Ⅱ.1 Transferee ✓

12 1 0
                                        


November 2005

"Meron kayong bagong kaklase ngayon," 'yan ang agad na sinabi ng guro namin nang makapasok ito sa loob.

Transferee? Pero limang buwan na yung nakalipas simula nang magkaroon ng klase.
"Ano sa tingin mo, tol? lalake?" napa-isip ako bigla sa sinabi ni Tana. Paano nga kung lalake? Ang dami na kaya ng lalake samin, sana naman babae.

"Pumasok ka na sa loob," sumenyas ang guro namin sa taong nasa labas para pumasok na. At sa pagpasok niya, para bang bumagal ang paggalaw ng nasa paligid ko.

"Ako si Penelope Onsaro, sana po alagaan niyo ako," pagpapakilala niya bago siya magbow.

Ngayon lang ako nakakita ng babaeng mas maganda pa kay mama at kay Eliza. 'Di ko alam kung bakit pero 'di matanggal yung paningin ko sa kaniya. Ang ganda niya talaga, para bang diyosa...-teka lang! Bakit papalapit siya sakin?! Narinig niya ba yun?! Nasabi ko ba yun ng malakas?! 'Di ako mapakali at 'di ko rin alam kung bakit!

"Simula ngayon, diyan ka na uupo hanggang sa matapos ang buong school year," ah. Kaya pala siya naka-upo sa harapan ko.

Napalingon ako bigla nang kalabitin ako ni Tana, "Lakas yata ng tama mo ngayon ah," teka, napansin niya rin yun?! Nakakahiya!

-----

"Mauuna na ko," paalam ni Tana sa amin bago bumaba ng building.

Nagsimula na kaming kumain ng tanghalian sa loob ng room.

"Nakakapagod rin pala mag-aral..." napatigil ako sa pagsubo ng pagkain.

"...Ngayon mo lang napansin 'yan-"

"WAHAHAHAHAHAHA!!!" Nanigas ako sa pwesto ko. Ang alam ko, kaming dalawa lang yung laging nagtatanghalian dito. Sino yung...tumatawa?

"A-Ah! Sorry sa pag-abala..." napalingon ako sa likod ko-si PENELOPE! Teka, ano bang pwedeng sabihin?!

"Okay lang, gusto mo bang sumabay samin kumain?" Naunahan na naman ako ni Eliza! Tsaka may pahabol pa siyang ngiti?!

"Okay lang?" Tumango kaming dalawa. Kahit papaano, may nagawa ako.

Nagpatuloy na kami sa pagkain nang bigla ulit magsalita si Penelope.

"Ako nga pala si...Penelope Onsaro. Pwede niyo akong tawaging Pen, o kayo bahala kung ano. Ano palang pangalan niyong dalawa?"

"Ako si-"

"Eliza Sanchez, siya naman si Angelica Scheyler," inunahan na naman niya ako!

"Ang ganda naman ng pangalan niyo, tsaka pwede iikot niyo ako sa buong school mamayang uwian?"

"O-"

"Okay lang naman. Pwede ba namin isama yung isa pa naming kaibigan?" HA! Naunahan kita ngayon!

"Pwede naman," ngumiti siya! Para sakin!

"Pwede bang malaman yung pangalan niya?" Tumngo kaming dalawa. At nang sasabihin ko na sana yung pangalan niya, biglang may pumasok sa loob ng room.

Napalingon kaming tatlo sa kaniya, at saktong sakto na pinag-uusapan namin siya ngayon, tinuro ko na siya.

"Siya."

"Ha?" nagtatakang sabi niya habang lumalapit samin.

"Gusto daw niya malaman yung pangalan mo," sabi ko.

"Ah okay. Ako pala si Tana Santos, 10 years old, mahilig ako sa badminton, ako kaya yung pambato ng school natin-"

"'Yan ka na naman eh, ayaw mo lang sabihin na Theodosia yung pangalan mo," nag-aaway na naman sila. Sa harap pa talaga ng transferee.

Will My Love Ever Reach?Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon