Chapter 15

31.6K 733 32
                                    

Heather's Pov

"Kaya ko na, okay lang kahit hindi mo na 'ko alalayan pa." Mahina kong sinabi habang tinatahak namin ang daan pabalik sa kanila. Halos palubog na ang araw at mabilis lang na gumapang ang kadiliman sa paligid.

Imbes na bitawan ako dahil sa 'king sinabi ay mas hinigpitan n'ya pa ang hawak sa 'king kamay. "Madilim na baka mapano ka pa. Do you want me to carry you instead?" He asked seriously. I cracked an awkward smile as I simultaneously shook my head. Jusko po! Nakakaloka.

"Hindi! A-ayos na 'to. Holding hands na lang." Mariin akong napapikit aa kahihiyan ng bigla gumuhit ang mapaglarong ngiti sa kanyang labi. Bakit ba? Di ba holding hands naman talaga to saka isa pa s'ya kaya ang naunang humawak sa kamay ko.

"Ito na pala si Kuya, Pa." Lucas declared upon my arrival. Dali-daling lumabaa si Papa sa kwarto n'ya at mukhang sobra itong nag-alala. As much as I don't wanna acknowledge her presence. I just can't.

Bakit nandito pa rin s'ya? Hindi ba s'ya hinahanap sa kanila?

"Saan ba kayo galing na dalawa? Ikaw naman Euphraim alam mong buntis 'yang nobya mo hinayaan mo pang lumabas kahit na gabi na. Baka magkasakit s'ya." A smirk is now very visible in his lips as our eyes locked in for a moment. Napahawak s'ya sa kanyang  batok at hinayaan na lamang si Papa na pagalitan s'ya kahit na wala naman talaga s'yang kasalanan — but on the second thought he has his fault. Kung hindi ko sana sila naabutan ni Millicent na nagtatawanan at masayang mag-uusap edi sana hindi ako mababadtrip at lalabas ng bahay.

Kaya kasalanan n'ya pa rin 'yon.

He guided me to sit on their sofa after Papa ended his rant. Si Lucas naman ay naghahain na. Tinaasang kilay ko si Mil ng mapansin na mukhang hindi ito mapakali at para bang may gusto s'yang sabihin.

"Euphraim after ba ng hapunan ay pupunta na tayo sa Peryahan?" And just like that I am annoyed again. Tumingin s'ya sa 'kin at mabilis akong umirap sa kanya. Subukan mong sumama sisiguraduhin kong sa labas ng kwarto ka matutulog mamaya kahit na kwarto mo pa 'yon.

"Nakapag-promise ka na sa 'kin eh, okay lang ba 'yon?" Dagdag n'ya saka idinerekta para sa 'kin ang huli n'yang sinabi. Hindi ayos sa 'kin 'yon! Kung kalbuhin kaya kita ngayon? Ayos lang rin ba 'yon sa'yo? Bwisit na'to! Sa huli ay hindi ko rin naman 'yon nasabi ng diretso sa kanya at nagkibit balikat na lang.

"Euphraim." She almost plead when he remained silent. Nakangiti pa rin s'ya kahit na alam kong hindi na 'yon genuine. Tatayo na sana ako para tumulong na lang kay Lucas na maghanda ng lamesa kaya lang ay maagap n'yang ipinirmi ang kamay n'ya sa 'king bewang at walang kahirap-hirap n'ya 'kong pinigilan na makatayo.

"Sorry Mil, pero p'wede ba na kay Lucas ka na lang na magpasama ngayon? Si Heather muna kasi ang balak kong ipasyal 'yon ngayon, and also I cannot make it the next night. She's pregnant and I just can't leave her here." He mumbled and gave her that apologetic smile. Paulit-ulit s'yang tumango at pilit na ngumiti sa 'ming dalawa.

"Ayos lang naiintindihan ko naman na mas kailangan ka talaga n'ya. S'yempre sila talaga ng baby mo ang priority mo." She blurted out. Tumayo na rin s'ya at kinuha ang string bag n'ya na nakapatong sa upuan. "Mauuna na 'ko."

Excitement and happiness I cannot describe sipped through my system as I saw the ferris wheel, carousel and some rides I do not know what to call.

"Excited na talaga ako ang tagal ko na ring hindi nakakita ng gan'to." I literally squeeled because of too much excitement. Para akong bata na ang saya-saya sa mga nakikita ko habang hinihila ang braso n'ya at itinuturo ang kung ano mang mga rides na nakakapagpaexcite sa 'kin.

"Sakay tayo ng roller coaster ha? Gusto ko do'n eh." Natatawang nagpatianod na lamang s'ya sa paghila n'ya sa 'kin papunta sa pila kung saan bibili ng ticket para sa ride na 'yon.

50 pesos ang ticket para sa bawat ride at kung ako ang masusunod gusto ko na sakya  'yon lahat. Kaya lang naisip ko na baka wala rin s'yang pera. Ibibigay n'ya na sana 'yong 100 pesos do'n sa babaeng nagbebenta ng ticket nang pinigilan ko s'ya at hinila s'ya palayo ng ilang hakbang sa ticketing booth.

With so much confusion written in his face he eyed me. "H'wag na pala tayong sumakay, maglibot-libot na lang tayo. Baka kasi wala ka na ring pera ta's gagastos ka pa." Tumawa s'ya sa sinabi ko ng hindi iniaalis ang paningin n'ya sa 'kin. Nakakainis ah! Wala namang nakakatawa sa sinabi ko.

"Seryoso nga kasi ako!" Naiinis ko ng sinabi bago s'ya mahinang hinampas sa dibdib. Tumigil s'ya sa pagtawa at seryoso akong tiningnan. "Nagtabi talaga ako ng pera para dito. Gusto ko kasi na maaliw ka naman kahit papaano. Isa pa, hindi pa rin natin nagagawang mamasyal ng magkasama. Date I mean." Now that he gave label to what we're doing. Bigla akong nakaramdam ng sobrang kilig to the point na baka bigla na lang sumabog ang pisnge ko dahil sa pag-init nito.

"Shall we?" Inilahad n'ya ang kanyang kamay sa 'king harapan na tinanggap ko rin ng walang halong pagdadalawang isip. Right at this moment. I am sure that I have fallen for him, I contineously fall for him.

Mahigpit akong napahawak sa kanya at isiniksik na ang buong katawan ko sa dibdib n'ya nang magsimula nang umandar 'yong rollercoaster. Sa una'y marahan lang ang naging andar nito at ng bumilos 'yon ay halos gawin ko na s'yang kumot.

He was laughing at my screams and everytime I would hug him tightly. Kahit na gusto kong tingnan ang ekspresyon n'ya ay hindi ko rin magawa. Natatakot kasi ako na imulat ang aking mata.

Huling ikot na 'to. Hindi ko na rin mapigilan ang sarili ko na sumabay sa paghiyaw ng ibang tao. Hanggang sa may marinig akong ibinulong n'ya sa 'king tenga na hindi ko naman maintindihan.

Nanlalambot ang tuhod ko nang makababa na kami. "That was fun." I mumbled and smiled at him. Umismid s'ya habang naka-alalay pa rin s'ya sa 'kin malamang ay napansin n'ya rin na halos wala pang lakas ang tuhod ko.

"Was it really fun? You weren't scared?" He mocked. Napanguso na lang ako at hinampas s'ya sa balikat na muli n'ya na namang ikinatawa. "Masaya nga pero nakakatakot." Tumango s'ya sa sinabi ko saka ako hinila sa iba't ibang mga food stalls.

"May gusto kang kainin?" Mabilis na nagtubig ang bagang ko nang makita ang iba't ibang pagkain. I nod at him and pointed the ice cream stall. Ako na mismo ang humila sa kanya palapit ro'n at itinuro kung anong klase ng ice cream ang gusto kong kainin.

"Ito ang unang beses na namasyal akong hindi si Kuya ang kasama ko." The smile that I have fade upon remembering Garrex. Namimiss ko na s'ya pati sina Mommy. Unfamiliar emotion peek on his pools but vanished immediately. Ano kaya 'yon?

"Nga pala ano 'yong ibinulong mo sa 'kin kanina noong nasa roller coaster pa tayo." Hindi s'ya umimik kaagad sa halip at tumayo lang s'ya sa harapan ko. Naguguluhang tiningnan ko s'ya.

"Bakit? Uuwi na ba tayo?" I asked, a little bit disappointed. Gusto ko pa sana kasing magtagal dito pero kung gusto n'ya nang umuwi. Maiintindihan ko naman kasi maaga pa ang pasok n'ya bukas. Baka nga may kailangan pa s'yang gawin para sa pagtuturo n'ya bukas.

All of my inhibitions and lingering thought fly to somewhere as he kneeled in front of me. Naagaw na namin ang atensyon ng ibang namamasyal.

Tumayo rin ako pilit s'yang pinapatayo. "Ano ba ang ginagawa mo? Euphraim nakakahiya sa mga tao —" For the first time tears of joy slipped through my eyes as I saw him holding a ring.

"Would you mind if we make this lie into reality? Would you want to spend the rest of your life with me? Marry me please." Sunod-sunod na bumuhos ang luha sa 'king mata.

The crowd cheered up for the both of us most of them chanted things such as "Oo na 'yan, Oo na 'yan." Ngunit hindi pa rin ako makasagot.

"Baby you're making me feel damn nervous." He murmured. Wala na 'kong lakas na magsalita kaya naman paulit-ulit na lang akong tumango saka s'ya mahigpit na niyakap at hinalikan nang maisuot n'ya na ang singsing sa daliri ko.

That man I bumped into at the club and had a one night stand with. Fiancee ko na s'ya ngayon.

Cruel IntentionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon