Ⅺ. Project ✓

2 0 0
                                        

Tapos na ang Christmas party namin, ang New Year, ang Chinese New Year. Ang hindi na lang tapos ay ang school year, at mga proyekto. Nakakamatay naman kasi!

Buti naman at tapos na ang klase ngayon, kukunin ko sana yung bag ko para umuwi, kaya lang, may humila sakin.

Agad akong tumingin sa likod ko—sino pa bang nasa likod ko? Si Pen lang naman eh.

"Bakit?"

"Nalimutan mo ba? Gagawa tayo ng project ngayon," ito na nga ang sinasabi ko. May project pa! Malapit na rin ang fourth periodical test, sabay-sabay pa ang mga pangyayare!

Bumalik ako sa pag-upo dahil sa sinabi ni Pen. Sino pa ba yung hinihintay namin?

"Pen, nandito na sila!" nagulat ako dahil sa lakas ng boses ni Tana. Kapapasok niya lang kasama ang iba naming kaklase.

"Para saan ba 'tong project na 'to?" inantok kasi ako nung araw na nagpaliwanag ang guro namin tungkol sa proyekto.

"'Di ka talaga nakikinig minsan, 'no? Para sa Math natin—"

"Math? Madali lang pala 'yan!" basta math, okay lang.

"Bugok! Alam mo ba kung tungkol saan?" 'yan na naman, nagagalit na naman siya. Pero... tungkol saan ba?

"Isang—"

"Manahimik ka muna, Eliza. Ako na ang magsasabi," teka ano daw? Anong nangyare? binara ba ni Pen si Eliza? Mukhang effective, nanahimik siya eh.

"Isang daan na halimbawa, kahit ano basta tungkol daw sa trigonometry, ikaw ang tutulong samin dahil ikaw ang alam kong magaling sa math," ako na naman?!

"B-Bakit ako?! Si Eliza—"

"Nataasan ko pa si Eliza sa quiz natin sa trigonometry dahil sa baba ng score niya," teka totoo 'yun?!

"Oy, Pen! Paano mo nalaman!" Saglit na nagbalikan ng mga sagot 'tong dalawa hanggang matapos sila. Minsan talaga, naiisip ko kung bipolar talaga si Eliza dahil sa pagpalit niya ng nga ugali, o baka naman may Schizophrenia siya. Meron kasing araw na mabait sakin si Eliza, meron namang araw na galit na galit siya sakin.

Nang matapos ang pagtatalo nilang dalawa ay dumeretso na kami sa paglalakad papuntang Void—Hindi pala 'dun, sa bahay nila Pen. Walo kami ngayon sa isang grupo, ako, si Pen, Eliza, Tana, Alex, Lauren, Aaron, at isang lalakeng 'di ko kilala. Nalimutan ko na rin yung pangalan niya, anong klaseng kaklase ako?! Ang naalala ko lang sa lalakeng 'yun, kasama namin siya na naglalaro sa Void.

Nang makarating kami, muntik akong dumeretso sa loob ng computer shop, kaya lang pinigilan ako ni Eliza at hinila ako. Ang huling beses na nakapasok ako sa bahay nila Pen ay noong birthday niya, pero lagi akong nakakapasok sa computer shop nila.

Pinapasok niya kami sa kwarto niya at grabe, para kaming sa bahay ng bubuyog, dilaw at itim ang kulay ng buong kwarto niya. Gray ang pader, dilaw ang kurtina, dilaw at itim ang kulay ng higaan. Ganun ba talaga siya ka-adik sa dilaw? Lumabas muna siya para kumuha ng gamit na gagamitin namin sa paggawa.

Umupo lang kami sa sahig, nakakahiya naman dahil baka malukot ang sapin sa higaan, nakakahiya naman. Hinawakan ko ang sahig at kaagad akong napatingin dahil sa lambot na naramdaman ko, may rug pala, kays pala parang 'di malamig ang sahig.

Bumalik si Pen na may dalang mga papel, lapis, marker at ilang piraso ng manila paper. Anong klaseng trabaho ba yung ibinigay samin ni madam?

"Eliza at Tana, magtulungan kayo sa pag-isip ng mga worded na tanong. Alex at Lauren, hatiin niyo sa kalahati ang mga manila paper," aba, pwede na maging diktador na malambot ang boses si Pen. Kahit ganun ang boses niya, 'di pa rin maiiwasan na makaramdam ng takot. 'Di ko alam kung bakit.

Will My Love Ever Reach?Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon