ⅩⅤ. Graduation ✓

5 0 0
                                    

Oras na.

Ang araw na dapat magtatapos na ang nararamdaman ko para sa kaniya.

Kakarating lang namin ni Tito Loyd sa school, buti naman at 'di ako late ngayon. Si Tito Loyd lang ang kasama ko dahil ayaw sumama ni nanay, wala daw magbabantay sa bahay. Wala naman kaming magawa dahil, si nanay 'yun eh.

Hinahanap ko sila Eliza pero napakarami ng tao, nagsisiksikan na kami. Paano ko makikita sila Eliza? Malapit naman na siguro magsimula, magkakasama naman kami sa pila eh, si Pen lang ang mahihiwalay dahil 'S' ang simula ng apilyedo namin.

Ilang minuto at nagsimula na ang graduation. Pumila na rin kami, buti naman at magsisimula na, malapit na akong mamatay dito sa sikip ng mga tao. Sinilip ko rin si Pen sa pila, at napakalayo niya mula samin. Katabi ko na naman 'tong si Tana, siguradong mag-iingay na naman 'to.

Sa pila, katabi namin yung mga guardian namin, kaya si Tito Loyd ang nasa tabi ko ngayon. Si Tana, kasama ang Tito niya, habang si Eliza kasama si mama niya. Nang magsimula na, dahan-dahan kaming naglakad papunta sa quadrangle. Buti naman at wala na'ng tao dito, mga upuan na lang para sa amin ang nakalagay.

Pagdating namin sa kaniya-kaniya naming upuan, nagsimula ang opening ceremony at sumunod naman ay ang pagsasalita ng isa sa mga guro. 'Di ako gaanong nakinig, sumasabay lang talaga ako sa pagpalakpak, pero atlis nakinig ako sa kwento ng buhay ng principal namin, 'di ba?

"Huy," napalingon ako sa taong katabi ni Tana, si Eliza lang pala.

"Ano 'yun?"

"Wala lang," anong trip nito?

"Anong trip niyong dalawa? Walang kwenta yung pinag-uusapan niyo," sumasabat na naman si Tana, pero sabagay, kilala siya sa ganiyan. Habang nagsasalita ang iba't ibang mga guro, nakikisabay rin 'tong si Tana. Nagulat na lang ako nang magsitayuan na ang iba, ang ingay kasi, 'di ko tuloy narinig. 

Isa-isa kaming tinawag sa stage, mula sa section one hanggang sa pinakahuling section. Nakinig ako ng mabuti nang simulang tawagin ang mga kaibigan ko, baka mamaya, 'di ko rin alam yung totoo nilang pangalan katulad ng kay Kuya Berk, nakakapagtaka nga, Berk pa rin ang tawag ko sa kaniya eh, siguro dahil kay Pen.

"John Adams Addison," tulad niyan. May Adams pala sa pangalan niya, bakit 'di na lang Adams ang tinawag namin sa kaniya—Teka, meron palang Adam sa Void.

"John Lauren Amlo," sunod kong narinig na pangalan ay ang kay Lauren.

"Alexander Arnez."

"Aaron Buena," biglang nawala sa isip ko na Buena pala ang apilyedo niya.

Sumunod na tinawag ay si Pen, mukha siyang galit nang marinig niya yung buong pangalan niya, "Penelope Onsaro," maganda naman ang pangalan niya.

Matagal bago kami tinawag, ang layo kasi ni Pen sa amin eh.

"Eliza Sanchez," buti naman at sunod na kami.

"Theodosia Santos," mukhang ako na ang susunod. Tumingin muna ako kay Tito Loyd at ngumiti bago ako tumawag.

"Angelica Scheyler," 'yan na. Para tuloy akong tinatawag na royalty, ang ganda ng apilyedo ko—Ano ba 'yan?! Bakit ko iniisip 'yang bagay na 'yan?!

Umakyat kami ng stage at kinamayan ang mga guro at saglit na ngumiti sa camera bago bumaba. Pagbalik namin ng upuan, nakinig na naman kami sa mga guro.

Buti naman at tapos na 'yun, oras na para tawagin ang mga honor student. Syempre, kasama ako 'dun, ako pa ba? Kaya lang, nataasan ako ni Eliza ngayong taon.

Unang-unang tinawag ay ang nasa dulo. Medyo kinakabahan ako dahil, ewan! 'Di naman ako kinakabahan kanina. Dahil ba sa inisip ko na gagawin ko mamaya? 'Di ko pwedeng isipin 'yun ngayon, mamaya na lang sana!

Will My Love Ever Reach?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon