Chapter 16

30.7K 658 13
                                    

Heather's Pov

Magtatlong buwan na rin ako halos na narito sa Santa Catalina. I got used living this simple life that I appreciate it more than the life I lived back in Manila.

Namimiss ko ang pamilya ko at palagi ko pa rin silang iniisip. Kapag nanganak na siguro ako babalik ako ng Manila at susubukan kong magkaayos na kami nina Dad. Ayokong tumanda at lumaki ang anak ko ng hindi pa kami nagkakaayos nina Dad.

They can be heartless but I know that they'll forgive me soon.

"Heather, ako na ang gagawa n'yan." Lucas murmured. Kararating n'ya lang galing sa school, binaba n'ya lang saglit ang gamit n'ya sa may kwarto bago s'ya bumalik sa kusina para tulungan akong maghiwa ng papaya. Ihahalo ko 'yon sa niluluto kong tinola.

My cooking skill has improved so much.

He smiled at me as he tried to reach for the knife that I am holding once more. "Ayos lang, kaya ko na 'to. Hindi naman kasi 'to mahirap." Sansala ko at inutos na lang sa kanya na hugasan 'yong manok nasa plastic pa.

Ngumuwi s'ya at napakamot sa kanyang ulo. "Pero Heather kasi, baka pagalitan na naman ako ni Kuya kapag napagod ka. Alalang-alala kaya 'yon noong sumakit 'yong t'yan mo noong isang araw kasi kung ano-anong gawaing bahay ang ginawa mo." Aniya at sinubukan ulit na kunin sa 'kin 'yong kutsilyo. He's right, Euphraim tend to over react whenever I'm doing household chores. Kahit nga magagaan na gawaing bahay ay halos ipagbawal n'ya na rin. Kaya madalas ay sinasamantala ko kapag nasa school s'ya saka ko ginagawa ang mga naiiwang gawaing bahay.

Nahihiya naman ako na iasa 'yon ng iasa kay Lucas.

"Okay, you won. Ikaw na ang tumapos nito ako na lang ang maghuhugas ng manok." He narrowed his eyes on me as he massage the bridge of his nose out of frustration.

"Heather naman." Napatawa na lang ako sa pag-ungot n'ya at inilingan s'ya. Alas kwatro na ng hapon ang mabuti pa'y hatiran ko na lang s'ya ng meryenda si Papa sa bukid.

Kinuha ko na 'yong basket na nakapatong sa may mesa. Kanina ko pa 'yon hinanda at sa kanya ko dapat iutos na ihatid 'yon kay Papa. Kaya lang kinuha n'ya na ang pagtapos sa paghihiwa ng mga sangkap. Ako na lang ang maghahatid nito kay Papa saglit.

"Pupunta ka sa bukid? Bumalik ka kaagad at baka maparanoid na naman si Kuya kapag hindi ka n'ya naabutan rito." Lucas mumbled before he turn his back and walk toward the sink so he can wash and clean the kitchen.

"Opo." Natatawang sinabi ko saka tuluyang lumabas ng bahay.

Hindi pa man ako tuluyang nakalalayo ay nakasalubong ko na si Millicent. Mukhang galing rin s'ya sa palayan. Far from her smiling and angelic face. She gave me death glares. Mas lalong lumaki ang hakbang na ginawa n'ya hanggang sa ilang metro na lang ang layo namin.

"Alam ko na ang lahat." Galit na panimula n'ya. Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng takot. Hindi ko maintindihan, alin ang alam n'ya na?

"What do you mean?" I asked and forced a smile. Marahas s'yang umiling at pilit na tumawa sa sinabi ko.

"Noong una pa lang talaga hindi na 'ko makapaniwala na pakakasalan ka ni Euphraim kasi nga Fraier ka! He hates your family more than anything in this world. Dahil ang Papa mo ang dahilan kung bakit halos mas mahirap pa sila sa daga ngayon. Kung bakit nagpakamatay ang mama nila ni Lucas!" My forehead knotted out of confusion. Anong kinalaman ni Dad sa estado ng buhay nila Euphraim ngayon? Akala ko ba magkaibigan si Papa Charlee at Dad, dati?

I heard her talking to Euphraim last night. Narinig kong inamin n'ya kay Euphraim na mahal n'ya 'to. I should not believe her maybe this is her way to ruin our relationship. Hindi dapat ako magpa-apekto sa sinasabi n'ya. I can't believe that she'll weaves lies just so she can tear us apart. Napaka-desperada.

"You're being pathetic here Millicent, stop that. Hindi ako maniniwala sa mga kasinungalingang sinasabi mo." I was about to walked through her but she harshly grabbed my arm and stops me from doing so.

Hinila n'ya ulit ako pabalik sa harapan n'ya.

"Sa 'ting dalawa ikaw ang kaawawa Heather, kasi silang lahat nagsisinungaling sa'yo. Ako lang nga ang nagsasabi ng totoo eh — Millicent! Ano bang ginagawa mo?!" Bumulabog sa paligid ang galit na boses ni Euphraim. Kasama n'ya si Lucas na lumapit sa 'min, marahan n'ya kong hinila papunta sa tabi n'ya.

"Nagsasabi lang naman ako ng totoo na hindi mo talaga mahal ang babaeng 'yan at ginamit mo lang s'ya para kahit papaano makapaghiganti ka sa Daddy n'ya hindi ba? Sabihin mo sa kanya, Euphraim. Sige sabihin mo na totoo ang lahat ng sinabi ko na kagagawan ni Rodeo Fraier kung bakit namatay ang Mama n'yo ni Lucas — Ate Mil." Millicent smiled bitterly and shoved Lucas hands that reached for her.

"Halika na, umuwi na tayo." Tears began to slipped through my eyes. Why the hell can't he deny it? Bakit hindi n'ya magawang sabihin na kasinungalingan lang 'yon at hindi totoo ang lahat ng sinasabi ni Millicent? Ang sakit kasi, ang sakit dahil unti-unti na 'kong naniniwala sa mga sinasabi ng babaeng 'yon.

"Is that true? Ginamit mo lang ba talaga ako kasi gusto mong makaganti kay Daddy?" Umiiyak na tanong ko. Mabilis s'yang umiling sa 'kin at sinubukan akong hawakan pero lumayo ako sa kanya.

"Euphraim? Ano ba ang nangyayari? Halos rinig na namin ang sigawan n'yo nina Millicent mula sa palayan." Si Papa Charlee, nasa likuran n'ya rin ang Papa ni Millicent na lumapit na rito at mukhang nagtatanong na rin kung anong nangyari.

Lumapit ako kay Papa. Mabilis na bumalatay ang pag-aalala sa kanyang mukha nang makita n'yang umiiyak ako.

"Totoo po ba 'yong sinabi ni Millicent, P-pa? May kinalaman ba talaga ang Daddy ko kung bakit kayo naghirap at kung b-bakit w-wala na ang Mama nina Euphraim? A-ano po ba talaga ang n-nangyari?" My voice cracked as I sobbed even more.

"Hindi totoo 'yon, nagsisinungaling s'ya." Sansala ni Euphraim.

"Diyos ko! Alam nating lahat ang totoo hindi nagsisinungaling si Millicent." Galit na depensa ng Papa ni Mil na ngayon ay inaalo na s'ya mula na rin sa kanyang pag-iyak.

Nanatili akong nakatingin kay Papa kahit na nakahawak na sa braso ko si Euphraim. "Gusto ko pong malaman 'yong totoo. Deserve ko na malaman 'yon lalo na't maapektuhan ako ng mga nangyari sa inyo ni Dad, please." I plead.

"P-papa, h-hwag, please." Euphraim plead. Pumatak na ang butil ng luha sa kanyang mata. Kung gano'n totoo nga? Kasinungalingan ang lahat?

Bumuntong hininga si Papa at seryoso akong pinakatitigan. "Dati kaming business partner ni Rodeo, ng Daddy mo sa isang finance business. Kaya lang nasilaw s'ya sa pera eh. Itinakbo n'ya ang pera ng lahat ng naging investor namin at pinalabas n'ya na ako ang gumawa no'n. Sa 'kin napunta ang lahat ng sisi." Unti-unting lumuwag ang pagkakahawak ko sa kanya. Para akong nanghihina sa mga naririnig.

"Ako ang binalikan ng mga investor, kahit na wala akong kasalanan. Ako ang nagbayad ng lahat. Ako ang nakulong sa loob ng labinlimang taon, naghirap kami hanggang sa hindi 'yon nakayanan ni Dianna at nagpakamatay s'ya." Pumatak na rin ang luha sa mga mata ni Papa. Nabuwal ako sa pagkakatayo ko mabuti na lang at naalayan kaagad ako ni Lucas.

Humarap ako kay Euphraim, ni wala akong makitang kahit na anong emosyon sa kanyang mga mata. It's nothing just him and his blank pools.

"Sinadya mo ba talaga 'yon? 'Yong nangyari sa 'tin noong gabing 'yon? Pati ba 'yong pagtuturo mo sa EU lahat ba 'yon plinano mo? Kasama ba 'yon sa plano m-mo?" Hindi kaagad s'ya nakasagot sa tanong ko. Nakayuko lang s'ya at tanging pag-iyak ko lang ang namamayani sa paligid.

"Euphraim! — Oo pero." Hindi n'ya na nagawa pang tapusin ang sasabihin n'ya ng bigla na lang akong mamilipit sa sakit.

Nanginginig ang kamay kong napahawak ako sa 'king binti nang maramdaman ko ang pagdaloy ng likido ro'n.

All of my thoughts and inhibitions flew off to somewhere as I saw bloods in my hand. Saglit na nawala ang galit na nararamdaman ko dahil sa mga nangyari at napalitan ng sobrang takot.

All I am thinking right now is my baby.

"Yong baby ko. Yong baby ko." Paulit-ulit kong daing habang umiiyak. Lahat ay nagulat sa nangyari. Euphraim was the first one to recover from his shocked as he scoped me from the ground and carry me.

I can't loose my baby, 'yong baby ko.

Cruel IntentionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon