EPILOGUE ✓

9 0 0
                                    

Nagkakape ako ngayon sa condo ko habang nakatingin sa bintana, oh 'di ba? Dramatic!

Napalingon naman ako sa phone ko na nasa higaan na panay ang ilaw, kaagad ko naman itong tinignan. Nang buksan ko, may nagchat lang pala sakin.

Penelope Onsaro:

Angelica, 'di mo naman nalimutan 'di ba?

Anong ibigsabihin niyang hindi nalimutan?

Huy.

Teka, parang late yata naka recieve 'tong phone ko? Nakalagay sa oras na sinend niya, tatlong oras na mula ngayon.

Kaagad akong nagreply sa kaniya, buti naman at online.

Ano 'yun?

Saglit kong pinatay ang phone ko at ibinaba ito. Hihigop na sana ako ng kape nang bigla naman siyang tumawag. Anong problema ni Pen ngayon?

"Hello."

"Bakit?" tanong ko.

"Nalimutan mo ba na ngayon ang reunion nating magkakaibigan?"

Ngayon, alam ko na ang ibigsabihin ni Pen. At halata pa lang sa boses at sa sinasabi niya, galit na siya.

"Sorry na, may ginawa lang ako kagabi—"

"Nagpupuyat ka na naman yata sa CSGO?" 'yan na naman siya. Masama bang maglaro paminsan-minsan? Nakakapagod kasing may biglang tatawag sayo para magpaturo o kaya magpagawa eh. Masarap rin makawala sa schedule minsan. 'Di tuloy ako makasagot ngayon kay Pen.

"Jusko, maghanda ka na. Isang oras pa ang biyahe mula diyan. Magkikita-kita dito sa...uh...Jinkai Cafe, tama ba?" nag-oo ako sa kaniya saka nagpaalam. Pinatay ko na ang phone ko at itinabi na ang mug na walang laman.

"Oh, sinong kausap mo?" napalingon ako sa likod ko, si mama lang pala.

"Kaibigan ko, ma. Reunion pala namin ngayon," napatawa na lang ako sa sinabi ko. Malilimutin na talaga ako.

"Bakit 'di ka pa maghanda?" si mama naman eh, alam niyang makikipag kita ako sa mga katrabaho ko para mag brainstorming.

"Pero yung—"

"Hayaan mo sila, ako na makikiusap." napangiti na lang ako. Naalala ko tuloy na takot pala sila kay mama.

"Pwede bang doon muna ako magstay kanila nanay? Kahit tatlong araw lang," pagpapaalam ko. Baka mamaya magulat na lang siya at 'di na ko umuwi. Tsaka okay lang kahit di ako makapunta sa meet up, pwede naman sa discord.

Kaagad akong naghanda ng sarili. Nagdala rin ako ng medyo malaking bag para maglagay ng ibang damit, alam ko naman na may natira pa doon eh, 'di ko rin alam kung bakit may naiwan pero nagpapasalamat ako dahil bawas sa bitbit.

Nagpaalam na ako kay mama at lumabas ng building kung saan ang condo namin. Nakasakay rin ako ng bus ng ilang saglit ng paghihintay, nakapagbayad na rin ako.

Tinignan ko ang phone ko at grabe, punong-puno na ng mga message. Bilisan ko na daw at nandoon na sila, 'di ko naman mabibilisan ang andar ng bus, 'di ba? Game dev ako, hindi bus driver.

Mukhang makakapasok yata ako ng cafe na bitbit 'tong mga bag ko, nagmamadali na sila eh. Habang nasa biyahe, panay ang contact sakin ni Pen, ano bang problema?! Kailangan ko bang lumipad?!

Salamat sa Diyos at nakababa na ako ng bus. Kaagad naman akong sumakay ng tricycle papunta ng cafe na 'yun, sana 'di ako mabatukan pagdating ko doon.

Dali-dali kong inabot ang bayad sa driver at pumasok kaagad sa cafe. Nakakapagtaka dahil mukha pa rin bago 'tong cafe na 'to, tapos si Aomi, parang 'di rin siya nagbago.

Will My Love Ever Reach?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon