ⅩⅣ. Blank ✓

6 0 0
                                    

Ang kulit naman kasi nila Pen at Tana! Pinilit kami ni Eliza pumunta ng ibang bayan. Alam kong alam nila na may nangyare sa amin. Si Eliza naman, pinipilit na isama si Alex, pero hindi pumayag si Pen dahil ito lang daw ang time namin na magkakasama.

Ngayon, nandito kami sa shopping district ng Citrus Mall, boring na naman. Naalala ko tuloy, dito ko siya binilihan ng damit. 

Napatingin ako kaagad sa pader na may tarpaulin, 'SALE FOR A WEEK, THIS MARCH 2011' mukhang sinadya talaga ni Pen na pumunta ngayon dahil sale na naman. 

Nagtingin ako ng mga T-shirt, sale naman eh. Ang dami na ng mga T-shirt, ang ganda pa ng mga tatak, pastel rin ang kulay ng mga damit. May natagpuan akong dilaw na damit at may tatak na cute na bubuyog, bagay yata 'to kay Pen. Meron pa akong natagpuan, kulay pula na may raketa na maliit sa gitna, bakit parang inaakit yata akong bilihin 'tong mga 'to? At bakit napaka sakto ng mga 'to?

Nag-ikot-ikot lang ako habang panay ang subok nila Pen at Eliza ng mga damit katulad ng lagi nilang ginagawa. Sa bandang dulo ng mga damit, may nakita akong saktong-sakto para kay Eliza. Kulay violet na may puso sa gitna, ang ganda tignan at mukhang sakto lang sa katawan niya ang size, at sa harapan ng damit na 'yun, meron itong kapares pero mas malaki, couple shirt yata 'to. Ibibili ko ba para sa kaniya o hindi?

"Bibili ka, Angelica?" napatingin ako sa kanan ko nang may marinig akong boses, si Tana. Nag-isip ako saglit kung bibilihin ko ba yung mga 'yun, at nakapagdesisyon ako na bibilihin ko na lang. Sayang naman 'di ba?

Kinuha ko ang apat na nakita ko kanina at pumunta sa counter para bayaran ko. Nang ibabot sakin ang paper bag, tinignan ko sa dressing room kung tapos na sila, pero naabutan ko lang sila doon na palabas na, akala ko naman maghihintay ulit ako ng matagal.

"Ano 'yang binili mo?" tanong sakin ni Pen.

"Damit," sagot ko. Ano pa ba, 'di ba? Nasa shopping district kami at nasa loob ng isang clothing store.

Nagbayad na rin sila sa counter, mukhang masaya na si Tana dahil natapos rin. Sumunod kaming pumunta sa sikat na fast food, at ayoko na rin pumunta sa restaurant na pinuntahan namin dati, baka makita na naman namin si Kuya Daniel. Nang makahanap kami ng upuan, inunahan ako ni Pen sa tabi ni Tana. Sinasadya ba talaga nilang magtabi kami?!

"Anong oorderin mo, Eliza?" pagsimula ko ng pag-uusap, 'di naman pwedeng tahimik na lang kami lagi.

"Yung manok, ikaw?" sana naman magpatuloy ng maayos 'tong pag-uusap namin.

"Ah, ganun rin. Ako na lang pala ang pipila, parehas naman pala," inabot niya na sakin ang pera bago ako tumayo at pumila. Yess! Sana naman kausapin niya na ako ng maayos. Naalis na ba niya sa utak niya yung pinag-usapan namin dati?

Bumalik ako sa table namin nang matapos akong mag-order. Si Tana naman ang nag-order para sa kanila ni Pen. Tahimik kaming naghintay ng order-kami lang pala ni Eliza, dahil si Tana at Pen, nag-iingay na naman.

Pagdating ng pagkain namin, nagsimula na kaming kumain, natahimik na rin ang dalawa sa tapat namin, nagutom rin siguro sila. Kaagad kaming natapos ni Eliza sa pagkain at hinintay na lang namin ang dalawa na matapos.

Nang lumabas kami, nagyaya si Tana na pumunta sa Storyland. Dederetso sana ako sa xbox nang hilain ako ni Eliza palayo, nagtaka ako kaagad dahil sa ginawa niya. 

"Bakit?"

"Doon tayo sa iba naman, lagi na lang diyan," napangiti na lang ako sa kaniya. Hinila niya ako sa iba't ibang mga laro. Pinalaro niya ako ng 'Claw' yata ang tawag, 'di ko rin alam eh, ngayon lang ako naglaro 'nun, dahil doon, hirap na hirap na ako sa buhay ko. Pinatigil nga lang niya ako doon kasi baka daw maubos yung pera ko, tama naman siya, dahil kailangan ko pa ng pamasahe pauwi. Nang manawa siya, umupo kaming dalawa sa bench sa tapat ng Storyland.

Will My Love Ever Reach?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon