Heather's Pov
"Heather, gising ka na pala. Kung nagugutom ka na p'wede namang mauna ka nang kumain. Pupunta lang ako sa palayan saglit para ihatid 'yong pananghalian ni Papa," sambit ni Lucas nang maabutan ko s'yang naglalagay ng kanin at laing sa baunan. Iginala ko ang aking mata sa paligid ng bahay ngunit walang bakas ni Euphraim. Saan kaya s'ya nagpunta?
"Mag-aalos dose na hindi ba't may pasok ka pa? Kumain ka na ba?" Umiling s'ya sa 'kin at naglakad pabalik sa lababo para kumuha ng tubig na iniligay n'ya sa maliit na water jug bago s'ya muling bumalik sa lamesa at iniligay 'yon sa basket kung saan nauna n'ya nang iniligay 'yong baunan, plato at kutsara kanina.
"Aren't you gonna be late for school? It's passed twelve already," I mumbled. Sumulyap s'ya sa bilog na orasang nakasabit sa dingding at mas binilisan pa ang pag-aayos ng mga pagkain. "Okay lang, saglit lang naman 'to —"
"I can help, I mean p-p'wedeng ako na lang ang magdala nito kay Mang Charlee." Natigilan ako at napakagat sa 'king labi. "Kay Papa, wala rin naman akong gagawin dito."
He stared intently at me for a moment. Dumungaw s'ya sa bintana na animo'y may hinihintay s'yang kung sino. "Okay lang ba talaga?" I nodded at him and smile. May pag-aalinlangan pa rin sa kanya, sa palagay ko nga'y hindi talaga dapat s'ya papayag kung hindi lang s'ya gahol sa oras.
"Sandali lang ah, hintayin na lang natin si Millicent, naghahatid rin 'yon ng pananghalian para sa tatay n'ya, sa kanya ka na lang sumabay papunta sa palayan." Lumabas na kami ng bahay. May kabigatan rin naman 'yong basket pero ayos lang. Ilang minuto pa ang lumipas at natanaw na namin ang babaeng nakasuot ng mahabang palda at kulay puting t-shirt. Kapansin-pansin rin ang gumamela na nakasingit sa kaliwang bahagi ng tainga n'ya.
Itinuro s'ya sa 'kin ni Lucas. "S'ya si Ate Mil, kasing edad mo lang s'ya. Sa kanya ka sasabay." Kumaway sa kanya 'yong babae samantalang nginitian n'ya lamang 'yon. Once more Lucas eyed me with so much worries evident on his black pools.
"Okay lang nga." Ngumiti s'ya.
"Ano, Lucas, tara na?" Tanong nung Millicent sa malambing na tono. May pagtatanong sa mga mata nitong sumulyap s'ya kay Lucas nang dumapo sa 'kin ang mata n'ya pati na rin sa basket na hawak ko.
"Ate Mil, si Heather nga pala. Fiancee s'ya ni Kuya Euphraim kararating lang nila kaninang madaling araw. P'wede bang isabay mo s'ya papunta sa palayan? S'ya na muna kasi ang maghahatid ng pananghalian ni Tatay malilate na 'ko eh." Her shoulder long hair blowned by the wind and unlike me who has a pale white skin color her is tanned that suits her very well.
Masasabi kong napaka-ganda n'ya.
"Oo naman, Luke." She smiled at him and turned to look at me. "Ano tara na? Sigurado akong gutom na sina Mang. Charlee at Tatay ro'n. Hinihintay na nila 'to," she muttered.
Kaagad kong pinagsisihan ang hindi pagsuot ng manipis na jacket na poprotekta sa balat ko mula sa mainit na sikat na araw habang naglalakad kaming dalawa papunta sa palayan. May mga nadaanan kaming putik pa lang at may iilan naman na may mga nakatanim na. Ang makitid na daan ay mas lalo pang nagpahirap sa 'king paglalakad kaya madalas ay naiiwanan ako ni Millicent.
"Heather ang pangalan mo hindi ba?" She asked with a smile plastered on her face. Mukhang pala-ngiti talaga s'ya at may masayahing aura. "Sa Manila kayo nagkakilala ni Euphraim?"
Nilingon n'ya ko nang hindi ako kaagad na nakaimik mula sa tanong n'ya. "O-oo." Matipid kong sagot bago inilipat ang basket sa kanang kamay ko dahil sa pamamanhid ng kaliwang kamay na aking nararamdaman.
I wanted to be friend with her so I did my best to keep our conversation alive. "Ikaw? Matagal na ba kayong magkakilala nina Lucas at Euphraim?" Kahit papaano'y bumagal ang paglalakad n'ya. Umihip muli ang malamig na hangin. Dahil naka-ipit naman ang buhok ko wala akong naging problema ro'n samantalang s'ya'y ilang beses nang inilagay ang iilang takas na hibla ng kanyang buhok sa likod ng kanyang tenga.
BINABASA MO ANG
Cruel Intentions
General FictionAuthor's Note 🔞: This story contains explicit and mature content. Readers who are sensitive to these contents may or may not continue. THIS IS A WORK OF FICTION