Chapter 3

42K 742 14
                                    

Heather's Pov

It is the first day of class for the second semester, usually students aren't in the mood for days like this but for unknown reason everyone seems to be in hurry. Ano kaya ang nangyayari?

"What is happening?" Tumaas ang kilay ko at seryosong tinitigan ang estudyanteng pinigilan ko mula sa mabilis n'yang paglalakad. Namumula ang pisnge nito na para bang sobra s'yang kinikilig. Hays, girls and their obsession for handsome men. "Hindi mo ba alam 'yong tungkol sa bagong Calculus teacher? Gwapo raw kasi at hot makalaglag underwear," aniya. Pilit na 'tong nagpumiglas mula sa pagkakahawak ko sa braso n'ya atsaka s'ya tumakbo papunta sa faculty room.

If he's handsome then he must be off limits for me, pagkatapos nang kalandian ko last week bigla akong nagka-trauma na lumapit sa mga gwapong lalaki. They'll be the cause of my death.

Mabilis na sumilay ang ngiti sa labi ni Harold nang makita niyang pumasok na 'ko sa room. Ang weird lang talaga kasi naman halos five minutes na lang magsisimula na ang klase namin para sa Business Math ay wala pa rin ang mga kaklase namin, literal na mabibilang lang sa daliri ang mga estudyanteng nandirito.

"Akala ko makikigulo ka rin sa faculty room eh." Nagtaas ako ng kilay at inilagay sa likuran ng upuan ko ang aking bag bago ko nilingon si Harold na may mapang-asar na ngisi sa kanyang labi. "What would I do there? Susundo ng professor?" Pang-uuyam ko sa kanya bago replyan ang text messages ni Kuya na nagtatanong kung nakapasok na raw ba 'ko.

To: Kuya Rex 💙

Yup, pero wala pa 'yong mga classmate namin ang weird nga eh, nagkakagulo kasi sila sa faculty room.

"Uhuh, baka nga gawin mo talaga 'yan kapag nakita mo 'yong bagong professor usap-usapan na gwapo raw 'yon." Ibinaba ko sa desk 'yong cellphone at muling hinarap si Harold na naglalaro ng mine craft sa kanyang cellphone. "As if naman, hindi ako magkakagusto sa teacher kahit na kasing-gwapo n'ya pa si Lucky Blue Smith napaka-unethical non atsaka bawal rin." Nagkibit balikat lang s'ya at hindi na 'ko pinansin samantalang naging abala na 'kong replyan ang mga text messages ni Ressee pati na rin ni Kuya.

From: Kuya Rex 💙

Wala naman ako d'yan ah, ba't sila nagkakagulo?

His text message made me smile for a moment, boastful!

Nang makita ko kung sino ang pumasok sa loob ng classroom namin at tumapak sa maliit na platform na nasa harapan ay halos pagbagsakan ako ng langit at lupa kasabay nang mabilis na pagkalabog ng puso ko.

Anong ginagawa n'ya rito?

Suot ang navy blue niyang longsleeve na nakatupi hanggang sa may siko at pares ng salamin, natigilan ako at biglang gusto ko na lang umuwi, wag nang pumasok sa klaseng 'to o hindi naman kaya ay idrop na lang ang subject na 'to. That was him, I am certain that he's the handsome stranger I had a one night stand with.

Professor s'ya... Professor ko s'ya!

"Bigla ka atang namutla? Ganyan ka na ba magblush ngayon kapag kinilig? Namumutla na at hindi namumula." Hindi ko alam kung paano ko aalisin ang mata ko sa lalaking nasa harapan at may kung anong binubuklat sa module na hawak n'ya para tumingin kay Harold na namemeste sa gilid ko. Hindi ako makahinga, mamatay ako sa sobrang kaba. "Cat got your tongue?" He commented once again.

"Okay class, settle yourself." Hearing his baritone voice that was etched on my mind and playing there every now and then was like the confirmation I need, sigurado na 'ko ngayon na s'ya nga 'yon at hindi n'ya lang 'yon basta kamukha!

Ang mga kaklase ko'y mabilis na sumunod sa sinabi n'ya, maging ang mga lalaki, maybe because they are intimidated as well by our new Professor's aura. Kung intimidated sila, ano pa kaya ako hindi ba? Sana lang talaga hindi n'ya ko naalala sana possible 'yon.

Saglit n'ya kaming pinasadahan nang tingin at nang magtama ang mga mata naming dalawa ay halos hindi na 'ko huminga at mas lalo lang naparanoid sa kaiisip kung nakilala n'ya ba 'ko o hindi, tsaka pa lamang ako nakahinga ng mapayapa kahit papaano nang tumalikod na s'ya para isulat ang mga equation na kaagad n'ya rin namang inexplain.

I should go to church later and ask a priest to bless my mind, sinful thoughts kept on coming out! Hindi ako nakikinig sa discussion dahil wala akong maintindihan sa mga sinasabi n'ya kahit na mukhang malinaw n'ya naman 'yong naipaliliwanag.

Pakiramdam ko'y nagkaroon ng telescope ang mga mata ko at naka-focus 'yon sa paggalaw lang na labi n'ya pati na rin ang pagbaba taas ng adam's apple n'ya. What the hell, Heather!

I snap back into reality as I felt someone tapped me from behind. Nilingon ko si Desiree na kaagad ngumuso sa unahan. Shit! Anong nangyayari bakit halos lahat sila nakatingin sa 'kin? "Kanina ka pa tinatawag ni Sir," bulong n'ya at inirapan ako.

"Ms. Fraier, can you solve the equation written on the board." He lazily ask, was it just me or he really did pronounce those phrases in a sexy manner? Kinakabahang tumingin ako sa paligid bago tumayo at naglakad papunta sa harapan ngunit nang makita ko kung gaano kakomplikado 'yon ay halos hindi na gumana ang utak ko at napatitig na lang do'n.

Hindi ko na mabilang kung ilang beses ba 'kong napalunok habang nanginginig kong inalis ang takip ng marker. I was standing here for a couple of minutes now. Nababalot ang classroom nang matinding katahimikan na pakiramdam ko'y naririnig n'ya na mismo ang malakas na pagtibok ng puso ko. "You can't solve the written equation if you'll continue to stand there and stare at it, kahit na ubusin mo pa ang buong buhay mo sa katitig d'yan ay hindi 'yan masasagutan," aniya sa katamtamang tono na kaming dalawa lang naman ang makaririnig.

Mabilis akong naalarma at napaatras nang makita ko ang paghakbang n'ya sa 'kin, with a taunting smile on his lips. Kinuha n'ya 'yong marker atsaka s'ya naglakad sa unahan para s'ya na mismo ang sumagot sa equation na nakasulat. "Hindi madali ang calculus at business math, pero mas maiintindihan n'yo ang mga subject na 'to kung makikinig kayo." Idinirekta n'ya sa 'kin ang huling kataga ng mga sinabi n'ya muling hinarap ang buong klase.

"Some of you here are born with golden spoon on their mouth and that's your advantage but those student who strive and has passion for learning will always be the winner in this circle of life, remember that class." Bumaling s'ya sa 'kin at seryoso akong tiningnan. "You may go back to your seat Ms. Fraier, sa susunod ay makinig ka na sa sinasabi ng taong nagsasalita sa harap." He manage to say those while he was supressing a smirk. Bwisit! Nakakahiya talaga.

Halos manghina ako at hindi na makapaglakad pa nang maayos pabalik sa 'king upuan. Idagdag mo pa ang mapanghusgang mata ng mga kaklase ko at bulong-bulungan nila, nakaka-inis lang talaga! "Ayos lang 'yan atleast hindi ka ipinahiya sa klase." Harold comforted me but that doesn't work anyway, kahit na hindi ako pinagsalitaan ni Sir ng masama ay ramdam ko pa rin ang pagkakapahiya.

Siguro iniisip n'ya na ngayon na malandi na nga ako hindi pa 'ko nakikinig sa klase n'ya, argh! I really want to drop this subject.

The two hours business math class became a two hours hell of my life that I'll get to experience everyday until this semester end or until he's our professor, how lucky am I?

Mabilis na nagsilabasan ang mga kaklase ka para pumunta sa susunod naming klase nang tumunog na ang school bell habang naiwan naman ako sa 'king upuan dahil masyado akong swerte at naipit sa upuan ang strap ng bag ko na pahirapan pang alisin. Malas! Malas! Malas!

"Avah, anong ginagawa mo rito?" I heard him speak, mula sa peripheral vision ko ay nakita ko ang paglapit sa kanya ng isang magandang babae, medyo tan 'yon at may sexy na pangangatawan, maganda rin s'ya at mukhang may dugong banyaga. "Nalaman ko lang kay Tita na rito ka na pala nagtatrabaho so here I am paying my boyfriend a visit." She then laughed, mariin akong napapikit dahil sa inis nang marinig ko ang mga 'yon, malakas na hinila ko ang strap ng bag ko at nawalan na ng pakialam kahit na masira pa 'yon basta ang gusto ko ay makaalis na 'ko rito.

"Is there a problem Ms. Fraier?" rinig kong tanong n'ya nang maglalakad na sana ako paalis. Hindi n'ya ba 'ko naalala o sadyang nagpapanggap lang s'ya na hindi n'ya ko kilala? Umiling ako at pilit na ngumiti sa kanilang dalawa.

"Wala po Sir, have a good day." 

Cruel IntentionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon