Heather's Pov
Mrs. Gallego.
He called me Mrs. Gallego? Bakit ako kinikilig at bakit parang gusto ko na ring maniwala na Misis n'ya nga ako? O magiging misis. I am insane, this is is insanity on it's glorious form.
"Nga pala sa saturday ka na lang magpa-natal." Bigla n'yang sinabi habang naglalakad kami palabas ng gate ng SCC. Tumango na lamang ako at pilit na ngumiti nang mapagtanto ang ibig n'yang sabihin.
"Gusto ko kasi na ako ang kasama mo." Dagdag n'ya.
"Pag-uwi mo sa bahay magpahinga ka na lang kung may mga natira pang gawaing bahay ako na lang ang gagawa no'n pagka-uwi ko." Mahigpit n'yang bilin bago ako sumakay sa tricycle na huminto sa tapat naming dalawa. Ngumiti na lang ako at tumango saka kumaway sa kanya bago tuluyang umandar ang tricycle.
Those smile in my lips soon leaves as I started to think the real score between us. Gusto ko nang magtanong kung ano ba talagang mayroon sa 'ming dalawa kaya lang natatakot ako. Natatakot ako na baka hindi ko magustuhan ang magiging sagot n'ya at higit sa lahat natatakot ako para sa 'king sarili dahil unti-unti na 'kong naniniwala sa pagpapanggap namin.
I am falling for him and in the lies that we both created.
"Dito lang ba?" Tumango ako sa tricycle driver at maingat na bumaba bago ko iniabot sa kanya ang bayad sa 'king pamasahe. Using my free hand I pushed open their gate that is made of bamboo and close it afterwards.
Ilang saglit ko pang tinanaw ang hindi kalakihan nilang bahay bago ako naglakad papasok sa loob. I really can't believe that in a span of less than two months my life has changed so much.
Mula sa magagarang sasakyan ay tricycle na lang ang nasasakyan ko, maging ang mismong gawain ay ako na ang gumagawa na dati ay inuutos ko lang sa mga kasambahay namin. I must admit that I missed my life the way it was before, but somehow I am contented with what I have right now.
"Heather, tirik na tirik ang araw ba't hindi ka pa pumapasok dito?" Sambit ni Papa Charlee nang dumungaw s'ya sa bintana at nakita ako. "Papasok na po." I mumbled and walk straight inside their house. Inilapag ko sa ibabaw ng lamesa 'yong bag na pinaglayan ng mga tupperware saka ako lumapit sa kanya para magmano.
"Galing ka kay Euphraim?" I nod at his question and walk towards the kitchen sink so that I could do the dishes. Napanuod kong maghugas si Lucas kaya medyo alam ko na rin kung paano 'yon ginagawa.
"Naghatid lang po ako ng pagkain n'ya, Pa."
"Hayaan mo ng si Lucas ang gumawa n'yan mamaya pagka-uwi n'ya." Marahan akong umiling at nagsimula nang sabunin ang mga baso ng paisa-isa. "Okay lang po, kaya ko naman." Sansala ko nang lumapit pa sa 'kin si Papa para pigilin ako.
"Hindi mo naman kailangang gawin 'yan lalo na't alam ko naman na hindi mo talaga ginagawa ang mga 'yan sa inyo. Pero nakakatuwang makakita ng isang Fraier na kuntento sa isang simpleng pamumuhay." Kumunot ang noo ko sa sinabi n'ya. Kung makapagsalita kasi s'ya parang kilala n'ya talaga ang pamilya ko.
"Kilala n'yo po kami? Sa tono po kasi ng pagsasalita n'yo para po kasing kilala n'yo talaga kami." Ngumiti s'ya sa 'kin habang inaayos ang ibabaw ng lamesa.
"Kilala ko si Rodeo, let's just say he's a friend that I loose because of the inevitable changes in life." Makahulugan n'yang turan bago ako marahang tinapik sa ulo at iniwan na naguguluhan dito. He must be an old friend of Dad. Never ko pa kasing narinig na mayroon pala s'yang kaibigang Charlee Gallego.
Kilala ko ang halos lahat ng kaibigan ni Daddy maliban na lang do'n sa isang lalaking kasama n'ya sa picture na nakita ko dati sa attic ang sabi ni Manang ay bestfriend daw 'yon ni Dad kaya lang nagkasira sila dahil sa negosyo.
May posibilidad kaya na si Tito Charlee 'yon? Pero parang impossible naman.
Nang matapos sa paghuhugas ay dumiretso na 'ko sa kwarto ni Euphraim at magpapahinga na dapat kaya lang ay napansin ko ang tumpok ng long sleeve at slacks n'ya na nakalagay sa isang basket sa may gilid ng cabinet.
Hindi pa naman ako gano'n kapagod kaya mas pinili ko na lang na kusutan muna ang mga 'yon sa may tapat ng bahay nila kung saan sila naglalaba.
"Nakita mo na ba 'yong babaeng mapapangasawa ni Euphraim?" Rinig kong tanong ng dalawang babae sa may tindahan nang pumunta ako ro'n para sana bumili ng bar at powder na gagamitin ko sa paglalaba.
"Ah oo, Heather ata ang pangalan no'n. Hindi naman s'ya maganda maputi lang ta's mukhang mayaman pero mas maganda pa rin si Ate Millicent. Kung hindi lang talaga siguro s'ya binusted dati ni Ate Mil baka sila na ang nagkatuluyan at ang ikakasal ngayon hindi si Euphraim at 'yong mukhang maarteng si Heather." Bumilog ang mata nilang dalawa at halos hindi na makatingin sa 'kin ng maayos nang pagpihit nila paharap para sana umalis na ng tindahan ay nakita nila akong nakatayo lang sa likuran.
I forced a smile and they did the same before they walked out.
Ang akala ko childhood sweetheart lang talaga sila, hindi ko alam na niligawan pala ni Euphraim si Millicent? As much as I don't wanna think about them, that thought itself won't just get off my mind. Nakaramdam ako ng pagkirot sa 'king dibdib dahil sa nalaman.
"Miss ano ang sayo?" I snap back into reality upon hearing the old lady's voice. Pilit akong ngumiti at naglakad pa palapit sa mismong tindahan.
"Isang powder nga po saka bar." Nang maiabot n'ya na sa 'kin ang binili ko'y umalis na rin kaagad ako at mabilis nang naglakad pabalik sa bahay habang pinapalis ang mga luhang pumapatak sa 'king pisnge.
Hindi ako nasasaktan, hindi ako affected. Mood swings lang 'to at dala lang ng pagbubuntis kaya ako nagiging emotional. Paulit-ulit ko 'yong sinasabi sa sarili ko habang parang siraulong umiiyak habang naglalaba.
Tanggap ko naman na hindi talaga si Euphraim 'yong tipo ng lalaki na matinong-matino talaga alam ko na fuck boy s'ya pero ba't ganto na lang ang epekto sa 'kin ng malaman ko na niligawan n'ya si Millicent?
Dahil ba mas matagal na silang magkakilala? O dahil magaling s'yang magluto at gumawa ng mga gawaing bahay? O baka naman dahil mas maganda s'ya sa 'kin. Bumuntong hininga ako at napatakip na lang sa 'king mukha.
It could be all tho.
Nang matigil sa pag-iyak ay tyaka ko pa lamang naramdaman ang paghapdi ng aking kamay. Namumula na 'yon at namamalat medyo mahapdi rin 'yin at parang dumudugo.
Napamura na lamang ako sa 'king isip nang makita ko ang labahan ko na malapit ko naman ng matapos. Ngayon pati paglalaba hindi ko rin magawa ng maayos.
Mag-aalas tres na ng makapagsampay ako at tuluyang matapos sa mga damit naming dalawa na pilit kong tinapos labhan kahit pakiramdam ko'y matutuklap na ang balat ko sa hapding nararamdaman.
Nasa palayan na si Papa at nagpapararo. Mag-isa na naman ako sa bahay hindi ko rin naman hilig na manuod ng tv kaya mas pinili ko na lang na umidlip. Hindi naman na naging mahirap para sa 'kin na gawin 'yon dahil bukod sa pagod ay kanina pa rin naman ako inaantok.
Mababa na ang araw nang magising ako sa tantya ko'y mga alas-singko na ata ng hapon 'yon. Napabalikwas ako ng bangon at inayos muna saglit ang aking sarili ng maalala na kailangan ko nang magsaing.
Nakauwi na kaya si Euphraim?
Natigil ako sa pagkilos at halos mabato na lang sa 'king kinatatayuan ng maabutan kong nagtatawanan si Euphraim at Millicent paglabas ko ng kwarto. Sa may kusina naman ay rinig ko rin ang paminsan minsang pagsabat ni Lucas sa usapan.
"Ikaw nga dati ang tamad maligo kasi mas gusto mo na maglaro lang maghapon sa may palayan at manghuli ng kuhol ta's naglalaro tayo nina Hedrian at Carol bahay-bahayan ikaw 'yong tatay ta's ako 'yont nanay at anak naman natin silang dalawa." She reminisced that brought a joyous smile in his lips.
Muli akong ginapangan ng galit at selos. Ni hindi ko alam kung saan ako pupunta pero nagdire-diretso lang ako sa paglabas ng bahay nila kahit na naririnig kong tinatawag n'ya 'ko.
Nakakabwisit! Edi maglaro sila ng bahay-bahayan do'n. Hindi ko naman sila pipigilan.
BINABASA MO ANG
Cruel Intentions
General FictionAuthor's Note 🔞: This story contains explicit and mature content. Readers who are sensitive to these contents may or may not continue. THIS IS A WORK OF FICTION