Chapter 18

31.4K 625 17
                                    

Heather's Pov

"Hindi n'yo naman talaga kailangang mag-stay ni Dad dito, may condo unit ako sa Taguig. Matagal ko na po 'yong nabili. It's not that big but I believe you'll be more comportable there than here." Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng mumunting kirot sa 'king puso nang makita ko ang estadong kinasadlakan ng buhay nila.

Who the hell would have thought that the CEO of Fraier Furnitures Incorporation will end up being just a mere carpenter in a not so decent community. Hindi naman sa nagiging judgmental pero gano'n talaga ang impression ko sa lugar na 'to.

Pawisan na lumapit sa 'kin si Dad bitbit ang lihang gamit n'ya kanina sa isang lamesang ginagawa n'ya. Si Mama naman ay nasa kusina ay nagluluto ng mga ulam na nilalako n'ya raw sa mga construction worker sa may kabilang kalsada. Would you believe at that? I really can't.

"Dad, sumama ka na sa 'kin. Kuya Rex is fine he's stable with his own restaurant. Kaya namin kayong buhayin ni Mom hindi n'yo kailangang maghirap ng gan'to." He looked at me with a hint of contentment and happiness in his eyes. Is he happy? Wala akong makitang dahilan para maging masaya s'ya ngayon. Inalis n'ya ang kamay ko mula sa pagkakahawak sa braso n'ya saka n'ya 'yon hinawakan gamit ang dalawa n'yang kamay.

"Ayos lang kami dito. Hindi gano'n karangya ang pamumuhay pero naitatawid naman namin. Masaya kami rito, this place teaches us all the value that we forgot. It teaches us to appreciate little things, hindi na namin kailangan ng Mommy mo ang dati naming buhay." Sambit n'ya sa isang kalmado at mapanuyong tono. I stare at my Mom for a moment who is joyously preparing meals she'll sell later on.

Muli kong binalik ang atensyon ko kay Dad nang maramdaman kong marahan n'yang pinisil ang aking kamay. He smiled so I did the same. It feels so good to see him smiling like this at me. "If there's one thing that we want back that is our mansion." Sa pagkakataon na 'to ay mas seryoso na ang boses n'ya. Hindi ko pa rin pala naitatanong kung sino ba ang nakabili ng mansyon, baka alam nila.

"Mahalaga 'yon sa pamilya natin. You know that. Kung may bago mang magmamay-ari no'n. Gusto ko na ikaw 'yon." He muttered and looked at me with so much hope. Like he actually believe that I'll be able to take the mansion back.

I heaved a sighed for the last time and kiss them good bye. Kailangan ko pa kasing bumalik sa condo para maiyos ang mga requirements na kailangan kong dalhin para sa first interview ko sa advertising company na pinagpasahan ko na ng resume bago pa 'ko umuwi rito galing sa London.

"Sa Bistro ka na lang kumain, may kailangan rin tayong pag-usapan." Kuya Rex sound so damn serious on the other line. He didn't even let me speak. Ano kayang pag-uusapan namin?

Bago pa 'ko tuluyang sumakay sa kotse'y muli kong nilingon sina Dad na nakatayo sa may gate. I wave at them and smile. As soon as I get inside the car I waste no time and start the engine before I start to drove away. Sumulyap akong muli sa side mirror at nakitang pumasok na rin sina Dad sa loob.

Muli akong napabuntong hininga.

The ringing of my phone brought my senses back. Maingat ko 'yong kinuha mula sa bulsa ng bag na nasa passenger seat malapit sa may driver seat. Nang makuha 'yon ay kaagad inislide ang answer button at tinapat sa 'king tenga.

"Is this Ms. Heather Allyrica Fraier?" A sweet voice asked in a formal tone. Saglit kong inalis ang telepono sa 'king tenga para masilip muli kung sino ba ang tumatawag kaya lang ay unregistered pala 'yon.

"Yes." Maikli kong sagot at mas piniling itabi na lang muna ang sasakyan sa gilid ng kalsada para mas makapag-usap kaming dalawa ng maayos at maka-iwas na rin sa disgrasya.

"This is Glenna of H.G. Advertising Company, we'll be expecting your presence for tomorrow's final interview." It took me a moment before to fathom words she mumbled on the other line.

Cruel IntentionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon