Chapter 12

30.7K 746 41
                                    

Heather's Pov

Humihikab at inaantok pa man ay pinilit ko na ang sarili ko na bumangon nang maalimpungatan ako at wala na si Euphraim sa 'king tabi. We had to sleep together so that his father would actually believe that we are in a relationship.

Si Papa at si Luke ay wala talagang kaide-ideya sa tunay na relasyon namin. Napaisip na lang ako bigla. Katulad nila ay wala rin pala akong ideya kung ano ba talaga ang relasyon namin ni Euphraim. Ang alam ko lang ay walang kami pero magkakaroon na kami ng anak.

Papasikat na ang araw. Tinupi ko muna ang kumot na aking ginamit bago tuluyang lumabas ng kwarto. Naabutan ko s'yang nagsasangag sa may kusina. "Kanina ka pa ba gising?" Nahihiya kong tanong. Lumingon s'ya sa 'kin at tumango bago n'ya muling ibinalik ang mata n'ya sa kalan at pinatay 'yon.

"Kanina pa, tinulungan ko si Papa na ikarga 'yong mga sako ng palay sa truck na ipapagiling nila sa bayan mamaya." I froze as I run out of breathe when he did something that caught me by surprise.

Hinalikan n'ya ko sa noo...

"Maliligo lang ako saglit tapos sabay na tayong kumain." Sambit n'ya at kinuha na ang tuwalyang nakasabit sa sandalan ng plastic na upuan. Pinamulahan ako ng mukha dahil sa nangyari. Ano ba 'tong ginagawa n'ya?

Ilang saglit pa 'kong nakatulala lang sa mga pagkaing nakahain sa lamesa bago ko maisip na ipaghanda s'ya ng isusuot n'ya para sa pagpasok. Bumungad sa 'kin ang limang kulay ng long sleeve na nakahanger sa loob ng kabinet n'ya.

Naalala ko ang mga 'to.

'Iyong kulay itim na polo ang suot n'ya noong unang araw ng school kung saan kami muling nagkita pagkatapos ng nangyari. That memory somehow bring a smile into my lips.

Iyon na rin ang inilapag ko sa ibabaw ng higaan namin kasama ng slacks n'ya, sinturon at ang medyas. Habang iniisip ko pa kung ano ang kulang sa mga inihanda ko'y bumukas ang pinto ng kwarto.

Nagkatitigan kaming dalawa at napalunok na lamang ako ng makita ang mga butil na pumapapatak sa kanyang katawan. I looked away immediately as I saw a smirk crept into his face.

"You must have missed my body that much." Lumingon ulit ako sa kanya at tinaasan ko s'ya ng kilay. "Ang kapal mo naman, parang ang ganda-ganda naman ng katawan mo para.mamiss.ko." Nag-iwas ulit ako ng tingin. Chiseled chest, 8 pack abs his biceps and the torso. Say what Heather Allyrica? He really has a beautiful body.

"Lalabas na 'ko — p'wede mo naman ako panuoring magbihis, I wouldn't mind." Nag-init kaagad ang pisnge ko dahil sa sinabi n'ya. Bwisit! Wag kany ganyan baka mamaya matempt ako at gawin ko nga, nagmana pa naman ako sa karupukan ni Ressee.

"Ba't ko naman gagawin 'yon? Nandito lang naman ako kasi pinaghanda kita ng damit." Now that I have verbalized it, it looks and feels as if I'm trying to be come his ulirang asawa, ulirang nagpapanggap na asawa.

Pagkatapos naming mag-agahan na dalawa ay umalis na rin s'ya, may dadaanan pa raw kasi s'ya sa office ng principal.

Sadness consume me once again as I stared on my phone that it's just Ressee who's sending me text messages. Namimiss ko na si Kuya Rex.

"Tao po, Tao po." Dumungaw ako sa pinto at kaagad na ngumiti kay Millicent may dala s'yang bayong na mukhang may lamang mga gulay.

"Heather sina Mang Charlee at Luke ba nand'yan? May pinabibigay na mga gulay si Mama." Aniya at iniangat pa ng bahagya ang bayong na dala n'ya para maipakita sa 'kin.

Umalis ako sa pagkakadungaw sa bintana at pumunta sa pinto para salubungin s'ya. "Wala eh, sabi ni Euphraim nasa bayan raw sina Papa at Luke para ata ibenta 'yong mga naaning palay." Kinuha ko ang iniabot n'yang bayong at inilagpat 'yon sa lamesa.

Mabilis akong nakaramdam ng pagkahiya ng mapunta ang mata n'ya sa mga pagkaing ilalagay ko na dapat sa baunan para sa pananghalian ni Euphraim. Maayos ang pagkakasaing ko ng kanin 'yon nga lang tutong 'yong pinirito kong hotdog, pati na rin 'yong tortang talong na sinearch ko pa sa internet kung paano lutuin ay tutong rin.

Naiilang na ngumiti s'ya sa 'kin. "Para ba 'yan kay Euphraim?" She asked. Nahihiya man ay tumango pa rin ako.

Mariin s'yang napakagat sa kanyang labi na animo'y pinipigilan n'ya ang sarili sa pagngisi. "H-hindi kasi talaga ako marunong magluto." I muttered. Napatango s'ya at may hinanap na kung ano mula sa bayong na dala n'ya kanina.

"Halatang hindi nga, mayaman ka siguro no?" Natahimik ako. "Buti na lang nagdala rin ako ng adobo sa gata na niluto ko, paborito 'yan ni Euphraim paki-bigay na lang rin sa kanya." Inilapag n'ya 'yong baunan sa lamesa at ngumiti sa 'kin pagkatapos n'ya uling sumulyap sa ulam na niluto ko.

"Nagbabago nga siguro ang gusto ng mga tao, dati kasi gusto ni Euphraim ng babaeng magaling magluto kaya nga nag-aral talaga akong..." Natigil s'ya sa pagsasalita at ngumiti na lang sa 'kin. "Mauna na 'ko, baka hinahanap na rin ako ni Mama." I fake a smile and waved her goodbye.

Ano ba ang dapat n'yang sasabihin? Na nag-aral s'ya para magluto para magustuhan s'ya ni Euphraim? Bakit parang bigla akong nainis ng dahil do'n?

Nasa gilid lang ng kalsada ang bahay nina Euphraim at nadadaanan ng mga sasakyan o tricycle kaya naman hindi na naging mahirap sa 'kin ang pumara ng masasakyan papunta sa SCC.

Compared to Empire University, Santa Catalina College is nothing but a dust but here it's the center of excellence and the best school.

"Salamat po." Ngumiti lang sa 'kin ang tricycle driver nang ibaba n'ya na 'ko sa tapat ng SCC. 11:43 am na. Ginala ko ang paningin ko sa paligid kaya lang ay hindi ko nakita si Euphraim. I was about to send him a mesaage when I felt someone intertwined his hands with mine.

Kaagad ko 'yong nilingon at napangiti na lang ng makita ang nakangiting si Euphraim. "Tara na, nagugutom na 'ko." Yaya n'ya. Was it just me or everyone else is staring at us as we walk inside the SCC premisses.

Isang babaeng estudyanteng mukhang itinulak pa ng mga kasama n'ya ang humarang sa 'min. "Prof, girlfriend n'yo po?" Nahihiya n'yang tanong. Euphraim flashed a smile at her. "Fiancee ko." Isa pang beses na maririnig kong sasabihin n'ya 'yan sa mga tao...baka maniwal na 'kong fiancee n'ya nga ako.

"Ikaw 'yong nagluto?" Seryoso n'yang tanong habang inilalabas ang mga baunan na nasa loob ng bag. Bago n'ya pa man mabuksan 'yong kulay pink na tupperware ay kinuha ko na 'yon sa kanya at mahigpit na hinawakan. Nangungunot ang noong tiningnan n'ya 'ko.

"May nilutong adobo sa gata si Millicent. She told me that is your favorite... 'Yan na lang ang ulamin mo." Ako na mismo ang nagbukas ng baunan kung saan nakalagay 'yong kanina at ang ulam na galing kay Mil.

"Anong laman n'yang isang baunan?" He asked as he eyed the tupperware. Napahawak ulit ako ro'n at umiling. "Wala lang 'to." I mumbled. Wala na 'kong nagawa pa ng sapilitan n'ya ng kinuha 'yon mula sa 'kin.

"Ikaw ang nagluto nito?" He asked in monotone. Nahihiya akong tumingin sa kanya at tumango. "Hayaan mo na 'yan, wag mo ng k-kainin 'yong ipinadala na lang ni Millicent ang kainin mo — " Bago ko pa matapos ang sasabihin ko'y tinusok n'ya na ang hotdog at sinubo.

A smile crept into his lips at that thought of he's eating the food that I have prepared tho I am sure that it taste bad.

"Hindi mo naman kailangang gawin 'yan at magpanggap na nasasarapan ka sa luto ko, tinikman ko kaya 'yan." Uminom s'ya ng tubig at tumingin sa 'kin.

"Wala naman akong sinabi na masarap. I am eating this uhm...food...because I appreciate your effort." Bumalik s'ya sa pagkain at gano'n rin ako paminsan-minsan ay nagkakatinginan kami.

"Nga pala, kumusta 'yong pagtuturo mo dito? Heartthrob ka na naman siguro noh?" Nakangusong tanong ko habang ibinabalik ang mga baunan sa loob ng bag. Seryosong pinanunuod n'ya lamang ako habang ginagawa ko 'yon.

"Well..." Mabilis ko s'yang sinamaan ng tingin na ikinatawa n'ya. "Don't worry, wala naman akong balak na manlandi ng estudyante ko rito. You don't have to be jealous and paranoid, Mrs. Gallego."

Cruel IntentionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon