Chapter 8

33.6K 688 10
                                    

Heather's Pov

Lakad at takbo na ang ginawa ko papalabas ng Campus. Ilang estudyante rin ang nabangga ko dahil halos wala na 'kong maaninag dahil sa walang humpay na pagpatak ng aking mga luha.

Papara na sana ako ng taxi nang huminto ang isang pamilyar na Montero Sport sa 'king harapan. Kotse ni Kuya 'to ah? Nakabalik na s'ya? Bakit s'ya nandito?

My eyes immediately scanned the place as he open his car's window. Inalis n'ya rin ang aviator glasses na suot n'ya. Oh God! Why is he even wearing one? Hindi n'ya ba alam na wala ng araw? "Allyrica." Tawag n'ya para matauhan ako. Ngumiti ako sa kanya at kumaway habang pinakakalma muna ang sarili ko bago ako pumasok sa loob ng sasakyan.

"I miss you," aniya. Bahagya itong humarap sa 'kin para pisilin ang pisnge ko na parati n'yang ginagawa. Bago pa man ako makapagreklamo at mahampas s'ya ay unti-unting nawala ang mga mapaglarong ngiti sa kanyang labi, sumeryoso ito.

Mahina kong tinabig ang kamay n'yang humahawak sa mga pisnge ko atsaka nag-iwas ng tingin. "You cried, why?" I glance at him and try to smile but he gave me that look that I do know what means. Bumuntong hininga ako at isinuot muna ang seatbelt bago maayos na naupo.

I force a smile and shrug my shoulder as if the reason behind my tears and swollen eyes are nothing. "Galing ako sa practice namin para sa stage play, I got cast as one of the main character eh medyo maraming scenes na kailangan kong umiyak." Sana maniwala s'ya, please maniwala ka.

Para akong nabunutan ng tinik noong tumango s'ya at ngumiti na sa 'kin. "Gano'n ba? Sigurado naman ako na kayang-kaya mo 'yang stage play n'yo, magaling kang umarte kasi 'di ba maarte ka?" Inirapan ko s'ya at ginulo n'ya lang ang buhok ko bago s'ya magsimulang magmaneho. Nagsinungaling na naman ako. I deserve to be in hell because of this. "Kailan ba 'yan? Para masigurado kong mapapanuod ko yang performance n'yo. I don't wanna miss it," he mumbled while driving but he would often took a glance at me, nakonsensya ako, niloloko at pinagsisinungalingan ko s'ya pero ito pa rin si Kuya, napaka-supportive pa rin sa 'kin.

"Kuya, do you think that you'll be able to hate me?" I asked back. Iwinala ko ang nauna niyang tanong dahil ayoko nang madagdagan pa ang mga kasinungalingan ko sa kanya. Kunot noong tinitigan n'ya 'ko bago s'ya ngumiti. "That's unexpected, may ginawa ka ba para kamuhian kita?"  Natigilan ako pero kalaunan ay umiling rin.

"Hypothetical question lang naman 'yon."

"Hate is such a big word, If you commit a terrible mistake I'll be disappointed, I'll be mad but I don't think that it'll reach to a certain point where I'll hate you. You do know that I treasure you, right?" Tumango ako dahil sa sinabi n'ya at ngumiti rin sa kanya habang pinipigilan na naman  ang sarili ko na h'wag maging emosyonal.

Pagkatapos ng mahigit sa isang oras na b'yahe ay nakarating na rin kami sa bahay. Kumpara kanina ay medyo magaan na rin ang pakiramdam ko. Talking to him somehow lift up my mood. Kapansin-pansin na bukas ang ilaw sa bahay na nangyayari lang kapag nandito sina Mommy at Daddy.

"They're home, I guess," I mumbled with so much excitement as I get out of the car. Nauna akong pumasok at masayang lumapit kay Daddy para sana yakapin s'ya nang bigla na lang n'ya kong sinampal sa sobrang lakas no'n ay napasalampak ako sa marmol na sahig ng bahay.

"Daddy!" May pagbabanta sa boses ni Kuya Rex nang alalayan n'ya 'kong tumayo at hinila papunta sa likuran n'ya ng akmang susugurin ulit ako ni Daddy. Mabilis na nagsipatakan ang luha sa mga mata ko.

I think I do know why Phillip Fraier is furious like a untamed beast.

"Hindi mo na 'ko binigyan ng kahihiyan na bata ka! Hindi ka namin pinalaki para lang maging disgrasyadang babae! I didn't give you the best that we can just for you to be pregnant at a young age!" Daddy outburst, si Mommy rin ay umiiyak habang inaawat n'ya si Daddy na makalapit sa 'min ni Kuya. I sobbed harder as Kuya Rex gave me that disappointed look.

