Ⅵ.1 Next Year Ulit ✓

4 1 0
                                    

Marso na, malapit na ulit magbakasyon. Wala na rin kaming masyadong klase, kaya makikita mo nalang yung iba naming kaklase na nasa labas ng mga room at naghahabulan. Ganun pa rin naman ang mga pangyayare. Ang tanging nagbago lang naman ay-

"Aiza!" kitang nananahimik kami dito, nanggugulo naman dito. At sinong nagsabing pwede mong tawagin si Eliza ng Aiza?!

"Ano ba 'yan, Aaron! Manahimik ka nga kahit isang beses!" rinig kong sigaw ni Eliza. Mukhang naiinis rin siya sa kaniya. Ako naman, wala akong maggawa kundi yumuko.

Ang nangyare ay... nagkaroon daw ng IBANG pakiramdam si Aaron para kay Eliza. Mas mataas pa sa level ng pagiging kaibigan, kundi naramdaman DAW niyang may GUSTO na siya kay Eliza! Put-! Sa simula pa nga lang hindi na sila kaibigan, tapos sabi niya, 'more than friends' daw?!

"Okay ka lang?" napatingala ako bigla nang biglang hawakan ni Pen ang ulo ko. Buti naabot niya, anlayo kaya ng inuupuan niya mula sakin, tapos nasa harapan ko pa siya.

Tumango lang ako sa kaniya at yumuko nalang ulit. Nagtiis ako sa ingay ni Aaron ng ilang oras dahil wala naman klase.

Hanggang hapon, NAGTIIS ako sa ingay ni Aaron. Nakakapagtaka nga kung bakit siya napunta sa likod, eh yung upuan niya naman ay nasa harap.

Nang mag-uwian na, medyo nagtagal ako sa loob ng room para makapagpahinga, kahit wala naman talaga kaming ginawa, ipapahinga ko lang talaga yung mata ko, kanina pa nakamulat. Nauna na ang dalawa na lumabas. Si Tana ngayon, naglalaro na naman sa tapat ng room, si Pen, dumeretso na pauwe. Kukunin ko sana ang bag ko nang bigla naman hilain ni Eliza-ang bag ko. Akala niyo kamay ko 'no?! Akala ko rin!

"Mamaya ka na umuwi, sabay na tayo," at anong naisipan niya at gusto niyang sabay kaming umuwi? Nagbabago na ba siya ng ugali? Gusto niya na ba magpatawad sakin dahil sa lahat ng ginawa niyang panlalait?!

-----

Teka-Teka. Bakit nandito si Aaron? Sa tabi ko?

Hindi ko magawang magreklamo dahil nandito si Aaron at baka awayin ako ni Eliza. Tahimik lang kaming naglakad ni Eliza, habang si Aaron naman... ganun pa rin, madaldal pa rin, napakarami noyang kwento.

Nang magambala si Aaron ng mga magagandang bulaklak at mga aso, mabilis akong bumulong kay Eliza, "Bakit mo ko sinama-" 'di pa ko tapos nang bigla siyanh magsalita.

"Kasi nga, ayokong makasama ng mag-isa 'tong si Aaron!" wow, ang galing niya naman sumigaw habang bumubulong. Specialty niya talaga ang pagsigaw.

"'Wag mong sabihin-" 'di na naman niya ako pinatapos.

"Ihatid mo ko sa bahay, kasabay si Aaron. Ililibre kita bukas kapag ginawa mo 'yun," mabilis kaming tumigil sa pagbulungan nang biglang nagkwento na naman si Aaron. Ugghhh! Nakakasawa na!

Hatid o takas? Hatid o takas? Hatid o libre? Libre ba? O hatid? Pero-Iisa lang 'yun!

"Ayus ka lang, Scheyler?" wala kang kinalaman sa buhay ko, Aaron. 'Wag kang masyadong close. Kung sana pwede lang sabihin sa kaniya ng nasa utak ko.

Tumango ako sa tanong. Nagpatuloy nanaman siya sa mga kwento niya. Pero biglang tumigil yung utak ko nang magtanong siya sakin.

"Bakit ka pala sumusunod samin, Scheyler? Nadaanan na namin yung bahay niyo kanina pa ah," anong isasagot ko?! Eliza!

"A-Ano kasi... simula-Simula elementary magkasama na kami, kaya nakasanayan ko n-na, ihatid siya sa kanila," buti naman at may pagka storyteller ako, akala mo ikaw lang marunong mag storytelling? Ako rin ah!

"Eh, nandito naman ako ah," tol, 'wag mong pinapalalim ang problema. Ikaw ang problema, masyadong lumalalim yung paghuhukay mo!

"Baka kasi magulat ang mama niya na may kasama si Eliza na, lalake," sana sumana, sana gumana!

"Ganun ba? Pero magpapakilala naman na ako ngayon bilang manliligaw niya eh."

Ha?

Nabingi yata ako. Ano daw? Baka may gustong sabihin sakin si-

"Eliza?!" mukhang nagulat rin siya sa sinabi ni Aaron. Nakakamatay pala 'tong mga kwento ni Aaron.

Napaisip ako bigla. Okay na 'to.

"Aaron, naalala ako, may ibinilin pala sakin si nanay, Eliza, mauna na ako ah," sabi ko bago ako tumakbo papunta sa bahay namin.

Ilang segundo akong nagpahinga sa tapat ng bahay bago ako pumasok. Nakakahingal.

"Oh, anong nangyare, Angelica? Ginabi ka yata ngayon?" bago ako sumagot kay nanay, dumeretso muna ako sa kusina at naghanap ng maiinom. Naka ilang inom ako sa baso ng tubig, kaya medyo nabalik ako sa sarili.

"Okay lang ako nay, sinamahan ko lang umuwi si Eliza," sabi ko bago ako umakyat ng hagdan papunta sa kwarto ko.

Ibinaba ko lahat ng gamit ko. Nagpalit ako ng damit para presko. Matagal akong tumapat sa electric fan habang nagpupunas ng katawan. Ang init ng panahon ngayon tapos tumakbo pa ako.

Bakit nga ba ako tumakbo palayo? Teka. Naalala ko na kung bakit. Kasi, ANG INGAY NI AARON AT-

"NAKAKAIRITA-WAH!!" Nagulat ako nang nabato ko yung unan na hawak ko, at mas nagulat ako nang matamaan yung lamp ko. Putek na 'yan, kinakabahan na naman ako!

Tumayo ako para ayusin ang lamp at bumalik sa higaan.

Liligawan? Liligawan?! Kailan pa sila naging close ni Eliza?! 'Di sila bagay sa isa't isa! Walang-wala siya kay Eliza na napaka matalino! Bwiset siya!

"Angelica! Bumaba kana dito para kumain!" bahala siya, ikakain ko na lang 'to. At sana, ligtas na naakuwi si Eliza at walang ibang ginawang masama si Aaron. Okay, chill lang.

Dahan-dahan akong naglakad pababa ng hagdan, pero sa inis na meron pa sa puso ko, 'di ko napigilan ang pagdabog. Bakit ko ginawa 'yun?! Paano kung narinig ni nanay 'yun?! Lagot ako! Tapos tatawanan pa ako ni Tito Loyd!

Pagdating ko sa kusina, buti wala gaanong reaksyon si nanay. Siguro nga, hindi niya ako narinig kanina.

Kumain na ako, inunahan ko ulit si Tito Loyd kumain para sulit. Pagtapos, wala na akong maisip na gawin pa.

Mula sa sofa, narinig ko yung yapak ng paa ni Tito Loyd, siguro kalalabas niya lang ng kwarto. Narinig kong dumeretso siya sa kusina, baka nag-uusap sila nanay.

Nakatulala lang ako sa TV na nasa harap ko, nakaupo sa sofa, nang bigla akong pingutin ni Tito Loyd. Masakit pa rin sa tenga!

"Mag-ayos ka, pupunta tayo ng Void ngayon," Void? 'Yun ba 'yung pwesto nila kuya Daniel? Oo nga pala, inilagay na nila sa harap nila 'yun para madaling mapansin. Sana naman mawala 'tong galit ko.

Will My Love Ever Reach?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon