Ⅰ.1 Elementarya ✓

22 2 0
                                    

"Huy! Angelica! Bilisan mo, kanina pa 'ko naghihintay dito oh!" lagot, nagmemediyas pa lang ako!

"Hintayin mo na! Saglit na lang siya oh!" salamat talaga, nay!

Dahil doon, nagmadali na akong naghanda at kinuha na ang bag ko. Grabe naman kasi si mama, bibili ng bag ng mas malaki pa sa gagamit. Grade five pa lang ako, tapos pinapahirapan na kaagad ako dito.

Umangkas na ako sa motor ni Tito Loyd at saka niya ito ipinaandar.

-----

"-Aray!" Ansakit! bigla-bigla naman kasing namimingot 'tong si 'To Loyd! Nalamog na nga ako sa bilis ng pagpapaandar niya, tapos pagkababa ko, pipingutin niya pa ako.

"Sa susunod, bilisan mo gumalaw ha?! Ako nala-late sayo eh!"

Jusko po.

"Bye bye na," pag-alis niya ay itinulak ko na ang gate para pumasok. Napakarami na ng mga estudyante! Pero sabagay, 7:15 na.

Dumeretso na ako sa building ng grade five para hanapin ang pangalan ko, nakakapagod rin dahil dalawa ang palapag, syempre bata pa lang ako mabilis talaga ako mapagod.

Nang makarating ako sa huling room, napatigil ako nang makita ko siya.

"ELIZA!!!" sigaw ko saka ako tumakbo papalapit sa kaniya.

Napakahigpit ng yakap ko sa kaniya. Ansarap talaga pagkayakap ko siya! Parang ayaw ko na bumitaw dito!

"Namiss kita-AH! Aray! Tama na, masakiiit!" Ansakit na naman! Pinagpapalo niya ako sa ulo!

"Bitaw na kasi! Nahihirapan ako huminga!"

Napangiti nalang ako. Pagbitaw ko ay may kumalabit naman sa likod ko, "Eh-Tana?"

"Pasukan na naman, 'no? Wahahaha!" banggit ng babaeng kaharap namin ni Eliza. Si Theodosia, o ang babaeng tinatawag namin na Tana.

"Dito ka rin, Angelica?" ay oo nga pala. 'Di ko pa nakikita yung pangalan ko sa listahan.

"Ah-"

"Dito rin siya, 'yun oh," pinutol ni Eliza yung pagsasalita ko at itinuro ang pangalan ko sa listahan.

"Ayus ah! Magkakasama na naman tayo!"

"Di naman tayo naghihiwalay eh," sagot ni Tana.

Pagpasok namin sa loob, halos lahat ay naging kaklase namin last year. Siguro napunta sa ibang section yung iba? Bahala na. Basta magkakasama kami.

Pumili muna kami ng pwesto na pwedeng upuan. Saktong sakto at nakakita ako ng tatlong bakanteng upuan sa dulo. Bago pa ko maglakad palapit, nauna na silang tumakbo sakin! Andaya naman oh!

Tumakbo rin ako papunta sa pwesto at buti naman ako ang napunta sa dulo, si Tana naman ang pumagitna samin ni Eliza. Nakakamiss yung laging ganito!

Nang dumating ang guro namin, nagsimula na ang pagpapakilala. Hindi naman na ako nakinig sa kanila dahil sila rin naman ang mga naging kaklase ko last year.

"Next," banggit ng guro, at doon ko pa lang napansin na ako na pala ang susunod.

"Ako po si Angelica Scheyler, ang spelling po ay S-C-H-E-Y-L-E-R, pero ang pagbasa ay Skailer. Mahilig po ako sa math. 10 years old po," pagtapos ko ay tumayo naman si Tana.

"Theodosia Santos po ang pangalan, 10 years old po. Mahilig po ako sa mga laro tulad ng badminton!" Ang layo ng pangalan niya sa palayaw sa kaniya, 'no? Ang sumunod naman ay si Eliza na nagpakilala.

"Eliza Sanchez, 10 years old rin po at mahilig sa science," buti naman at nakatapos na kami.

'Di nagtagal, natapos na ang buong klase namin ng umaga.

"Huy, 'di ako dito magtatanghalian, sabi ni mama umuwi na lang daw ako tuwing tanghali para kumain," salubong samin si Tana nang matapos ang klase bago siya nagpaalam na umuwi.

Tahimik kaming dalawa magkatabi sa upuan.

"Angelica, paano yan? Dalawa lang tayo?" malungkot niyang tanong sakin.

Natahimik kaming dalawa sa loob bago ako magsalita, "'Di naman siguro masama kung...dalawa lang tayong magkasamang kakain, 'diba?"

Nakatingin lang ako sa kaniya na nakayuko.

"Sabagay," napatitig ako sa kaniya habang nakangiti. Di ko namalayan na...nakangiti na rin ako.

-----

Nang hapon ay nanatiling normal ang mga pangyayari. Pagdating ng uwian ay nagpaalam na ako sa kanila. Nandito ako ngayon sa labas ng gate, naghihintay sa tito ko.

Napalingon ako sa kaliwa at nakita ko na ang pulang motor ni Tito Loyd. Siya naman ang late ngayon, ilang minuto rin naman ako naghintay eh.

"Kamusta yung first day?" tanong niya sakin nang maka-angkas ako sa motor.

Inisip ko muna ang mga nangyari ngayong araw bago sumagot sa tanong niya. Hindi ko muna binanggit ang pagrereklamo ko sa pagka-late niya at sa susunod na lang.

Limang minuto ang tinagal ng biyahe. Oo, alam ko na napaka bilis lang ng biyahe. Bakit kaya 'di nalang ako namasahe o naglakad? Una, kasi ayaw ako bigyan ng pera ni mama at binibigyan na lang ako ng mga pagkain na pwede maging baon, sabi niya kasi, gamitin ko na lang daw yung perang pinapadala niya kapag may project o ipunin na lang daw. Pangalawa ay dahil sa tamad ako. Sino bang gustong maglakad ng may bitbit na mabigat na bag, 'di ba?

Pagbaba ko ng motor, napatitig ako sa bahay namin mula sa labas ng gate. Anlaki pala, ang ganda rin, napakaraming pakurba-kurba sa mga pader.

"Huy, pumasok ka na doon," 'di ako sumagot sa bulong ng tito ko at pumasok nalang sa gate.

Parang piling ko, bagong lipat lang ako dito, kahit buong buhay ko dito ako nakatira

Napalingon ako sa kaliwa ko at...napakarami ng bulaklak! May asul pa! 'Di ko napigilang lumapit at hawak-hawakan ang mga bulaklak, mga ilang minuto ay may naramdaman ako sa paanan ko n-na-!!!!!!!

"A-ASOOO!!!!!" bigla akong napatayo nang may maliit na aso na maliit na kulay itim ang nguso na mabalbon na mukhang bulldog!

"N-Nay!!! MAY ASO!!!"

Hinintay kong lumabas si nanay at buti naman lumabas kaagad! Dikit na dikit na ako sa gate!

"Ano ba 'yan Angelica! Aso lang 'yan, ang ingay mo!"

"Eh bakit nandiyan?!" reklamo ko.

"Binigay lang yan ng kaibigan ng mama mo! Cute na nga and binigay, kinakatakutan mo pa rin?!"

"Ihhhh~ Nay! Di ako makadaan! Takot ako sa bulldog!" 'di ko na maintindihan ang ekspresyon ni nanay. Hah.

"Di ka ba nagbabasa ng mga libro para malaman 'yun " sagot ni nanay habang naglalakad palapit sakin.

"Eh nay, matanda ka na kaya alam mo talaga eh!" sabi ko bago ako ibakay ni nanay.

"Bata ka talaga! Tsaka ang tawag diyan, Pug! Hindi bulldog!" tumango nalang ako.

Nang ibaba niya na ako, kinuha ko na ang bag ko at tumakbo papunta sa kwarto ko sa taas para magbihis. Matapos iyon ay nagmadali akong bumaba para manood ng TV.

"Anong palabas kaya yung pwede?"

Buong magdamag, 'di ko namalayan na nakatulog ako sa sofa. 'Paggising ko ay 8 o'clock na pala. Makakatulog pa kaya ako nito?

"Oh, buti gising ka na," napalingon ako kung saan nanggaling ang boses na iyon, si nanay lang pala.

"Si Tito Loyd, nay?"

"Wala pa, nasa tropa niya yata. Tumayo ka muna 'jan para kumain. Kanina pa 'to nakahanda, oh," pagyaya ni nanay. Wala akong nagawa kundi tumayo at tumungo sa kainan.

Bumalik na ako sa kwarto ko para magpahinga ulit. Talagang 'di na ko nakatulog kaya nagpatugtog nalang ako.

Bigla kong naisip na may mga klase na bukas, ano na naman yung pag-aaralan niyan?

-----

Will My Love Ever Reach?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon