Ilang minuto kaming nakapila at salamat naman, buhay pa kami nang makasakay kami sa jeep.
"Kuya?" napalingon ako bigla kay Pen. Kuya? Sinong tinutukoy niyang kuya?
Napansin ko rin na napatingin si Eliza sa kaniya. Sinundan ko kung saan nakatingin si Pen, at ngayon alam ko na, na si kuya Daniel yung tinutukoy niya. Bakit 'di ko napansin? Siya yung lalakeng nasa harapan ko kanina habang nasa pila. Pero ang alam ko, mas matangkad pa diyan si kuya Daniel.
"Anong ginagawa mo dito, Pen?" 'yung boses niya! Ganun pa rin, pero bakit parang mas mataas?
'Di ko nalang sila pinansin at mukhang ganun rin yung ginawa ni Eliza. Nakakapagtaka lang, 'di yata ako napansin ni kuya Daniel... Pero ayus lang.
Ilang minuto lang rin ang itinagal ng biyahe at nakababa na kami ng jeep. Nagpaalam na si Pen at si kuya niya. Nagulat naman ako at bigla akong tinignan ng kuya niya, naalala niya na ba na ako yung pamangkin ng kaibigan niya?
"Aalis na ko, Pen. Ingat," nagpaalam kaagad siya!
Dahil doon sa kuya niya, 'di ako maka-isip ng matino. Iniisip ko kasi, kapag nakita niya ako, bigla niya akong babatiin, naisip ko lang 'yun dahil 'yun yung naobserbahan ko sa mga ginagawa niya. O kaya, ibang tao 'yun.
"Pen, kaano-ano mo 'yun?"
"Pinsan ko," pinsan niya nga!
"—Teka, Pen! Sasama ka ba sa amin?" nabigla naman ako si ginawa ni Eliza. Pero oo nga, nakasunod pa rin siya sa amin.
"Dito rin yung daan ko eh. Pupunta ako ng Citrus Mall. Kayo, saan kayo pupunta?"
"Kami rin. Sumabay ka nalang pala samin," at doon, napagtanto namin na sabay-sabay nalang kaming pumunta.
Huminto kami sa paglalakad nang makarating kami ng paradahan ng tricycle papunta ng Citrus Mall. Ang dami nating ka-artehan, pahinto hinto ng biyahe. Okay na 'yun, atlis naka rating.
Hindi katulad ng paghihintay namin sa jeep, nakasakay kaagad kami ng tricycle, mabilis-bilis lang rin naman ang biyahe. Ibinaba kami ng driver sa likod ng mall at grabe, matagal na rin nang huli akong makapunta dito. Nakakapanibago dahil madalas ng nakikita ko, maliliit lang na building, eh ito kasi napakataas. Meron itong tatlong palapag pero napakahaba naman, 'di mo na rin namamalayan na naliligaw ka na sa loob.
"Ano pala yung sadya mo dito, Pen?" tanong ko sa kaniya.
"Bibili ako ng uniform ko, ako yung inutusan ni tita eh," tita niya?
"Ah, 'di ko pa ba nasasabi sa inyo? Hehehe," ang cute niya pa rin tumawa.
"Nandoon sila mama at pala sa dati namin na bahay, pinalipat lang ako dito ng mama ko para mas magandang school daw yung pasukan ko. Kaya nakikitira ako sa tita ko ngayon," kaya pala. Edi kasama niya sila kuya Daniel sa bahay nila?
"Kaya pala," napalingon naman ako kay Eliza nang bigla niyang sabihin 'yun, "Wala ka naman kasing sinasabi samin," 'yan na naman siya. Pero itinawa nalang ni Pen 'yun.
Nang makapasok kami sa loob, bigla akong naging komportable. Napakalamig talaga dito!
Napatingin ako kay Pen. Naalala ko na iba pala yung sadya niya sa amin.
"Hihiwalay ka ba ng daan, Pen?" tanong ni Eliza. Pero umiling lang siya.
"Sasama nalang muna ako sa inyo. Pwede niyo ba ako samahan sa bilihan ng uniform bago umuwi?" 'yun naman pala eh. Masaya kaming tumango sa kaniya ni Eliza. Hindi naman masamang madagdagan ng kasama.
Habang nag-iikot kami, may nakitang bilihan ng damit si Eliza. Grabe talaga, wala naman akong hilig sa mga damit, pero ngayon, nasa loob kami ng shopping district ng mall. Wala naman akong magagawa, masaya na yung dalawa sa pag-iikot sa loob.
Habang nagtitinging sila ng damit at panay ang testing, nag-iikot lang ako ng mag-isa.
Napatigil ako sa harap ng isang dress. Ito yung paboritong kulay ni Eliza, kulay violet. Bagay rin 'to sa kaniya dahil matangkad rin siya at mahaba yung buhok. 'Di gaanong maikli yung palda kaya pwede.
"Angelica! 'Di ka bibili?" si Eliza.
"Ha? Hindi! Ayoko muna," 'di naman ako masyadong gumagamit ng mga bagong damit eh, baka kasi 'di ko lang magamit.
"Sayang naman oh, tignan mo 'yun," napatingin ako sa karton na itinuro niya.
'We are 50% off this May 2007,' 'yan ang nakasulat. Sale nga. Eh ano naman yung mabibili ko dito? Halos lahat ng nandito, namuro short na maikli at dress. Pero, sayang! Kasi ang taas ng discount!
"Teka lang," pagpapaalam ni Eliza bago siya bumalik sa counter.
May naisip ako. Lumapit ako sa violet na dress, at tinignan ang presyo. Teka, mahal! 1,499! Pero, magkano naman kapag 50% off?
Napaisip ako saglit. Nagkalkula ako saglit at 'di ko namalayang hawak ko na yung dress.
"'Yan ba yung bibilihin mo?" nagulat ako nang sumulpot si Pen. Tapos na ba siyang mamili? Tumango ako sa tanong niya.
"Tara na pala, dalihin na natin sa counter," sumunod ako sa kaniya papunta, at naabutan ko si Eliza nagbabayad na sa counter.
Inilapag ko sa counter ang damit at, tama nga yung kalkula ko!
Inabot ko na sa babae yung pera at kinuha yung bag na pinaglagyan ng damit.
Masaya kaming naglakad palabas ng bilihan ng damit nang makaramdam kaming tatlo ng gutom. Syempre, ang deretso namin ay ang Food Court.
Naghanap ako ng mauupuan habang ang dalawa naman ay nagtitingin ng pwedeng bilihan ng pagkain. Buti nalang talaga, 'di gaanong matao ngayon. Saktong upo ko naman ay may tumawag sakin. Sino naman 'to?
"Angelica, anong ginagawa mo dito?" napalingon ako sa kanan ko at doon nakaupo sila Tana kasama yung mga kapatid niya. Ito ba yung sinasabing pupuntahan nila?
'Di ko alam kung babatiin ko ba o ewan, nakakahiya sa mga magulang niya. Baka mamaya sipain nalang ako bigla, martial artist pa naman yung mga magulang niya.
"Sinama ka ba ni Eliza?" tumango ako sa kaniya. Sakto naman at dumating ang dalawa, at mukhang gulat 'tong si Tana nang makita niya si Pen.
"Oh, 'yan ba ang mga kaibigan mo, Tana?" kinabahan ako bigla nang magsalita yung mama niya.
"Opo ma," sagot niya.
"Buti hindi kayo nakukulitan kay Tana," tumawa silang dalawa ng asawa niya. Hindi naman masyado.
"Hindi naman po masyado," inulit niya lang yung nasa isip ko.
"Sumama ka na pala sa kanilang kumain, kulang ng isang tao ang table-for-four nila," teka, pinayagan siya! Napangiti kaming lahat nang sabihin 'yun ng mama niya.
Nagulat naman ako nang biglang dumating yung order namin, eh hindi ko pa nga sinasabi yung i-oorder ko. Mukhang alam na talaga ni Eliza yung pipiliin ko.
Nang matapos kaming kumain, nagpaalam na kami sa pamilya ni Tana at namasyal na kami. Syempre, dumaan na rin kamj sa bilihan ng uniform para kay Pen.
Ilang oras kaming nag-ikot sa loob ng mall. Akala ko 'di na kami mapapagod kalalakad eh, buti naiisipan na rin nilang umuwi. Sumakay na kami ng jeep, gabi na rin kaya marami-rami yung kasama namin sa loob.
Habang nasa loob kami, mas lalo kaming nakaramdam ng init dahil sa sikip. 'Di talaga hahayaan ng konduktor na walang uupo sa sahig eh, kailangan talaga puno, ang init tuloy. Ilang minuto ang lumipas at buti naman at nakababa na rin kami dahil ang init. Pagbaba namin, dumeretsong sumakay si Tana, pero bago pa siya tuluyang umalis, binati niya muna si Eliza. Sumunod naman na sumakay ay si Pen, binati niya na rin siya bago umandar ang sasakyan. Kami ang huling sumakay, at tahimik na lang kami sa loob ng tricycle.
Bago ako bumaba, ibinigay ko sa kaniya yung paper bag at binati siya, "Happy Birthday," 'yan ang huli kong sinabi bago pa umandar ang sasakyan niya. Narinig ko naman mula sa sasakyan ang sigaw niya ng thank you. Ang cute talaga.
BINABASA MO ANG
Will My Love Ever Reach?
Romance(8/5/20) Sundan ang kwento ni Angelica Scheyler kasama ang kaniyang mga kaibigan, kung paano niya pinagdaanan ang high school habang nananatiling may gusto sa kaibigan niyang kapwa niyang babae. Mananatili kaya itong naka tago, o maaamin niya kaya i...