Unti-unting kumalas ang pagkakawak n'ya sa 'kin. "K-kuya." I cried even more as I look at them but saw nothing in their eyes but disappointment and raw anger. "Is that true, are you —" hindi n'ya na naituloy pa ang sasabihin n'ya at umigting na lang ang panga n'ya nang sunod-sunod akong tumango.

"Walang hiya ka talagang bata ka —,"

"Daddy tama na!" sigaw na awat n'ya habang pilit pa ring pumapagitna kahit na alam kong maging s'ya ay galit na. "You're a disgrace to my family!" Daddy ranted once more, ni hindi ako makapagsalita at ang tanging nagagawa ko lang sa mga oras na'to ay ang umiyak.

"Heather!"

"Sir, hindi po talaga p'wede, mapapagalitan ako ng amo ko."

"I just want to talk to her, Heather! Heather, lumabas ka r'yan, mag-usap tayo." Lahat kami ay napunta ang atensyon sa may pinto kung saan nangagaling ang ingay mula sa dalawang lalaking nag-aargumento. Dad eyed me angrily as he walked pass through me and face Euphraim who trespassed on our house and now is making a scene.

"And what the hell are you doing here? Bakit ka nanggulo sa pamamahay ko?" Pagalit na tanong ni Daddy. Unti-unting kumalma ang kanina lang ay halos nagwawala ng si Euphraim nang makita n'ya ko sa likuran ni Daddy, shit! Bakit ba s'ya nandito?

He stood there with his confidence as he look at my Dad in a same serious manner. Kinakabahan ako lalo. "Dad ano kasi — ,"

"Hindi ikaw ang kinakausap ko, Heather! Manahimik ka." Malakas n'yang sigaw. Anger flashed through Euphraim eyes for a moment before he tore his eyes off my brother and stares at me.

"Mr. Fraier, I am the father of Heather's child," kalmadong sinabi n'ya. Saglit na natahimik ang lahat, maging ako'y hindi rin makapagreact. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng mga nangyayari ngayon. "You gotta be kidding me." He bark a sarcastic laugh as he look at me, with a spark of emotion in his eyes that I cannot name. "Hindi papatol ang anak ko sa lalaking anak ng kriminal at mas mahirap pa sa daga!" His angry voice doomed in the area. Unti-unting lumitaw ang galit sa mata ni Euphraim kasabay nang pagkuyom ng kanyang kamao.

"This is impossible right? He can't be the father of that forsaken baby of yours, right Heather? Hindi ka naman ganyan katanga para makagawa ng gano'ng pagkakamali, hindi ba?" Desperation is evident on Daddy's voice as he directed his statement to me. Bago pa man makakilos si Kuya ay nasuntok na s'ya ni Daddy sa sikmura dahilan para matigilan s'ya.

"Heather!" Malakas na sigaw n'ya sa tapat ng mukha ko. Susugod sana si Euphraim dahil sa ginawang 'yon ni Daddy pero mabilis akong umiling sa kanya. Lala lang ang sitwasyon namin kapag sumugod pa s'ya. "Hindi s'ya ang tatay ng ipinagbubuntis mo hindi ba?" May diin sa bawat salitang turan n'ya.

"S-sorry po," I blurted out. Napapikit na lamang ako nang malasahan ko ang dugo sa gilid ng aking labi dahil sa sugat na naging dulot nang pagsampal n'ya. "Wala kang kwenta! Malandi ka! H'wag ka nang babalik pa rito! Ikinahihiya kong naging anak kita," aniya bago ako binitawan. He walked out on us and grab Mom as well when he step inside. Naiwan kaming tatlo nina Kuya at Euphraim sa labas ng bahay.

Lalapit na rin sana ako kay Kuya nang talikuran n'ya rin ako. "Pati ba naman ikaw, K-kuya?" Halos humagulhol na tanong ko habang pinipigilan siyang umalis. "I have always been here for you, but Heather you need to learn your lesson... the hard way, I'm sorry," He blurted out and free himself from my grip as he as well walk inside our house and close the door... like I'm not really welcome to our house anymore.

Napaupo na lang ako sa sahig at napatakip sa 'king mukha habang patuloy na umiiyak, I'm such a fucking a mess!

Ilang saglit pa ay pumatak na ang ulan. Wala akong balak na umalis hanggang sa maramadaman kong ipinatong ni Euphraim ang jacket n'ya sa balikat ko. Nag-angat ako ng tingin at naglahad s'ya ng kamay. "Let's go, you're not welcome here anymore, iiuwi na kita," he said.

Cruel IntentionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon