Heather's Pov
"Ano 'to?" Mabilis kong ibinalik kay Kuya ang atm card na inilapag n'ya sa lamesa habang naghahapunan kami. "Just so you know, dad freeze your account for the mean time for punishment." He blurted out and sip on his pineapple juice. Marahan n'yang dinampian ng tela ang kanyang labi atsaka n'ya muling ibinigay sa 'kin 'yong atm card n'ya.
"Hindi ko naman kailangan ng pera mo, may cash pa naman ako kahit papaano. P'wede na 'yon sa 'kin." Nagpatuloy lang s'ya sa paghiwa ng steak at nakangisi akong binalingan nang maisubo n'ya na 'yon. "Hindi natin alam kung kailan n'ya ibabalik 'yon, kaya mo bang tumagal ng walang pera? Walang kahit na ano? Kilala kita Heather, hindi pa baba sa limang libo ang laman ng wallet mo ay nagpapanic ka na kaagad." Ngumuso lang ako at inilipag na 'yong atm card sa gilid at nagpatuloy sa pagkain. Tama naman kasi talaga s'ya. Kilang-kilala n'ya nga ako.
"Sila Daddy pala nasaan?" Luminga ako sa paligid, walang buhay ang buong bahay. Katulad ng dati, mas malungkot pa nga 'to kapag wala s'ya para sa business trip o di kaya naman ay kapag nasa Siargao s'ya para sa surfing hobby n'ya na tatlong beses sa isang buwan niyang ginagawa. "Nasa New York sila ni Mom para sa business convention, hindi mo ba alam?" Umiling ako at muling sumubo. Mag-iisang linggo na simula nang umuwi ako ng umaga at hindi pa rin ako kinakausap ng magulang ko. Wala naman talagang bago ro'n kahit na wala naman akong kasalanan ay wala pa rin silang oras na kausapin ako. Iyon nga lang naguguilty ako dahil nagsisinungaling ako sa lahat pati na rin kay Ressee at kay Kuya.
"Don't worry, lilipas din ang galit sa'yo ni Papa, you're in your twenties that's the age where people rebel actually. Mas malala pa nga d'yan ang nagawa ko." That supposed to comfort me but opposite happen, mas lalo lang sumama ang loob ko dahil do'n pakiramdam ko kasi napaka-unfair, kapag si Kuya okay lang kahit na anong gawin n'ya samantalang ako palaging bawal, kailangan lagi ko silang sinusunod nakakapagod na rin.
I spend the rest of my day watching netflix, but what I did last week would often pop in my mind that it kinda frustrates me, naka-ilang movie ako pero wala ako halos maintindihan dahil pre-occuppied ang utak ko. God, damn it! Sa lahat nang nakipag-one night stand ako lang ata 'yong taong masyado 'yong binibig deal.
Aba ba't naman kasi hindi? Eh first time ko 'yon...
Ang magkasunod na katok mula sa pintuan ang pagtawag ni Kuya Rex ang tuluyang nakapagpabangon sa 'kin mula sa higaan. "Excuse me, Miss, sino ka? Ba't nasa kwarto ka ng kapatid ko?" Seryosong tanong n'ya at sumilip sa loob ng kwarto.
"Kuya naman eh!" Mahina kong tinapik ang braso n'ya na kanya namang ikinatawa. "Ganyan ba talaga kapag grounded? Nagiging losyang, Allyrica? You look like a widow woman." He commented, inirapan ko lang s'ya atsaka ko na lamang napansin na bihis na bihis na naman s'ya. Saan na naman ba ang lakad nito?
"Saan ka pupunta?" Imbes na sagutin n'ya ko ay sinuot n'ya lamang ang aviator glasses n'ya at kinuha sa gilid ang surfing board n'ya. I groaned out of frustration because of it, kahit na sabi n'ya ay mukha akong ewan ay sinundan ko pa rin s'ya hanggang sa labas ng gate ng bahay at kinumbinsi na h'wag muna s'yang tumuloy papunta sa Siargao.
"Iiwan mo talaga ako rito? You're impossible, Garrex Fraier! Mababaliw ako sa pagka-bored dito." Reklamo ko at kulang na lang ay sirain ko ang bintana ng sasakyan n'ya. "Sasama na lang ako sa'yo." I heard him sighed, inalis n'ya rin ang aviator glasses n'ya at seryoso akong tiningnan.
"Hindi ka p'wedeng sumama sa 'kin kasi po may pasok ka na bukas, last day na ng sembreak mo ngayon hindi ba? Pangalawa na sa'yo naman 'yong atm at credit card ko magshopping kayo o di kaya kay Ressee ka muna ako na ang bahalang magsabi kina Manang na pagtakpan ka kapag tumawag sina Daddy." I really hate it, kaya siguro hindi 'yan makapaghanap ng girlfriend kasi priority n'ya talaga 'yang pagsusurfing n'ya, kung hindi naman ay busy s'ya sa kumpanya at ang natitira n'ya pang oras ay nilalaan n'ya na sa pamemeste n'ya kay Ressee.
"Ressee, okay ka lang ba? Kanina ka pa tulala. Namumugto rin 'yang mata mo, ano ba talaga ang nangyari sa'yo?" Hindi ko na napigilan pang matanong dahil nakatulala na naman s'ya, halata rin na umiyak talaga s'ya dahil paga nga ang mata n'ya. Dahil ba 'to sa problema n'ya sa kumpanya nila?
Lumingon s'ya sa 'kin at pilit na ngumiti. "Wala naman, marami lang talaga akong iniisip," samambit n'ya na mukhang kapani-paniwala naman kasi kanina ko pa nahahalata na ang lalim nga nabg iniisip n'ya pero feeling ko lang talaga hindi lang dahil sa kumpanya ang problema n'ya, may kinalaman kaya si Morgan dito o si Klau?
"Ano nga pala 'yong sasabihin mo kanina?" She askef, nawala na ang ngiti sa labi ko nang maalala ko na 'yon nga pala ang dahilan ko kung bakit nandito ako ngayon, sabi ko kasi sa kanya ay may sasabihin akong importante.
I heaved a sigh and began fidgetting, kinakabahan ako baka makalbo n'ya ko bigla kapag nalaman n'ya ang kaharutang ginawa ko. "I had a one night stand last week, Renaissance, I'm just too wasted that time that I couldn't remember what I did that night and just woke up the next morning, naked with handsome stranger in a hotel room." There I said it, bakas ang pagkagulat na para bang hindi s'ya makapaniwala sa sinasabi ko ngayon.
Her lips purse and with serious expression on her face she made me face her. "Heather Allyrica Fraier, sabihin mo nga sa 'kin nagdadrugs ka ba?" She bluntly ask, napangiwi ako at mabilis s'yang hinampas sa braso sa dami n'yang sasabihin o itanong sa 'kin 'yon talaga? Baka s'ya 'yong nagdadrugs.
Umirap ako sa kanya habang nanatili s'yang seryosong nakatingin sa 'kin at mukhang hinihintay na sabihin kong joke lang 'yon at ginogood time ko lang s'ya. "I'm dead serious, ikaw pala 'yong pinagsabihan ko —,"
" Bakit plano mo ba na ipaalam sa buong Pilipinas na nakipag-one night stand ka at hindi ka na virgin?" Pagputol n'ya sa sinasabi kong mabilis ko namang inilingan, hindi naman sa gano'n, syempre hindi edi napa-salvage ako nila Daddy kapag ginawa ko 'yon.
"S'yempre hindi, kaso nag-aalala lang ako paano kapag nabuntis ako? ni hindi ko nga kilala kung sino 'yong tao basta ang alam ko lang kung makikita ko s'ya ulit, sigurado ako na mamumukhaan ko s'ya." Hindi naman siguro ako mabubuntis?
Damn it! ni hndi ko nga alam kung safe ba 'ko o hindi noong may nangyari sa 'min basta medyo kalmado pa 'ko dahil sa pagkaka-alala ko ay sa susunod pa dapat ako magkakaroon.
"Hindi ba kayo gumamit ng uhm... condom?" Mariin akong napapikit sa tanong n'ya, ang awkward sagutin non sana pala hindi ko na lang sinabi 'to sa kanya, isa pa ni hindi ko nga alam kung gumamit ba kami non o hindi.
The silent ate us up I shook my head at her awkward question. Mabilis na lumaki ang mata n'ya at kung may hawak man s'yang kung ano ngayon ay malamang naibato n'ya na sa 'kin.
I sighed frustratedly, gusto ko nang maiyak dahil sa halo-halong emosyong nararamdaman ko. "Hindi, hindi ko alam, hindi ko natanong hindi ko naman na kasi s'ya ginising basta nang nagising ako nagbihis lang ako at lumabas na kaagad sa hotel room." And with that tears finally slipped through my eyes. Hinanda ko na rin ang sarili ko na makarinig nang sermon mula sa kanya kaya mas lalo lang akong naiyak nang maramdaman ko ang mahigpit niyang pagyakap sa 'kin.
The two of us where like that for a couple of minutes until she dry those tears in my eyes and gave me her comforting smile. "Okay lang 'yan, magiging ayos din ang lahat." She whisper, I hope so sana nga pagkatapos nito ay maayos pa rin ang lahat.
Isang linggo kaming hindi nagkita at sa dami nang kwento namin sa isa't isa ay inabot na lang kami ng madaling araw ay nagkukwentuhan pa rin kami. Despite of poor treatment that I received from my family I still consider myself lucky for I have her and Kuya Rex in my life.
BINABASA MO ANG
Cruel Intentions
General FictionAuthor's Note 🔞: This story contains explicit and mature content. Readers who are sensitive to these contents may or may not continue. THIS IS A WORK OF FICTION