Chapter 24

32.7K 677 32
                                    

Heather's Pov

"Ms. Heather." Nilingon ko kaagad si April nang tinawag n'ya 'ko. I handed Hubert the sets of question typed on a bond paper before I tapped his shoulder and turn completely to be able to face her.

"Bakit?" Bahagyang nangunot ang noo ko dahil sa sikat ng araw na tumatama sa 'king mukha.

"Ma'am Glenna called me, Mr. Gallego was looking for you at the office." May kalakasan n'yang sinabi para marinig ko s'ya. Bigla kasing umingay ang parteng 'to kung saan kami nagsoshoot nang dumaan ang iilang sasakyan.

Isinenyas ko sa kanya 'yong tent kung nasaan ang iba pang mga staff na kasama namin. Doon na lang kami mag-usap para magkarinigan kami ng mas maayos. Isa pa mas'yado talagang mainit at tumatagaktak na rin ang pawis ko.

I marched toward the tent first and was followed by her.

May iilang staff pang nasa tent samantalang ang iba pang m'yembro ng team ay kasama na ni Aldwin para mang-interview.

"Is this has something to do with the advertisement that we're shooting right now?" Mas lalong nangunot ang noo ko nang magvibrate ang cellphone ko mula sa bulsa nang suot kong floral shorts.

"Wala pong sinabi, ang sabi lang ni Ma'am Glenna magreport ka daw directly kay Sir kung nasaan tayo." Anas n'ya saka ako tipid na nginitian.

Hindi ko maiwasang hindi tumaas ang aking kilay sa narinig. Bakit kailangan kong magreport kay Euphraim? He may be the CEO but I think this isn't part of his job, o baka naman mas'yado lang rin s'yang hands on kasi malaking kliyente 'to.

I nodded at her and gestured her to go back to her work as I open the message from unknown number.

From: Unknown

You didn't tell me that you'll gonna go on field today for the advertisement. I was looking for you.

My brows creased upon reading that. Hindi ako nabigyan ng hands up na kailangan pala alam n'ya lahat ng ginagawa ko. Isa pa alam naman ni Ma'am Glenna na nasa field kami para magshoot sigurado naman ako na nabanggit rin 'yon sa kanya.

To:
I'm sorry, I didn't know that I needed to tell you, alam naman kasi ni Ma'am Glenna ang tungkol dito. Magrereport na lang ako sa opisina mo mamaya kapag maaga kaming natapos.

Ibinababa ko muna 'yong phone ko sa lamesa at inayos nang bahagya ang mga folder at scripts na nakapatong ron. Nang umilaw na uli iyong cellphone dahil aa pagpasok ng panibagong text message.

Isinangkal ko ang kaliwa kong kamay sa lamesa habang ang isa naman ang gamit ko para sa pagtitipa ng cellphone.

From: Unknown

Don't bother, I'll come instead. Wala pa naman akong ginagawa dito.

My heart begans to pound drastically at that. Pupunta s'ya dito? Bakit pa? Eh kaya naman naming gawin ng maayos 'to kahit wala s'ya. Baka mamaya mas hindi pa 'ko makapag-trabaho ng maayos kapag nasa paligid s'ya.

Frustration filled me.

"Ms. Heather."

"Ano?" Baling ko kay Fred. I immediately flashed an akward smile as I saw him caught off guard by my high-pitched tone.

"S-sorry." He smiled weakly and stride toward me.

"Ipapakita ko lang pa 'yong ilan sa mga videos na nakuha namin." Aniya saka ipinaharap sa 'kin video cam.

"Ang ganda mo." A woman whom I guess was about my age smiled awkwardly on the camera. Ikinumpas n'ya pa ang kamay n'ya dulot nang matindi n'yang pagsang-ayon.

Cruel IntentionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon