Euphraim's Pov
I breathe deeply and sighed frustratedly. I checked on my wrist watch only to see that it's already 2:30 am.
I groaned and vent out all of my frustration into the car's tire. Ito na ata ang pang-sampung convenience store na pinuntahan ko para maghanap ng kambal na mangga ni Heather.
Kaonti na lang iisipin kong pinahihirapan n'ya ko, hindi naman s'ya gan'to dati. Wala nga s'yang hinihinging kahit na anong pagkain dati.
Hindi ko rin alam kung ano ang pinaglilihian n'ya noon.
Pumasok ako ng sasakyan saka kinuha ang cellphone ko na nasa dashboard para tawagan si Lucas. It took a few minute before he pick it up.
"Kuya, alam mo ba kung anong oras pa lang?" Mabilis na mahihimigan ang iritasyon sa boses na tanong n'ya sa 'kin. Humugot ako ng malalim na buntong hinga saka 'yon pinakawalan.
"Kakauwi n'yo lang ni Millicent galing sa Santa Catalina hindi ba?" I asked with my finger crossed. Sana mayroon. Sigurado akong iiyakan na naman ako ni Heather katulad noong nakaraang gabi matapos kong umuwi ng hindi dala ang blueberry cheesecake na pinabibili n'ya.
"Si Euphraim?" I heard his wife asked from the other line.
"Oo bakit? Tinawagan mo ba talaga ako para lang itanong 'yan Kuya? Hindi ba 'yan makakapaghintay ng bukas?" Iritableng untag n'ya sa 'kin.
"May dala ba kayong mangga? Iyong hilaw ah tapos kambal." Mabilis na nagsalubong ang kilay ko ng marinig ko s'yang tumawa mula sa kabilang linya.
"May hilaw na mangga dito Euphraim pero hindi kambal." Boses ni Millicent 'yon. Sandali akong natahimik at napatingin muli sa 'king orasan.
"P'wede naman na siguro 'yan, kukunin ko d'yan ngayon. Okay lang ba? Papatayin ako ni Misis kapag hindi ako nakapag-uwi ng mangga." I heard noises in their background. Mukhang pati ang anak ata nila'y nagising na din.
"Just come over. Damn you! Noong si Millicent nga ang nagbubuntis sa anak ko hindi kita binulabog sa gitna ng madaling araw tapos—" Hindi ko na pinatapos pa ang panunumbat n'ya at sa halip ay binuhay ko na ang makina ng sasakyan saka mabilis ngunit may ingat na tinahak ko ang kalsada patungo sa kanilang bahay.
I pulled over in front of their navy green gate. Kaagad akong lumabas para kunin sa nakatayong si Lucas sa harap ng gate ang isang paper bag na hawak n'ya sa kaliwang kamay.
"Salamat dito." He shook his head and smirk.
"Hindi na uso ang salamat lang ngayon, tatawagan na lang kita mamaya para sabihin sa'yo kung ano ang kapalit ng mangga na 'yan at pang-iistorbo mo sa 'min. Umuwi ka na ngayon bago ka pa bugahan ng asawa mo ng apoy." Aniya saka ako tinalikuran at pinagsarahan na ng gate.
"Oh My God." Heather giggled and jogged as he saw me. Mabilis na nanlaki ang mata ko at naalarma dahil sa ginawa n'ya.
"Careful, will you?" I snarled at her. Maagap n'yang kinuha sa 'kin 'yong paperbag at binuhos ang buong atensyon n'ya ro'n. She would even chuckle heartily as she smell it.
Nakasunod lamang ako sa kanya at tahimik s'yang pinanunuod habang kinukuha n'ya ang isang plato at kutsilya mula sa isang drawer malapit sa lababo.
I yawned and shut my eyes closed for a moment. Nang muli kong imulat ang aking mata'y naabutan ko s'yang nakatingin sa 'kin na para bang nakokonsensya 'to.
"You can go back to bed now, Hubby. Susunod na lang ako kapag naubos ko 'to." Anas n'ya saka masuyo at may pag-iingat na binalatan 'yong isang mangga. It's a relief she forgort or didn't mind even if it's not twin like how she requested it earlier.
BINABASA MO ANG
Cruel Intentions
Ficción GeneralAuthor's Note 🔞: This story contains explicit and mature content. Readers who are sensitive to these contents may or may not continue. THIS IS A WORK OF FICTION