Heather's Pov
"You did what?" Alas nuebe pa lang ng umaga pero sira na ang buong umaga ko dahil sa narinig kong sinabi ni Euphraim sa 'kin pagka-uwi n'ya galing ng E.U.
Someone please tell me that he's just kidding.
"Gano'n rin naman 'yon estudyante ka ng EU at teacher ako ro'n. Kapag nalaman nilang nabuntis kita aalisin din naman nila ako sa trabaho kaya hindi na 'ko maghihintay na mangyari pa 'yon. I bet you do know that a teacher-student relationship is forbidden, Heather Allyrica." Pinagkrus ko ang aking braso at inilagay 'yon sa ibabaw ng aking dibdib.
"Pero wala tayong relasyon, ni hindi ko nga alam na magiging professor pala kita—"
He barked a set of mocking laughed. "At iniisip mo na paniniwalaan nila 'yon? Hindi natin alam baka nga palabasin pa ng mga magulang mo na nirape kita."
"And why the hell will they do that?" Nagkibit balikat lang s'ya at nilampasan ako. Bagsak balikat akong naupo habang hinihintay siyang bumaba.
"Oh God! This is all my fault." Narinig ko ang mga yapak n'ya pababa ng hagdan. Nakabihis na s'ya ng pambahay na damit at ang kamay n'ya ay isinusuklya n'ya sa may katamtamang haba niyang buhok.
Humalukipkip ako. "Ano ng plano mo? Sigurado ako na pinutol na ni Daddy ang credit at atm card ko." Binalingan n'ya 'ko ng tingin habang nagsasalin s'ya ng bigas sa kaldero.
"Ako ang bahala sa lahat, tatanggapin ko na 'yong offer sa 'kin na magturo sa SCC," seryoso n'yang sinabi. Ano 'yon? Sikat na university rin ba 'yon dito sa Manila?
"Saan 'yon? Malaking university ba 'yon?"
"Santa Catalina College, community college 'yon sa probinsya namin." Natigilan ako sa sinabi n'ya. Ibig sabihin hindi 'yon dito? Tumayo ako at lumapit sa lamesa para magsalin ng tubig. Nanunuyo ang lalamunan ko dahil sa mga nalalaman 'kong 'to.
"Bumili rin pala ako ng mga damit mo sa tiangge na nadaanan ko kanina. Hindi 'yon mamahalin, kailangan ko kasing tipirin 'yong pera ko para pamasahe natin pauwi ng Santa Catalina, pagtyagaan mo na lang muna 'yon—"
"Pamasahe natin? Tayo? Uuwi ng probinsya n'yo?" Humarap s'ya sa 'kin nang maisalang n'ya na ang sinaing tumango s'ya at humalukipkip. Mabilis akong umiling. "Hindi, hindi ako sasama sa'yo, ayoko!" asik ko bago inilapag ang baso sa lamesa.
"Hindi naman kita p'wedeng iwan dito sa Manila habang nagtatrabaho ako ro'n."
"Ayoko nga sabi." I spat angrily and walked out on him. Hindi ko na kaya ang biglang pagbabago ng buhay ko mula sa magarbo at komportable kong pamumuhay naging gan'to ta's ngayon gusto n'ya 'kong dalhin sa probinsya nila? Ayos lang ba s'ya?
Hindi ko na alam kung gaano na ba ako katagal na nakatulala lang sa puting kisame ng mainit n'yang kwarto nang marinig ko ang pagkatok sa pintuan. Umayos ako ng upo at maya-maya pa'y pumasok na rin s'ya bitbit ang isang tray na may lamang pagkain at prutas na hiniwa na.
"Kumain ka na," anas n'ya.
"Mamaya na lang hindi pa 'ko nagugutom." Narinig kong bumuntong hininga s'ya saka naupo sa gilid ng hindi kalakihan niyang kama. "Alam ko na nahihirapan ka, ako rin naman pero wala naman na tayong magagaw kung hindi ang tanggapin na lang ang sitwasyon natin, I can't give you yet that luxurious life you grow up with and all I'll can do for you now is to take good care of you. Magagawa ko lang 'yon kapag kasama kita kaya sana pag-isipin mo nang mabuti 'yong tungkol sa pag-uwi natin sa Santa Catalina." Hindi ako umimik. Maya-maya pa'y narinig ko na ang pagbukas at pagsara ng pinto. Nakalabas na s'ya ng kwarto.
Napahiga na lang ulit ako sa kama at napatakip sa 'king mukha. Ano ba ang gagawin 'ko ngayon?
Pagkatapos kong mananghalian ay dinapuan na rin ako ng antok, siguro dahil na rin sa pagbubuntis ko kaya naging antukin ako at pati na rin ang mabilis na pagbago ng mood ko.
Mag-aalas tres na ng hapon nang magising ako. Wala na 'yong tray ng pinagkainan ko na nakapatong sa may side table malapit sa lamesa. Dalawang electric fan na rin ang nakatutok sa 'kin ngayon.
Bumangon ako at pinatay ang mga 'yon bago bumaba. Napalunok na lang ako nang madatnan kong topless si Euphraim habang seryosong nakaharap sa laptap n'ya. Kapansin-pansin rin ang pamumuo ng pawis n'ya, tumikhim ako para makuha ang atensyon nito.
"K-kunin mo na 'yong isang electric fan sa taas." Kinuha n'ya ang damit niyang nakapatong sa hawakan ng upuan at isinuot 'yon. Gamit ang daliri n'ya ay sinuklay n'ya ang mamasa-masa n'yang buhok. "Gising ka na pala, may gusto ka bang kainin?" Seryoso n'yang tanong at nagsimula ulit s'yang tumipa sa laptap.
"Payag na 'kong sumama sa 'yo sa Santa Catalina." Natigilan s'ya at gulat na sumulyap sa 'kin. "Talaga?" Tumango na lang ako at pilit na ngumiti sa kanya, alam ko naman na nahihirapan rin s'ya lalo na't nagresign na s'ya sa U.E. Ang pumayag sa gusto niyang mangyari ang nakikita kong dahilan para kahit papaano maibsan ang mga problema namin. Baka mas okay rin na doon na lang muna ako.
_______________
"Malapit na rin naman tayo, mga isang oras na lang nasa sentro na tayo ng Santa Catalina, pagkatapos non ay sasakay na tayo ng tricyle papunta sa 'min." Pagpapaliwanag n'ya. Tumango lang ako at muli nang sumandal sa kanyang balikat at pumikit. Kinagabihan pagkatapos kong pumayag na umuwi na kami sa probinsya n'ya ay bumyahe na rin kami.7 hours ang byahe, dalawang oras mula papunta manila papunta sa pier ng batangas tapos dalawang oras na sasakay ng barko pagkababa naman ng barko ay tatlong oras na b'yahe pa papunta sa mismong bayan ng Santa Catalina. Alas-kwatro pa lang ng madaling araw at madilim ang paligid.
Marahan kong iminulat ang mga mata ko nang maramdaman ko ang pagtapik n'ya sa 'kin. Iginala ko kaagad ang mata ko sa paligid at nakitang nagsisibabaan na ang mga kapwa namin pasahero sa bus. Bitbit ang isang malaking bag sa kaliwang kamay n'ya at may isa pang backpack sa likuran n'ya ay inalalayan n'ya pa rin ako hanggang sa makababa na kami ng bus, alas-singko pa lang ng madaling araw at medyo madilim pa rin.
"Nagugutom ka ba? Gusto mo kumain muna tayo bago umuwi?" Itinuro n'ya ang lugawan na nasa kabilang kalsada lang mula sa terminal. Umiling ako sa kanya. "Busog pa naman ako, dumiretso na lang tayo sa inyo," suhestyon ko na tinanguan n'ya naman kaagad.
"Euphraim, biglaan ata ang pag-uwi mo ah?" Bati sa kanya ng tricycle driver na nilapitan namin, ngumiti s'ya rito. "Opo, Kuya Lito r'yan na kasi ako sa SCC magtuturo." Napunta sa kamay naming magkahawak ang mata noong driver bago s'ya malapad na ngumiti rin sa 'kin.
"Girlfriend mo, hijo?" Tumango s'ya sa tricycle driver. "Fiancee ko po." Sambit n'yang ikinagulat ko. Pinanlakihan ko lang s'ya ng mata bilang pag-alma ngunit nginitian n'ya lang ako.
"Sabi ko na sa'yo at magpapatali ka rin kapag nahanap mo na 'yong babaeng katapat mo." Nagtawanan silang dalawa samantalang lokang-loka lang ako na nakikingisi sa kanila. "Oo nga po eh."
"Salamat po, Kuya Lito." Ngumiti lang ulit sa 'min 'yong driver. Inilapag n'ya 'yong bag na hawak n'ya at binuksan ang kawaya na tarangkahan ng bahay na pinagbabaan namin.
"Bakit sinabi mong fiancee mo 'ko eh hindi naman? Ni hindi nga kita boyfriend." Nagtaas s'ya ng kilay, "Anong gusto mong sabihin ko? Na estudyante kita pero nabuntis kita kasi nag-one night stand tayo?" Bago pa man ako makapagsalita'y lumabas na ang isang matandang lalaki makisig rin ito at gwapo katulad lang ni Euphraim.
Lumapit s'ya sa'min ni Euphraim, nagmano s'ya ro'n at gano'n rin ang ginawa ko. "Papa si Heather po fiancee ko." Ngumiti lang ang Papa n'ya sa 'kin.
"Pumasok na kayo sa loob ng sabay-sabay na tayong makapag-agahan." Binitbit ng nakatatandang Gallego ang malaking bag ba kanina ay bitbit ni Euphraim at nauna nang pumasok sa 'min.
"Kuya." Masayang bati ng isang lalaki mas nakababata sa kanya, kamukha n'ya rin ito 'yon nga lang ay mas tanned ang balat nito kaysa kay Euphraim. "Sabi ni Papa sa SCC ka na raw magtuturo? Hindi ka na ba babalik sa Manila?" Ngumiti si Euphraim at tinapik s'ya sa balikat.
"Kung magustuhan ni Heather dito, baka dito na kami tumira." And for the nth time I was caught of guard...why does he speak as if he has a long term plan for the both of us?
Para bang bubuo na talaga kaming dalawa ng sarili naming pamilya.
BINABASA MO ANG
Cruel Intentions
General FictionAuthor's Note 🔞: This story contains explicit and mature content. Readers who are sensitive to these contents may or may not continue. THIS IS A WORK OF FICTION