Chapter 6

36.1K 677 10
                                    

Heather's Pov

"Heather ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Manang habang dinadaluhan ako at hinahaplos ang likod ko nang bigla na lamang akong masuka kinabukasan. "Masama ba ang pakiramdam mo?" Dagdag n'ya pa, umiling ako atsaka nagmumug muna bago humarap sa kanya.

"Hindi po Manang, medyo masakit lang talaga ang ulo ko baka hangover medyo naparami rin kasi 'yong inom ko sa party kagabi." Nanghihinang sinabi ko atsaka naupo na para makapag-agahan, may pasok pa 'ko ngayong araw. Lunes na lunes pa man din sana hindi ako maipit sa traffic. "Kaya mo bang pumasok? Kung masakit talaga ang ulo mo'y magpahinga ka na lang muna rito." I shook my head and gave her my assurance that I am just fine. "Iinom na lang ako ng advil mamaya." Kumagat na 'ko sa french toast na inihanda n'ya habang marahang minamasahe ko ang ang aking sentido.

"Damn this traffic jam!" I muttered a lot more of curses as I took a glimpse at my wrist watch and realize that five minutes from now my first subject is about to start and I'm still hella kilometers away from my school, malas talaga! Sumulyap ako sa nag-iingay kong cellphone at nang makitang pangalan ni Mommy ang naka-register bilang caller's id ay dali-dali ko 'yong sinagot.

"How was the charity event last night, Darling?" She asked using her sweet voice. Isinuot ko ang aking earpiece para patuloy pa rin kaming makapag-usap kahit na nagmamaneho na 'ko. "Ayos naman po, may mga business investor akong nakausap at sabi nila ay interesado silang mag-invest sa furniture business natin, nakausap ko rin si Mr. Liu at willing daw s'yang magpondo kung gugustuhin nating magbukas ng branch natin sa Beijing." Pilit ko pang inalala kung sino-sino pa ba ang mga nakausap ko noong gabing 'yon kaya lang ay ang Euphraim Gallego na 'yon ang lagi kong naalala pati na rin ang sinabi n'ya.

"Is that all?" Paniniguradong tanong n'ya. Tumango pa 'ko kahit na hindi n'ya naman 'yon makikita. "Yes Mom, by the way I have to go, nasa University na po kasi ako." Ilang segundong nabalot ng katahimikan ang magkabilang linya bago s'ya muling nagsalita. "Uuwi na rin kami ng Daddy mo d'yan sa isang araw, I miss you, Darling,"  she uttered that somehow bring a joyous smile in my lips. Ang saya-saya ko lang ngayon kasi bibihira lang naman akong makarinig ng words of affection mula sa kanila.

"I miss you too, Mom." Mabilis akong napahawak sa 'king dibdib at naiiritang binalingan ang bigla na lamang nang-akbya sa 'kin. Umirap ako at tinabig rin ang kamay ni Harold na ipinatong n'ya sa balikat ko. "Aray ko naman." May halong pag-iinarteng reklamo n'ya at pilit na hinahabol ang mabilis kong paglalakad papunta sa school building. "Bakit ka ba kasi nakasunod?" Singhal ko. Malapad s'yang ngumiti at unti-unting nilapit ang mukha n'ya sa 'kin. "S'yempre kaklase kita kaya malamang kung saan ka papunta, roon rin ako pupunta sa room —" Hiyang-hiya akong napatingin kay Euphraim este Sir Gallego nang bigla n'ya na lang buksan ang pinto ng classroom at maabutan kami ni Harold sa gano'ng posisyon, mukha kaming maghahalikan. Naisip n'ya kaya na maghahalikan kami? Hindi naman siguro hindi ba?

His expression hardened as he eyed the both of us. Suot n'ya na naman ang kanyang salamin at nakaputing longsleeve s'ya na nakatupi na naman hanggang sa siko n'ya. "Papasok ba kayo sa klase ko o itutuloy n'yo 'yang dapat na gagawin n'yo? People now a days." Makahulugang sinabi n'ya. Wala na 'kong lakas ng loob pang makipagtitigan sa kanya kaya naman nakatungong nilampasan ko na lamang s'ya atsaka ako  dire-diretsong naglakad papunta sa 'king upuan.

"Pass your paper after twenty-five minutes." Halos lumuwa ang mata ko at sumayad ang panga ko sa semento dahil sa sinabi n'ya pati na rin ang kaluluwa ko'y tinakbuhan na ata ako nang makita ko ang ang up to 20 na mga equation na nakasulat sa whiteboard.

Ngarag at kabadong sinasagutan ko ang mga equation na madali lang at alam kong kaya kong sagutin, ang mahihirap naman at mas kumplikado'y hinuli ko na lang, kung 'yon kasi ang uunahin ko'y baka naubos na ang natitirang 25 minutes ay wala pa rin akong naisulat na kahit na ano sa papel ko.

"5, 4, 3, 2, 1, pass your paper and you may leave for your second period," he blurted out. Ipinasa ko na rin ang papel ko na tanging 1-14 lang ang nasagutan ko at ang 15-20 ay blangko na. "Walang pangalan 'yong papel mo, Heather," sambit nung nasa unahan ko. Hindi n'ya na hinintay pang matapos ang pagsusulat ko dahil naglakad na s'ya papunta sa unahan at ipinasa ang papel bago s'ya lumabas ng classroom.

Bago ko pa matapos ang pagsusulat ng buong pangalan ko'y nakaalis na rin ang iilang estudyanteng naiwan sa classroom at tanging kaming dalawa na lang ang natira, kinabahan ako, pakiramdam ko rin ay pinagpapawisan ako ng malamig at bigla na lang tutumba habang naglalakad ako palapit sa kanya. "S-sir."

Nag-angat s'ya ng tingin at kinuha ang papel na iniaabot ko. Hindi ko maiwasang hindi mapahiya o man lumo man lang nang makita kong sumama lalo ang ekspresyon sa mukha n'ya nang makita n'ya ang mga blankong numero. "I'll go ahead." Pagpapaalam ko for the sake of uhm... respect?

Bago pa man ako makahakbang ulit ay napako na ang paa ko sa kinatatayuan  ko nang tawagin n'ya 'ko. "P-po?" I shut my eyes and bite my lower lip. Letche ba't ba 'ko nauutal? "Siguro naman alam mong hindi maganda na makipaghalikan ka sa public places, sa school pa mismo kahit na boyfriend mo pa 'yon." Panimula n'ya, my eyes almost pop out of its socket because of his remark. Sinasabi ko na nga ba malisyoso rin talaga s'ya.

Trying to keep myself calm I smiled at him. "Hindi naman po kami naghahalikan o maghahalikan, Sir." Paglilinaw ko sa maling ideyang nakuha n'ya mula sa nakita n'ya kanina. Ba't parang ang laki-laki ng concern n'ya kung maghahalikan man kami o hindi ni Harold? He should not care about it.

He then gave me that cocky smile that has two effect on me either I'll get intimidated or pissed at him. "Really? Because that's not what it seems to look like," untag n'ya. Unti-unting napawi ang mga pekeng ngiti sa labi ko dahil sa sinabi n'ya, so ano ang pinalalabas n'ya ngayon?

"Hindi ba hanggang academic performance ko lang ang pinapakialam mo at hindi ang pribado kong buhay dahil professor lang kita, ni hindi nga po tayo magkaibigan, Sir. Lahat nang nangyayari sa 'kin na wala namang kinalaman sa subject n'yo ay dapat na labas na kayo ro'n kasi gano'n ako sa inyo hindi ko kayo pinakikialaman. I didn't dare to ask who the hell you're making out with the other day on the school parking lot, o kung sino 'yong magandang babaeng pumupunta sa'yo rito kasi 'yon po 'yong tamang gawin, Sir." His jaw clench on a dangerous manner as the hazel orb of his eyes darken. Tinalikuran ko s'ya kaya lang bigla akong nakaramdam ng sobrang pagkahilo at napahawak na lamang ako sa isang upuan.

"Heather, ayos ka lang?" Lumapit s'ya sa 'kin at hinawakan ang braso ko bilang pag-alalay pero itinulak ko rin s'ya ng bahagya. "Okay lang ako, Sir." Pagsisinungaling ko. Dumidilim na ang paningin ko at halos hindi ko na magawa pang makatayo nang maayos. Parang bulang unti-unting nawala ang lakas ng tuhod ko at nabuwal na 'ko ng tuluyan mula sa 'king kinatatawan.

"Heather! Heather!" That's the last thing I have heard from him before everything went black.

"Gising ka na pala, kaalis lang ni Prof. Gallego." Bungad sa 'kin ng school nurse nang makita n'ya 'kong bumangon. Lumapit s'ya at iniabot sa 'kin ang isang bottled water na kinuha ko naman kaagad at dire-diretsong ininom bago s'ya tipid na nginitian. "Nahihilo ka pa ba?" She asked once more,

Iginala ko ang paningin ko sa kabuan ng school clinic sa tagal ko nang nag-aaral dito sa EU ay ngayon pa lang ako napadpad sa school clinic. Muli ko s'yang tiningnan atsaka ako umiling. "Hindi naman na, pero kasi kanina pa talagang umaga hindi maganda ang pakiramdam ko." Unti-unting nawala ang ngiti sa kanyang mukha at seryoso akong tinitigan. Okay, ang weird n'ya bigla.

"Nalipasan ka ba ng gutom?" Umiling ako ulit. Kumain ako kanina, mas marami nga ang nakain kaninang umaga kaysa sa usual. "May boyfriend ka ba?" Her question made me burst out of laughing, seryoso pa rin s'ya kaya bigla akong nakaramdam ng hiya dahil sa naging reaksyon ko.

"I have none." S'ya naman ang tumango ngayon. "Ah, gano'n ba? Baka kasi buntis ka, sabi mo naman wala kang boyfriend kaya baka masama lang talaga ang timpla ng katawan mo ngayon, pabago-bago kasi ang panahon." Hindi ko na narinig pa ng maayos ang iba n'yang sinabi at tumatak na lang sa 'kin ang mga salitang.

Baka kasi buntis ka...

Cruel IntentionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon