Heather's Pov
How could he possible buy a 10 million worth of house? Saan s'ya kukuha ng pera?
If my memory serves me right hindi gano'n kalaki ang sweldo ng isang teacher kahit na sa sikat at mamahaling university ka pa magtrabaho parang impossible na makapag-ipon s'ya ng milyon sa loob ng ilang taon ta's ibibili n'ya lang ng bahay?
I knew him better than this. Ano ba ang pinaplano mo, Euphraim?
Nabali lamang ang pag-iisip ko nang maramdamang ang bahagyang pagkalabit sa 'kin ng isang babae. I turned to look at her a little bit confused.
"Miss ikaw na ata 'yong tinatawag." Aniya. Napatingin ako sa isa pang babaeng nakasuot ng corporate attire at id habang lumilinga-linga sa paligid.
Tumayo ako saka lumapit sa kanya. As soon as she laid her eyes on me she smiled.
"There you are, tara sa loob." Siya sa magiliw na boses bago n'ya itinulak pabukas ang glass door. Pagpasok ko sa opisina'y namangha kaagad ako sa kalinisan na taglay nito. It looks neat and classy with it's cream and white accent.
Her long office table is made of hard woods and was positioned on the right side of the room. Ang isang bahagi ng dingding ay yari sa salamin. It's a one-sides mirror I guess. Ang makita ang matatayug na gusali sa kalakhang Maynila ay isa sa mga bagay na hindi ko dati mapansin hanggang makita ko 'to.
"What a breath-taking view you have here." Hindi ko na napigilan pang komento.
"Oh, this is the CEO's." Aniya na ikinatango ko na lang. Kaya pala parang panlalaki ang pagkakadedesign ng opisina. Tumalikod s'ya sa 'kin at may iniabot sa lamesa saka n'ya ko nilingon at inilahad sa 'kin ang isang folder na binuklat ko rin kaagad.
Mabilis na bumalik sa kanya ang mata ko nang makita na kontrata na ang nakapaloob sa folder na 'yon. "Am I hired?" Pagkukumpirmang tanong ko sa kanya. Nakangiting tumango s'ya na para bang excited na excited s'ya para sa 'kin.
"The CEO have seen your resume as well just like me, he believe that you are perfect for the job. Isa pa kailangang kailangan na talaga namin ng Design Director para masimulan na ang iba naming mga project." Sambit n'ya saka iniabot sa 'kin ang isang parker pen.
Nakasaad ro'n ang lahat. Ang mga benefits na makukuha ko sa kumpanya ang buwanang sweldo ko at ang pinaka-maganda sa lahat ay regular na 'ko. Kailangan kong tawagan si Carter mamaya s'ya kasi ang nagrecommend sa 'kin ng advertising company na'to.
Ang sabi n'ya at ito rin ang advertising company na gumagawa ng mga advertisement na pinalalabas sa pamosong Time Square
"Congratulations, welcome to the company." Magiliw n'yang bati sa 'kin saka ako kinamayan ng maiabot ko na sa kanya pabalik 'yong ballpen.
Muli kong palihim na hinagod ng tingin ang opisina mg CEO. Now that our boss was mentioned, ngayon ko pa lang narealized na halos wala akong kaalam-alam tungkol sa kumpanya.
I don't even know what H.G in H.G Advertising stands for. Hindi ko rin kilala ang CEO. Nawala na rin kasi sa utak ko ang iresearch pa ang background ng kumpanya kahapon dahil sa kakaisip ko kung paano nabili ni Euphraim 'yong mansyon.
Narinig ko s'yang tumikhim, saka ko pa lamang napansin na nasa pintuan na pala s'ya at mukhang mayroon rin s'yang sinabi na hindi ko naintindihan.
"Ms. Fraier, halika na at ipakikila kita sa team mo. Ituturo ko na rin ang cubicle na ookupahan mo para alam mo na kung saan ka didiretso bukas." Nakangiti n'yang sinabi. I swallowed hard and slightly shake my hand as nervous and excitement consumed me.
Itinulak n'ya na ng tuluyan ang pintuan saka kami lumabas. We rode on a elevator. Tahimik lang kaming dalawa habang hinihintay na marating ang 5th floor
BINABASA MO ANG
Cruel Intentions
General FictionAuthor's Note 🔞: This story contains explicit and mature content. Readers who are sensitive to these contents may or may not continue. THIS IS A WORK OF FICTION