VI.2 Next Year Ulit ✓

3 0 0
                                        

Nang makarating na kami ng Void(?), dumeretso kami sa loob, at tulad ng inaasahan ko, marami na naman ang bumati sa amin. Nilibre ako ngayon ni Tito Loyd ng dalawang oras, ayus pala kapag ganito, nililibre lagi.

"Laro tayo?" yaya niya sakin.

"Syempre ah!" minsan ko lang naman makalaro si Tito Loyd, sayang naman, 'di ba?

Sinulit ko yung buong oras at buong laro namin. Maraming sumali sa amin, si kuya Daniel si kuya Clark, yung buong tropa, at pati yung ibang bata.

Ngayon lang ulit ako nakapaglaro, dalawang linggo na rin siguro nang huli akong maglaro dito. Ayaw kasi akong payagan ni nanay at ni tito eh. Pero buti naman at pinayagan ako ngayon.

Natapos ang dalawang oras ng paglalaro namin kaya nagpaalam na kami sa mga kagrupo namin at kay kuya Daniel. Nang makasakay kami ng motor, napahinto ako nang tanungin niya ako.

"Galit ka ba?" tumango ako sa kaniya kahit alam kong 'di niya 'to makikita pero alam kong mararamdaman niya 'to.

"'Wag ka mag-alala, Sabado naman bukas," teka may naalala ako.

Sabi ni Eliza kanina, kapag sumama daw ako, ililibre niya ako bukas. Biyernes ngayon, at kung ginawa ko yung pinapagawa niya, na-scam na ko kanina pa. Buti na lang talaga at nakakairita si Aaron. Nakakaawa rin si Eliza, pero malakas naman na siya, kaya niya 'yun, baka nga masapak pa siya 'nun.

"Sabado pala bukas," bulong ko.

Pagdating namin sa bahay, sabay namin binati si nanay at dumeretso sa kaniya-kaniya naming kwarto. Pero, teka, may naramdaman ako, "Lumabas kayo diyan sa kwarto niyo! Kumain na kayo ng haponan!" 'yan na nga si nanay, sumisigaw na naman. 

Masakit na rin naman na yung tiyan ko kaya baba na rin ako. 'Di ko nga namalayan na gutom na ako. 

Pagbaba ko, naabutan kong naka-upo na si Tito Loyd at kumakain. Inunahan na naman niya ako! Tapos kaunti nalang yung natira na ulam, kailangan kong tirahan pa si nanay. Wala akong nagawa kundi kumuha ng kaunting ulam para sakin. Ano kayang nangyare kay Eliza at Aaron?

-----

"Angelica, buksan mo yung pinto, naghuhugas ako ng plato dito," rinig kong sigaw ni nanay mula sa kusina. Tumayo ako mula sa sofa at naglakad papunta ng pinto. At nangyare na naman. Bago ko pa mahawakan ang hawakan ng pinto, naramdaman ko na malapit sa akin 'tong taong nasa kabilang dako ng pinto. Pero teka, bakit parang nangyari na 'to? Narinig ko yung napakalakas na katok sa labas.

"Tao po?" alam ko yung boses na 'yun-si Pen!

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at tama ang hula ko. Si Eliza at si Pen nga, pero ang hindi ko inaasahan ay si Tana na nasa likod ni Pen.

"Anong ginagawa niyo dito?" 'yan ang una kong tanong sa kanila.

"Pwede bang papasukin mo muna kami? Alam kong maghahanda ka pa," mataray na sagot ni Eliza. Sanay naman na ako sa kaniya. Nagbigay ako ng daan sa pinto para makapasok sila.

"Pupunta tayo ngayon ng kabilang bayan," sabi ni Pen nang dumaan siya sa pinto. Sumunod naman si Tana, itinaas niya ang kamay niya at nag-apir kami. 

"Oh, may pupuntahan ba kayo ngayon?" napatingin kaming apat kay nanay na nanggaling sa kusina. Pinaupo ko muna sila bago sumagot si Eliza kay nanay.

Habang nag-uusap silang dalawa, napalingon ako sa kwarto ni Tito Loyd, bigla kasing bumukas yung pinto eh, kagigising niya lang siguro. Nang makalabas siya ng kwarto niya, napansin kong nagmadali siya madali siya papunta sa kusina. Nahiya siguro siya nang makita niya yung mga kasama ok, wahahaha!

"-Huy, Angelica! Maghanda ka na, hinihintay ka nila," oo nga pala.

Mabilis akong umakyat ng hagdan at dali-daling pumunta sa banyo para maligo. Bibilisin ko na lang, nakakahiya naman, tatlo silang naghihintay sa akin sa labas. Namili ako ng damit na babagay sa pupuntahan namin. Pero, wala naman akong ibang damit kundi T-shirt at pantalon.

Pagbaba ko, naabutan ko silang tatlo na kumakain ng tinapay. Lagi ba nag-uuwi si Tito Loyd ng tinapay at tuwing may bisita, 'yan ang merienda?

"Okay na ako," sabi ko sa kanila.

Will My Love Ever Reach?Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon