"Tol..." Nanginginig pa yung mga kamay ko dahil sa laro.
"Ang angas," para yata akong magkakasakit sa puso at kinakabahan pa rin ako hanggang ngayon! Tsaka anong pinagsasabi nilang maangas?!
"Loyd! Nakita mo na ba yung resulta ng laro nila?" rinig kong sigaw ng isang lalake. 'Wag na kasi! Isisigaw pa ni kuya.
"Ano ba 'yun—!"
Ah. Ansakit. Bakit bigla bigla naman kasing nagpapatong ng kamay 'tong si Tito Loyd? At bakit siya magugulat? Talo nga ako eh.
Napatingala ako para makita yung ekspresyon ni tito, kaso pagkatingala naman, nakatingin rin siya sakin. Teka, bakit para siyang na-iiyak?! Ganun ba kalala yung score ko?!
"Angelica, gusto mo bang ipagpatuloy yung paglalaro mo?" galit ba si tito? Ayaw niya ba talaga akong maglaro dito?
"Ayusin mo nga yung mga salita mo, Loyd. Natatakot yung bata," sabat naman ng sabat 'tong si kuya Daniel.
Nagulat nalang ako dahil nanahimik na naman sila. Ano bang problema?! Jusko, ako yung kinakabahan!
"Tol, gusto mong sumali sa grupo namin?!" grupo? Anong pinagsasabi niya? Masaya ba siya dahil natalo niya ako? Frat ba yung grupo na sinasabi nila? 'Wag naman po! 'Di pa ko nagsisimula ng highschool, tapos ganito na!
Tinitigan ko si Tito Loyd kung pipigilan niya ako, pero hindi! Payag ba siya sa ganito?!
"Ano? Sasali ka? Kapag sumali ka, may discount ka dito sa computer shop nila Daniel!" Computer shop? Iisa lang ba yun at internet cafe? Tsaka 'di naman ako laging nandito!
"S-Sige po..."
…
Bakit ako pumayag?!?! Ngayon, nagsisiyahan naman sila. Anong masaya kapag sumali ako? Talo nga ako eh!
"Alam mo kung bakit sila masaya?" ito na, sasabihin na ni kuya Daniel yung gusto kong malaman!
"Kasi ikaw ang pinakaunang bata dito na muntik tumalo kay Clark, tignan mo. Dalawang puntos lang yung pagitan niyo," teka achievement na ba 'to?
"Tsaka 'wag ka mag-alala. Grupo ng mga gamer yun, ligtas 'yun," huling tanong ko, mindreader ba 'tong si kuya Daniel? Kasi biglaan nalang nagsasalita.
"Anong pangalan mo, idol?" Idol? Bakit Idol?
"Angelica po," narinig ba nila? Parang pabulong ko lang yata sinabi 'yun.
"Angel? Ang ganda naman ng pangalan mo!" Angelica po! Isisigaw ko sana nang naisip kong nakakahiya pala gawin 'yun.
"Sa susunod ulit, idol!" bakit nga ba idol yung tawag niya sakin?!
"Hoy, itigil niyo na 'yan! Malapit na maggabi, uuwi na kami ni Angelica!" parang dati, ayaw ko pa umuwi mula dito, pero ngayon naman, nagpapasalamat na akong umuwi.
Wala akong imik na sumunod sa likod niya.
"Loyd, tapos mo na ba yung pinapagawa ko?" oo nga pala 'no, yung trabaho ni Tito Loyd dito.
"Tapos na," sabi niya bago kami tuluyang lumabas.
-----
"Angelica!"
"Angelica! Tumayo ka na diyan!" si nanay ba 'yun? Eh ang aga pa, wala namang pasok.
"Nandito ang kaklase mo! Nakakahiya, tumayo ka na diyan!" sino daw?! Wala naman akong inimbitahan ah!
Nagmadali akong tumayo sa higaan at nag-ayos ng buhok at damit. Dali-dali akong tumakbo pababa ng hagdaan at buti naman, ligtas akong nakababa. Pero sino bang—
"Eliza—"
"Angelica! 'Wag ka maingay," si nanay naman oh!
Tumabi muna ako sa kaniya bago ako nagsalita, "Bakit ka pala nandito?"
"Wala lang. Masama? Isasama lang sana kitang pumunta ng mall," mall? Malayo yata 'yun samin.
"Sige ba!" syempre, minsan na nga lang ako lumabas ng bahay eh. Dahil nga 'dun, sinama ako ng tito ko sa trabaho niya kahapon.
"Saan kayo pupunta?" oo nga pala, kailangan ko muna magpaalam kay nanay.
"Sa Citrus Mall po," sagot ni Eliza. Sana naman payagan kami.
"Malayo-layo 'yun ah. Sige pala. Maligo ka na Angelica, bilisan mo at hinihintay ka ng kaibigan mo," 'di ko inaasahan 'yun, pero okay na rin!
Ginawa ko na lahat ng dapat kong gawin.Pagtapos ay lumabas na ako ng kwarto at naabutan ko siyang kumakain ng tinapay. Siguro binigyan siya ni nanay.
"Handa na ako."
Pinaubos ko muna sa kaniya yung kinakain niya bago kami umalis. Nagpaalam kami kay nanay nang lumabas kami.
Buti naman at may pera pa ako.
"Tayo lang ba?" tanong ko sa kaniya, 'di kasi ako sanay ng walang maingay, eh si Tana lang naman ang maingay sa amin.
"Oo. 'Di pinayagan si Tana ng mama niya, may pupuntahan daw sila kasama yung buong pamilya," aba, ngayon lang yata siya 'di pinayagan. Saan naman kaya sila pupunta?
"Nakakapanibago lang, siya lang naman yung ka-away mo kaya maingay eh, hahahaha!" totoo naman.
"Gusto mo, awayin kita?" weh? Seryoso yung mukha niya nung sinabi niya 'yun.
"Joke lang naman! Kaya naman natin mag-ingay ng dalawa lang tayo," kinabahan naman ako sa sinabi niya kanina.
Saktong-sakto naman oh, may tricycle na parating. Pinara namin ito at sumakay. Akala ko mapapahaba yung paglalakad namin, buti naman at may sasakyan na dumaan.
"Ito oh," inabot ko sa kaniya yung bayad ko, pero ayaw niyang tanggapin. Marami yata siyang pera ngayon.
"Ako nalang magbabayad," tumango nalang ako sa kaniya. Habang nakatulala naman ako sa daan, biglaan naman huminto yung sasakyan. Sakto pa sa harap ng computer shop nila kuya Daniel. May sumakay ba?
"Sino naman kaya yung sumakay?" pabulong kong sabi.
Naghintay kami ng ilang minuto bago kami ibaba ng tricycle sa paradahan ng jeep. Buti naman at hindi mahaba yung pila ngayon. Bumaba na ako habang nagbabayad si Eliza at ang hindi ko pa inaasahan na mangyayare ay, si Pen nandito.
"Eliza, ikaw ba 'yan?" teka, kung huminto yung sasakyan kanina sa computer shop...
"Oh, ikaw pala yung nakasakay namin, Pen?" edi, doon rin siya nakatira?
"Pen, kaano-ano mo si kuya Daniel?"— bakit sinabi ko sa kaniya 'yun?! 'Di ko sinasadya!
"Kilala mo siya? Pinsan ko 'yun," pinsan...
"Doon ka rin ba nakatira sa tabi ng computer shop?" tanong ko habang naglalakad sa pila. At tumango siya sakin!
Ilang taon na kaming magkaibigan? Dalawa. Wala akong alam tungkol sa kaniya, pangalan niya lang at mga hilig niya. 'Yun lang. Magkaibigan ba talaga kami?
"Angelica, bilisan mo, 'yun na yung pila!" Hala, baka nga mag-away kami ni Eliza! Sumunod na ako sa lalakeng nasa harap ko, baka mas lalong magalit si Eliza.
BINABASA MO ANG
Will My Love Ever Reach?
Romance(8/5/20) Sundan ang kwento ni Angelica Scheyler kasama ang kaniyang mga kaibigan, kung paano niya pinagdaanan ang high school habang nananatiling may gusto sa kaibigan niyang kapwa niyang babae. Mananatili kaya itong naka tago, o maaamin niya kaya i...
