Koreen's POV
" Mmaaaa !!!! Ppaaaa !!! Huhuhu " iyak ko sa harap ng lapida nila mom and dad .
" Maa wag nyo muna isama si Kyreen !! Please lang po , kailangan ko pa ng makakasama !!! Kailangan ko pa sya *sob* Wag muna okay ?! Please lang po huhuhu "
Kyreen asan kana ba ?! Saan ka nagpuntaaaaa ?!!!! Sabihin mo naamaann ..
" Maaa , paaa tulungan nyo ko hanapin sya *sob* pleaassee lang po , please lang . Tulungan nyo ko hanapin sya ~! Huwaaahh .. "
Then niyakap ko na nga yung lapida nila .
" Sabi nyo .. sabi nyo hindi nyo ko kami papabayaan diba ?!! *sob* Pero bakit ganuun ?!! Pinaparusahan na ba ako ~?! *sob* Tatanggapin ko naman kahit anong parusa eh , basta wag lang yung kapatid ko , wag lang yung kambal ko *sob* wag lang .. wag lang si Kyreen .. huhuhu . Kahit makulong ako ng ilang taon , kahit ilan pa yan basta andyan pa rin si Kyreen papayag akoo~! *sob* Wag lang muna sya kunin saken . Pleaseee lang !! Huwaaahh !!! "
' Unnie .. '
' Saranghaeyo Unniee .. '
' " Pero Unnie hindi ka pa pwede mawala kasi ... hindi pwede kasi hindi ko kakayanin mag-isa " '
' " Basta Unnie tandaan mo para sakin , Ang Kambal .. Kambal .. " '
Kapag naririnig ko yung boses nya sa utak ko lalo akong umiiyak .Ikaw na rin nagsabi na hindi mo kaya na mag-isa !! Bakit ka ba ganyan ?! Nakakainis ka Kyreen magpakita kana please naman .. Nasan ka na ba kambal ? Nasaan ka na ? Wag mo naman sana ako pahirapan ?!! Pleasee umuwi ka naaaa .
" Iha .. "
Napatingin naman ako sa nagsalita . Isa syang matandang babae .
" Bakit ka umiiyak ? "
" Nawawala po yung kapatid ko *sob* "
" Ganun ba ? Wag kang mawalan ng pag-asa iha . Mahahanap mo rin sya . Sa lahat ng problema may solusyon . Kaya kung anong problema pa yan kailangan matatag ka , kailangan hindi ka sumuko . Gawin mo ang best mo at malulutas iyan . Pero diba ang ibang tao kapag hindi na kaya nagpapakamatay ? Mali yon , dahil hindi sapat ang pagsusuicide para malutas mo yung problema mo . At isa pa , walang saysay ang buhay kapag walang problema . Ang problema ang dahilan kung bat tayo matatag . At ang importante dapat manalig ka sa Diyos . Sige na , pumunta ka ng simbahan at magdasal ka . " pagsabi nun ng ale umalis na sya .
' Pumunta ka ng simabahan at magdasal ka '
Simbahan ..
Dasal ..
Diyos ..
Sa lahat ng araw walang oras na hindi ko sila inisip .. walang oras na pumunta ako sa kanila para humingi ng tulong .. Pero siguro sa ngayong ito kailangan ko na sila .
Tumayo ako at pumunta sa kotse tsaka tumungo sa simbahan na malapit dito . Pagbaba ko ng kotse hinanda ko na yung sarili ko para sa kanya .
Sa tingin ko nga habang naglalakad ako papasok dito , nasusunog na ko dahil sa dami ng kasalanan na nagawa ko . Ginaya ko ang ginagawa ni Kyreen na nagccross at tapos umupo sa dulo at lumuhod .
' Tulungan mo ko ... Tulungan nyo po ko na hanapin yung kapatid ko . Alam ko makasalanan akong tao pero sana pagbigyan mo ko . Wag mo na sya idamay , wag mo muna sya kunin . Wag muna .. nagmamakaawa ako . Pakinggan mo ko kahit ngayon lang . Kung paparusahan mo na ko sana bigyan mo ko ng isang araw para makasama sya ng lubos . Kahit ano pang parusang yan tatanggapin ko . Basta .. basta wag mo lang sya papabayaan . Ingatan mo sya . Yun lang at Salamat ..... Hesus . '
BINABASA MO ANG
Mafia Queen // editing
HumorThey wear power and darkness equally well, those girls have always been half-goddess, half-hell. But who's the real Queen between them?