Chapter 5

38.2K 689 4
                                    

Heather's Pov

"Hindi mo ata kasama si Ressee ngayon o si Rex," sambit ni Thlaine habang sinusukat ko ang kulay itim na gown na dinala n'ya rito. "Nasa Tagaytay si Ressee may inaayos lang sa business nila ta's si Kuya naman nasa Siargao." Tumalikod ako sa kanya para maisara n'ya ang zipper na nasa likod atsaka n'ya ko muling pinaharap sa salamin.

"You look exquisite and astonishing as always, Darling." She commented. Natahimik ako at seryosong tinitigan ang repleksyon ko sa salamin. The gown perfectly hugs the curves of my body and the see-through long sleeve of it made it look more elegant, I love it.

"Ikaw ba ang mag-aayos sa 'yo o may make up artist na pupunta?" Tumango ako sa kanya. "May tinawagan na akong make up artist, hindi ako sigurado kung ano ba ang dapat na ayos ng mukha ko e." She smiled, samantalang nagpatuloy ako sa paghahanap ng hikaw na babagay sa gown na susuotin ko.

"Smoky eyes and red lipstick should do it with the touch of bronzer, lalagyan ko na lang ng concealer 'yong under eye mo para maitago 'yong eyebag but we'll flaunt your preckles." The newly-arrived make up artist muttered, bumalik s'ya sa walk-in closet ko para maghanap ng stilettos na ipapares sa gown ko.

A smile curve into my lips as I get to see a pair of ruby earring Kuya Rex got me for my birthday last year. Hindi ko ito masyadong nagagamit at kung tama ako ng pagkakaalala ay ngayon ko pa lamang ito maisusuot.

"Bagay ba?" Lumingon ako sa kalalabas lang na si Moon bitbit sa magkabilang kamay n'ya ang isang itim na prada stilettos at sa kabila naman ay ang kulay puting chanel clutch bag. Mabilis na lumapad ang ngisi sa labi n'ya at paulit-ulit na tumango. "That pair of ruby should make them back off." She then chuckles softly.

"Heather, may boyfriend ka na ba?" May buong kyuryosidad na tanong ni Moin sa 'kin habang nilalagyan n'ya ng eyeshadow ang talukap ng mga mata ko. Her question somehow made me laugh. "Wala, ni wala pa nga 'kong nakadate madalas kasi kapag may mga pormal party si Kuya lang rin 'yong nakakadate ko pati nga sa prom." Bahagya kong ibinuka ang bibig ko para hindi na s'ya mahirapan pa sa paglalagay ng lip liner. That's true, beside from the fact that Garrex Fraier is an over protective brother of mine, I was too busy meeting my parents expectation of me that I don't have time to entertain boys at my age.

Madalas sinasabi ni Mommy na wala akong mapapala sa pakikipagrelasyon kung 'di heart break lang. "Gano'n? Sorry ha, curious lang talaga atsaka hindi naman kasi kita machika ng gan'to kapag nand'yan si Madam alam mo naman, sumusunod 'yon sa yapak ni Queen Elizabeth sa pagiging pormal na babae." She said, ngumiti lang ako sa kanya.

She put my hair into a bun and let some strand of it fall beside my ear as she curl it. "You're all fix and ready to go." Nakangiting sinabi n'ya nang matapos na kami sa pag-aayos. Maybe it was my eyeshadow or the color of my lips, maybe the style of the gown but somehow I look more mature than my age and I kinda love it.

"Umuwi ka na rin kaagad kapag na ibigay mo na 'yong cheque, Allyrica and most of all do not entertain boys at your age they'll do no good for you." Mahigpit na bilin ni Mommy habang bumabyahe kami papunta sa Manila Garden, ang venue ng nasabing charity event. "Yes, Mommy."

"Okay, Darling keep safe." Mabilis kong ibinalik sa clutch bag ang cellphone ko at pilit na ngumiti bago ko sinabihan ang driver na buksan n'ya na ang pinto ng sasakyan. Flashes of lights from different camera's welcome me, though I am not in the mood for this, a smile is pasted in my lips just like how I was trained to fake my emotion and pretend that I'm perfectly okay whenever I'll get to join a socialite in an event like this.

"Ito ang unang beses na kayo lang mag-isa ang dumalo sa taong-taong charity event na'to, Ms. Heather." A reporter from a certain network ask. Ngumiti ako sa kanilang lahat at inabala pa rin ang sarili ko na magpose sa tapat ng red carpet. "My parents as well as my brother has things to do that's why they cannot make it here this year." Nakangiting sagot ko habang pumopose pa rin sa tapat nila.

"P'wede po ba naming malaman kung sino ang designer ng gown na suot n'yo? And the ruby earing is indeed a fashion statement Ms. Heather." Someone commented from behind, matuwid akong tumayo at hinarap silang lahat. "This is one of the Black Gowns collection of Ms. Thlaine Michigawa that she showcase on Paris Fashion Week last month." Kahit na marami pa silang katanungan ay tanging ngiti na lamang ang naisagot ko at dire-diretso na 'kong naglakad papasok sa loob.

"Heather, I am pleased to see you." Ms. Elizabeth Montefiore, the host and founder of this annual charity event greeted me. Ngumiti ako at maingat na bumeso sa kanya. "I'm sorry but my parents couldn't make it here tonight Tita, nasa New York po kasi sila para sa isang business convention." Tumango naman s'ya at masuyo akong nginitian.

At sa kauna-unahang pagkakataon ay mabilis na gumuhit ang mga ngiti sa labi ko nang makita ko ang paglapit sa 'min ni Tasmine, I'm a fan of her. May sinabi s'ya sa Lola n'ya at nginitian lamang ako bago s'ya muling bumalik sa mesang kinauupuan ng asawa n'ya at ng iba pang Montefiore.

Mahigit isang oras na rin simula ng pormal na magsimula ang party, different businessman had their speech as they share the story behind their well established businesses, nakakainis lang kasi kahit gusto ko nang umalis sa party na 'to ay hindi ko pa magawa kasi nasa 'kin pa rin ang cheque at mukhang mamaya pa nila sisimulan ang pangangalap ng mga donation.

Wala sa sariling nilagok ko ang laman ng wineglass na kanina ko pa tinitingnan at bahagyang pinaglalaruan, pangalawang baso ko pa lang naman ito at wala naman akong balak na maglasing kaya laking gulat ko nang may kumuha mula sa 'kin ng bote ng red wine.

I turn to look at him only to see the dead eyes and passive expression on Euphraim's face. "Maglalasing ka na naman ba?" May pang-uuyam na tanong n'ya at pilit na kinuha sa 'kin ang wineglass na nasalinan ko ng wine. S'ya na mismo ang umubos ng laman non bago n'ya inilapag sa lamesa ang baso. "Hindi, atsaka ano ba ang pakialam mo? Bakit ka nandito? Are you part of the high society?" I don't wanna be rude but all the faces I have seen here is quite familiar and that's because I am used of seeing them in a socialite event every now and then but this is the first time I get to see him, maliban sa naging pagkikita namin sa bar at sa school.

"Do I have to answer that, Heather?" Umismid s'ya at pinaglaruan ang walang laman na baso ng wine sa lamesa habang ang mga mata n'ya ay nakapako sa 'kin. My brows shot up at his retort. Ayoko sanang maging bastos sa kanya kasi professor ko pa rin s'ya pero napaka-arogante n'ya lang kasi talaga at nakakainis 'yon. "Maybe? Because that is the right thing to do but that doesn't matter at all Sir, p'wede na po kayong umalis kaya ko na ang sarili ko." Mariin s'yang pumikit at tumingala, but when he open his eyes I clearly saw how his eyes spark in mischief and it made me wonder for a moment why.

Ngumiti s'ya, isang klase ng ngiti na gugustuhin ko atang makita nang paulit-ulit sa buong buhay ko. Bago s'ya tumayo at inayos pa ng bahagya ang pulang nectie at coat na suot n'ya. "If you say so, nag-aalala lang naman ako na baka ipahamak mo na naman ang sarili mo...nag-alala ako as your professor Ms. Fraier." And with that he turn his back on me and walk towards the Montefiore, sandali lang kilala n'ya ang mga Montefiore? At mukhang hindi lang kilala dahil parang close na close s'ya sa kanila lalo na sa asawa ni Tasmine na si Krei.

That thought soon leaves my mind as I remember suddenly what he have said. "Nag-aalala ako as your Professor, Ms. Fraier." Oh God! What the heck thus he mean by that?

Cruel IntentionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon