Chapter 14

29.6K 689 6
                                    

Heather's Pov

Ang landi! Nakakainis ginawa na rin kaya nila 'yon? Yong ginagawa ng mga mag-asawa o kahit hindi na mag-asawa basta 'yong ano. Argh! Heather what the hell are you thinking?

Nagdire-diretso lang ako sa paglalakad bahala na kung hindi ko maalala ang daan pauwi mamayas. Mas okay 'yon para hindi ko s'ya makikita. That annoying manwhore. Ang kapal ng mukha n'yang pakiligin ako ta's manlalandi s'ya ng iba kapag wala ako sa harapan n'ya.

The nerve of tha province boy! Akala mo kung sinong gwapo. Oh well gwapo naman talaga s'ya pero bawas pogi points pa rin kasi ang gago n'ya.

Papalubog na ang araw at nasa gitna ako ng kawalan ang alam ko lang ay nasa palayan ako dahil sa tumpok ng mga pinagapasan ng palay. Naiinis na naupo ako ro'n at nagpatuloy sa pagpatay ko kay Euphraim sa 'king utak.

"Heather." Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ko ang baritono n'yang boses. Nilingon ko s'ya at inarapan bago ako muling bumaling sa direksyon ng malaking puno ng accacia.

"Umuwi na tayo." Aniya sa mas kalmadong tono. Nakakunot ang noo n'ya at halata na pilit n'ya na lang aking pinagpapasensyahan. Naiinis ka? For your information hindi lang ako naiinis sayong hunghang ka! Nagagalit rin ako.

"Umuwi ka mag-isa mo sino ba kasing nagsabi sa'yo na sundan mo 'ko do'n at iwan mo si Millicent ro'n. Hala sige baka magtampo s'ya sa'yo. Baka kaya ka n'ya binusted dati kasi kung kani-kanino ka lumalapit na bwisit ka!" I ranted. Trust me, labag sa loob na sinabi ko ang mga 'yon. It wasn't me that is talking but my mood swings brought by my pregnancy.

Lumapit s'ya sa 'kin at umisquat sa harap ko. Pilit n'yang pinagtagpo ang mga mata naming dalawa. "How did you know about that?" He asked. Importante pa bang malaman n'ya kung kanino ko 'yon nalaman? Ang mahalaga dito ay ang katotohanang maharot at gago talaga s'ya. Sino ba namang matinong lalaki ang mag-uuwi ng babaeng binuntis n'ya sa bahay nila ta's dadalhin n'ya rin do'n 'yong babaeng binusted s'ya para ireminisce ang past nila. Argh! Bwisit puro kaletchehan na lang talaga.

"Tinatanong kita." He mumbled, demanding a righteous answer from me. Ang sarap mong ilibing sa palayan letche ka talaga. "Ewan ko! Hindi ko kilala narinig ko lang sa tindahan. Totoo 'yon hindi ba? Kung gusto mo naman pala talaga si Millicent sana 'yon na lang 'yong binuntis mo." I said without even thinking. Nakakahiya bakit ba sinabi ko pa 'yon?

Para naman ginusto n'ya talaga na mabuntis ako. Assuming ka Heather, itigil mo rin 'yan.

"There's nothing going on between us two — Hindi naman ako nagtatanong! At kahit na mayroon pa wala rin naman akong pakialam. Bumalik ka na nga sa kanya. Naiinis ako sa'yo. Gusto mo siguro na kapag lumabas na 'yong baby natin panget s'ya kasi puro sama ng loob na lang ang ibinibigay mo sa 'kin." Paghihimutok ko. I saw a ghost smile formed in his lips.

"Kung wala ka talagang pakialam, why are you reacting violently now hmm?" He's still hiding a smile in his lips. Ang kapal ng mukha n'ya at ang sarap n'ya talagang bigwasan ngayon.

Natigilan ako ro'n bakit nga ba?

"Cat got your tongue, baby?" He blurted out. I was caught off guard by his endearment to me. I did not expect it that I almost choked. Nanlalandi na naman s'ya bwisit at ito na naman ang karupukan ko.

"Millicent is just a mere friend now, I got my eyes only on you. Kung mayroon man akong madalas na iniisip ikaw na lang 'yon at ang magiging baby natin." If what he said is a lyric then it'll be my favorite song. Marahan kong itinulak s'ya sa dibdib ngunit hindi s'ya natinag at sa halip ay hinawakan n'ya ang kamay ko kaya lang ay napadaing ako dahil sa mga sugat na natamo ko noong nilabhan ko 'yong damit n'ya.

Binawi ko 'yon sa kanya at kinakabahang itinago nang makita ko ang pagalit na ekspresyon sa kanyang mukha. "W-wala lang naman 'to." Sinamaan n'ya ko lalo nang tingin.

His jaw clenched in a scary manner as he have seen those bruises in my hands. Tiningnan n'ya ko sa mata pero pilit akong nag-iwas ng tingin.

"Saan galing 'to?" Muli kong binawi sa kanya ang kamay ko at pilit na ngumiti. "W-wala lang 'to — Don't you fucking lie on me, Heather Allyrica!" He said using his thunder like voice. I have seen him irritated and pissed but never like this and I might not want to witness his wrath once more.

Mariin akong pumikit. Hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya. "I washed your clothes earlier that's why. Pero ayos lang naman gagaling rin 'to." Sunod-sunod s'yang napamura na nag-udyok na sa mga luha kong magsipatukan.

"Malinaw ko namang sinabi sa'yo na magpahinga ka na lang pagka-uwi mo galing sa SCC at ako na ang gagawa ng gawaing bahay alin ba ro'n an hindi mo maintindihan?" Pagalit n'yang sigaw saka s'ya tumayo at pinagsisipa sa labis na galit ang mga pinaggapasan ng palay.

"Gusto ko lang namang tumulong! Bakit ka ba nagagalit ngayon? Ginusto kong gawin 'yon para makatulong sa'yo. Ayokong maging pabigat lang sa'yo at mas lalong ayoko rin na maramdaman ko mismo sa sarili ko na mas makabubuti sa'yo kung ibang babae ang kasama mo at hindi ako kasi pabigat lang naman ako." Sa labis na frustration na nararamdaman ay napatakip na lamang ako sa 'king mukha at do'n ay umiyak nang umiyak hanggang sa maramdaman ko ang pagyakap n'ya sa 'kin.

It was warm and comforting that it made me wished to be enveloped by his arms forever.

"Nakakainis ka alam mo ba 'yon. I am doing my best and trying my very best to work on this...on us pero nagagalit ka pa! Nahihirapan rin kaya ako hindi naman ako sanay sa gan'tong buhay eh." Tumakas muli ang iilang hikbi mula sa 'kin. Hindi pa ako tapos magsalita, marami pa dapat akong sasabihin kaya lang ay idinampi n'ya ang labi n'ya sa 'kin.

The vivid picture of us and that feeling he made me feel when we first kissed is still clear in my mind. Even the sensation it caused me. But his kisses now broughg foreign sensation in me. Possible ba 'yon? Na iisang lalaki lang ang kahalikan mo pero iba't iba ang klase ng emosyon at pakiramdam ang kaya n'yang ibigay.

How is that possible?

I felt him claimed the inside of my mouth tasting the every corner of it, taking my sanity with it's every movement. Nakakabaliw.

Ang kamay n'ya'y unti-unting gumapang sa batok ko. Hinihila pa lalo ako palapit sa kanya. Now that he's kissing me again it feels like I miss his kisses so much. Bahagyang naglayo ang mga mukha namin para kumuha ng hangin. Malamlam ang kanyang mata ngunit hindi ko mabasa ang ekspresyon na nakaguhit ro'n.

Ang isa n'yang kamay ay nanatiling nakahawak sa 'king batok at ang isa naman ay nasa bewang ko na para bang sinusuportahan n'ya ko.  Just when I thought we're done he began to showered me with his feather light kisses that soon become wild and steamy.

Naging magpahanap ang bawat paggalawa ng aming mga labi maging ang kamay n'yang naging pangahas na rin at nagsisimula na itong maglakbay sa iba't ibang parte ng aking katawan.

Hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa 'king dibdib kung saan nakahawak na ang isang kamay n'ya ngayon at marahan itong minamasahe. The feeling of it and the sight wake something in me...a raw desire that I only felt for him.

Idinerekta n'yang muli ang aking mukha sa kanya bago n'ya ko sinungaban muli ng halik. He kissed me expertly that I couldn't helped but to stiffled a moan as I can feel myself giving into him.

The kiss and his movement we're passionate yet disturbing. It's a dangerous kind of passion, a disturbing one...disturbing passion as I might label it.

Humaplos ang kamay n'ya sa 'king binti bago s'ya marahas na bumuntong hininga at kumawala sa pagkakayakap sa 'kin. "We shouldn't do it here." Natauhan ako sa narinig. Bigla akong nalito ano ba ang hindi naming gawin dito?

Mabilis akong ginapangan ng hiya at init sa pisnge nang sa wakas ay mapagtanto ko kung ano 'yon. Naglahad s'ya sa 'kin ng kamay at mahigpit n'yang hinawakan ang akin nang hawakan ko ang palad n'ya. "Let's go home, and do this later baby, you just turned me on." He whispered flirtatously.

Oh God! Ba't bigla akong naexcite?

Cruel IntentionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon