Heather's Pov
Pilit kong inialis ang kamay ni Euphraim na nakapulupot sa 'king bewang habang nagmomovie marathon kami sa sala.
Nakakainis na! Kapag nagagawa kong alisin 'yong kamay n'yang isa ay ibabalik rin naman n'ya kaagad 'yong isa kaya parang wala rin.
Muling tumunog ang door bell, kanina pa 'yon tumutunog at hindi ko lang magawang tingnan kung sino 'yon dahil ayaw n'ya kong bitawan.
"Sandali nga lang kasi, titingnan ko muna kung sino 'yon." Inis na anas ko sa kanya. Bumuntong hinga s'ya saka unti-unting inalis ang matitipuno n'yang braso sa 'kin.
My brows furrowed as I saw him frown, directing gaze on the television. Tampu-tampuhan lang?
Naiiling na inayos ko ang aking t-shirt saka naglakad papunta sa pintuan. Mabilis na nanlaki ang mata ko nang sumambulat sa 'kin ang nakangiting imahe ni Carter bitbit sa kanang kamay n'ya ang isang brand ng paborito kong pizza at mga canned beer naman sa kabila.
"Hello, my favorite person." He muttered and try to take a step in but I blocked his way immediately causing him to frown.
Sa hindi malamang dahilan ay nakaramdam ako ng kaba na baka may kung anong mangyari kapag nagkita sila ni Euphraim dito.
"C-carter, anong ginagawa mo dito?" I compose myself and smile awkwardly at him.
"H-hindi mo sinabi na pupunta ka pala." Dagdag ko pa. Bahagyang kumunot ang noo at tumaas ang kilay n'ya ngunit hindi rin 'yon nagtagal dahil naitago ng pekeng ngiti n'ya ang pagkagulat mula sa narinig sa 'kin.
"Hindi, kasi baka tanggihan mo lang ulit ako kapag pinaalam ko pa sa'yo, hindi katulad ngayon na hindi mo na 'ko mapapaalis kasi nandito na 'ko at malakas ang ulan." Hindi kaagad ako nakapagprotesta at ilang segundong nakipagtitigan lang sa kanya.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko, shit!
"Sakto mukhang nagmomovie marathon ka ata." Muli n'yang sambit at nakangiting pilit na pinagkasya ang sarili n'ya mula sa espasyong natira sa may pinto na hindi ko naharangan.
"Anong pinanunuod mo—"
"Heather, who's that?" Euphraim's baritone voice echoed making Carter frown even more. His frown turn into death glare and deadly gazes as Euphraim showed with his sweatpants and topless appearance.
Matalim rin ang ekspresyon na ibinigay sa kanya ni Euphraim bago s'ya nagdire-diretso ng lapit sa 'kin. Pulling me closer to him, the tension between us three intensifies.
"Hindi ba nagpapapest controlang management ng unit mo, Babe?" Si Euphraim suot ang mapaglarong ngisi n'ya bago isang beses na hinagod ng tingin si Carter.
"H-ha?"
"May peste kasing napadpad dito." Mabilis ko lang s'yang siniko saka ako lumayo sa kanya. Carter shook his head and laugh with no humor.
"You're back together?" Carter asked, his lips was pressed into thin line and I think I didn't eve see his mouth moved when he said those.
Kinuha ni Euphraim ang kamay ko kung saan nakasuot ang engagement na ibinigay n'ya sa 'kin kanina.
"We're not just back together, she's marrying me." Untag n'ya dito saka umismid. Binawi ko kaagad kay Euphraim ang kamay ko saka lumapit kay Carter.
"Are you happy with him?" Idinirekta n'ya sa 'kin ang tanong pati na rin ang mata n'yang namumula na. Slowly, I nod and bit my lower lip to prevent myself from crying.
Isang butil ng luha ang nakita kong pumatak mula sa mata n'ya bago s'ya pilit na ngumiti sa 'kin at nagtaas ng kamay sa ere.
"Well I'm happy for you..." Kumawala ang sunod-sunod na hikbi sa 'king labi ng sinubukan n'ya kong lampasan pero pinigilan ko pa s'ya at yinakap patalikod.
BINABASA MO ANG
Cruel Intentions
Ficción GeneralAuthor's Note 🔞: This story contains explicit and mature content. Readers who are sensitive to these contents may or may not continue. THIS IS A WORK OF FICTION