, ang haba nga oras ung break namin ehh kasi ang aga mag-walk out ni Ms.Dela Cruz kasi siguro hahanapin ung mga kaibigan nyang Gangsters." Napahinto naman ako ng maalala ko yung sinabi nya kanina. "Ay hindi pala, hehe," pagpapatuloy ko.

"Kaibigan nyang gangsters? Pfft! Ikaw talaga, halina na nga."

Tapos inakbayan nya ko at nagsimula maglakad.

"Nasan si Nymra, Mharose? Hindi pa ba nila Break?"

" Ayun naiwan na naman dahil hindi pa tapos mag-quiz."

Napadaan kami sa maraming estudyante na nakatambay sa puno.

"Ang ganda ng puno no."

" Oo nga."

Rinig ko namang sabi ng iba. Huminto ako ng paglalakad na ikinapagtaka naman ni Mharos , hinanap ko ung mata ng puno, hindi ko naman makita. Asan din yung ilong? Wla naman eh.

"Ky?"

"Mharose, anong itsura ng puno? Sabi nila maganda. Bat hindi ko makita ung mukha ng puno?"

"Pfft! W-wala yun, wag mo na sila pansinin. Halika na," ani nya tsaka nya hinila ang kamay ko palakad ulit.

Babalikan ko na lng siguro yung puno na to tapos magdadala ako ng magnifying glass para makita ko talaga. Pumunta kami ni Mharose sa Cafeteria.

"Dyan ka lang ah maghahanap lang ako ng lamesa."

"Ehh Mharose, bat ka pa maghahanap? Andami na ng lamesa oh hindi mo pa ba nakikita?"

"Huh? I mean yung lamesang wala pang mga tao," tapos hinatak nya ko sa isang table at pinaupo. "Dyan ka lang mag-oorder lang ako."

Hindi ko sya ma-gets, sabi nya mag-oorder sya pero bakit pumunta pa sya sa counter? I pouted. Sige na nga maghihintay na lang ako dito.

*splashhh*

"Aww!"

Tumayo ako atsaka tinulungan sya tumayo. May babae kasing natipalok tapos nabuhos ung tubig nya dahilan para madulas sya.

"Thanks," sabi nya saken na ningitian ko lang.

Kailangan malinis to. Nasan kaya ung mga janitor?

Nakita kong may lumabas na lalake dun sa room. Sa pagkakaalam ko andyan lahat ung mga janitor, janitress, waiter, waitress at ung ibang staff ng canteen, kaya tinawag ko sya.

"Kuya!"

Ayaw naman nyang lumingon ehh .

"Kuyaaaa!"

This time napalingon na sya. Salamat naman.

"What did you just called me?"

Ehh? Ayaw ba nya ng Kuya?

Mafia Queen // editingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon