Heather's Pov
The continues ringing of the telephone besides my bed woke me up from my deep slumber. Pupungas na iniabot ko 'yon saka itinapat sa 'king tenga.
"I'm sorry to wake you, Ms. Fraier pero kasi may naghahanap po sa inyo dito sa baba." Pilit kong iminulat ang aking mata dahil sa narinig mula sa kabilang linya.
I turned to look at the side table and checked on the clocked only to see that it's just 2 in the morning. Sino ang nasa tamang katinuan ang maghahanap sa 'kin ng gan'tong oras.
Umupo ako saka inabot ang switch ng lampshade na s'yang nagbigay ng liwanag sa kabuan ng kwarto. Malakas ang ulan sa labas at naririnig ko rin ang paminsan-minsang pagkulog na may kasamang pagkidlat.
"Ms. Fraier." Napakamot ako sa 'king ulo.
"Sino ba daw 'yong naghahanap sa 'kin?" Tanong ko.
"Asawa n'yo daw po s'ya." Aniyang ikinasalubong ng kilay ko. Is this a prank call? Wala naman akong maalalang may pinakasalan ako.
Holy Shit!
"Sandali lang, baba na rin ako." Nagmamadali kong sinabi saka hinablot na lang ang cardigan na nakapatong sa isang one-seater na sofa bago dire-diretso nang lumabas sa kwarto.
I pressed the 1st floor of the elevator button, and slightly comb my hair with my finger as I waited for it to open on the first floor.
May malalaking hakbang na nilapitan ko 'yong receptionist para itanong kung nasaan na 'yong naghahanap sa 'kin...si Euphraim.
"Ayon po s'ya." Kalmado n'yang sinabi saka itinuro ang basang-basang imahe ni Euphraim na halatang nanginginig na sa lamig habang naghihintay sa labas.
Tipid lang akong ngumiti sa kanya at pumunta naro'n.
"Euphraim—Oh My God!" Hiyaw ko nang bigla na lamang s'yang matumba. Mabilis akong ginapangan ng pag-aalala at takot nang maramdaman ang mainit n'yang katawan. Inaapoy s'ya ng lagnat idagdag mo pang may pasa at hiwa s'ya sa gilid ng kanyang labi na mukhang bago lang.
"D'yan n'yo na lang po s'ya ihiga, salamat po." The guard just nod and smile at me.
"Salamat po ulit." Pahabol kong sinabi saka isinara ang pintuan ng unit ko. I rushed toward the kitchen for a warm water and a piece of clean cloth. Nang makuha na ang mga kailangan ay dumiretso na 'ko sa kwarto kung nasaan si Euphraim.
He's soaking wet. Maging ang kamay nabasa na rin.
May matitipid na lakad, lumapit ako sa kanya saka ipinatong ang dala kong planggana ng maligamgam na tubig sa may side table saka ko hinila ang paa n'ya para alisin ang suot n'yang sapatos na basang-basa rin.
I bit my lower lip and with trembling hands, I reached for his belt. Labis-labis ang kabang bumundol sa dibdib ko nang itinabig n'ya ang kamay ko at bahagya n'yang minulat ang mata n'ya kahit na hindi n'ya na 'yon halos magawa dahil sa kalasingan.
"Don't touch me, magagalit ang asawa ko. Selosa pa naman 'yon." Untag n'ya sa hindi kalakasang boses habang pilit akong tinatabig para lumayo sa kanya.
"Stay away from me, Miss. I'm married." Narinig ko s'yang tumawa ng buong pait. "I'm married but my wife doesn't know that I married myself to her, ang gago ko kasi." Dagdag na sinabi n'ya saka pinilit ang sariling umupo. Nag-iwas ako ng tingin nang pasadahan n'ya ko gamit ang mga mata n'ya mula ulo hanggang paa.
He chuckled softly and reached for me.
"You look like my Heather Allyrica Fraier—Gallego, ikaw ba s'ya 'yong a-asawa ko?" He asked.
BINABASA MO ANG
Cruel Intentions
General FictionAuthor's Note 🔞: This story contains explicit and mature content. Readers who are sensitive to these contents may or may not continue. THIS IS A WORK OF FICTION