Bakasyon na! At naka graduate na rin kami mula sa elementarya. Ang kailangan naming lahat ngayon ay pahinga!
"Huy, bata! Mag-ayos ka, may pupuntahan tayo," ano namang problema ng tito kong 'to? Biglang pumapasok sa kwarto ko. 'Di niya pa yata alam pangalan ko at lagi akong tinawatag na 'huy'.
"Lagot ka kay nanay," 'yan kaagad ang sinabi ko sa kaniya.
"Nagpaalam na ako. Kaya magbihis ka na ngayon para maaga tayo makapunta ngayon," ano ba 'tong pupuntahan namin?
Magtatanong pa sana ako sa kaniya nang bigla namang umalis. Nice talking.
Dumeretso ako sa drawer ko at naghanap ng damit na maisusuot. 'Di naman siguro malaking problema ang pagsuot ng pantalon na may kapares na itim na t-shirt, 'di ba? Wala na kayong magagawa, 'yun na yung susuutin ko.
Mabilis lang naman akong nagbihis, buti nalang talaga naligo ako ng maaga ngayon. Pagkababa ko, naabutan kong naka tayo lang si tito sa tapat ng pinto. Nang makita niya ako, sumenyas siya na lumabas na ako para sumakay ng motor. Pero bago 'yun, hinanap ko muna si nanay at nagpaalam sa kaniya. Sakto naman ang paglabas ko, sumalubong sakin yung aso! Akala ko naman, magando na yung araw ko! Mabilis akong umiwas sa aso at tumakbo papunta sa motor ni Tito Loyd at umangkas sa kaniya. Buti naman at hindi sumunod samin nang makaandar kami.
Nakakapanibago dahil tahimik lang kami habang nasa motor, madalas kasi nagkukwentuhan lang kami kapag walang maggawa o masabi, pero ngayon mukhang seryoso siya ngayon.
Nakatulala lang ako sa kalangitan nang biglang huminto naman yung motor, buti naman at dahan-dahan lang. Nagulat ako dahil mabilis akong pinababa ni Tito Loyd, ano ba 'tong lugar na-
"Matagal mo na 'tong gustong puntahan, 'di ba?" tama ka diyan! Tama ka diyan!
'Di ako makasagot sa kaniya dahil sa pagkasabog ng utak ko ngayon. Lahat ng mga alala ko dito sa lugar na 'to! Kahit ilang minuto lang, biglang sumabog! Tsaka 2005 pa yata yung huli kong pagpunta dito! Tapos ngayon...
"'Di ka yata sumasagot. Bilib ka na naman sa tito mo, 'no?" 'yan na naman siya, nagyayabang na naman, pero wala akong pakialam ngayon diyan dahil, nandito na ako!
Nagsimula na akong naglakad palapit sa pinto kaso bigla akong may naalala noong nakaraang dlawang taon...
"Pumasok ka diyan!" -
"-Teka!" huli na bago ako magreact. Nasa loob na ako. Napatulala ako sa itsura. Ganun pa rin naman pero mas nadagdagan ang mga PC, dumami rin yung mga palamuti.
"Oh, Loyd. Sakto yung dating mo, may nasira na naman kasing PC eh," -siya! Siya yung lalake-yung may ari nitong lugar na 'to!
"Teka, siya ba yung pamangkin mo? Tumangkad na siya," napansin niya ako, tapos naaalala niya pa!
Napalingon ako kay Tito Loyd na tumango sa kaniya, "Palalaruin ko siya dito ngayon habang nag-aayos ako, lagi lang kasing nasa bahay, sayang naman yung bakasyon," maglalaro ulit ako?! Pero, matagal na rin simula nang makagamit ako ng ganiyan, tapos 'di pa ko pinapahiram ni Tito Loyd ng netbook niya.
"Sige, tsaka, pwede na ba siyang palaruin ng CS?" CS?
"Nasa edad naman na siya, pwede na 'yan. Turuan niyo nalang. Basta 'wag niyo lang gawing adik," teka ano ba yung CS?!
Ano na bang nangyayare? Bakit bigla akong dinala ng lalake sa isang PC? Palalaruin niya na ba ako? Pero ano ba yung CS?!
"'Wag ka mag-alala sa oras mo, libre 'yan ngayon," napalingon ako bigla sa lalake. Libre lang?
"Kilala mo ba ako?" anong klaseng tanong 'yan? Syempre hindi! Pero kailangan kong magmukhang mabait kaya umiling lang ako sa kaniya.
"Ako pala si Daniel Onsaro, tropa ako ng tito mo, at ako rin ang pansamantalang may ari ng net cafe na 'to. 'Wag ka matakot sakin, wala akong hilig sa bata," nasa isip niya ba 'yun sa buong buhay niya?
"Ikaw naman si...?" ah, oo nga pala, ako pa.
"A-Ako si Angelica Scheyler, magsisimula palang po ako ng high school ngayong taon," pagpapakilala ko.
"Ang ganda naman ng pangalan mo," ang lambot talaga ng boses niya pero yung sinasabi niya, "kumpara sa pangalan ng tito mo," parang nasa skrip ng demonyo.
"Gusto mo ba malaman yung sinasabi sayo ng tito mo?" sinasabi? Ano naman yung sasabihin niya sakin? Tumango nalang ako kahit 'di ko alam yung sinasabi niya.
"Yung Counter Strike, o yung tinatawag natin na CS, ay isang laro na..." patuloy siyang nagkwento sakin at 'di ko inaasahang masusundan ko yung mga pinagsasabi niya, minsan lang 'yun mangyari sakin, tapos yung paligid pa, napaka-ingay.
Nagsimula siyang turuan ako, at sobrang weird... Bigla bigla naman kasing bumubulong sakin eh! Pwede naman niyang sabihin ng maayos!
Ilang oras kaming nandoon at grabe, madami akong natutunan ngayon. Napalingon naman ako sa kabilang sulok at doon, nakita kong nag-aayos si Tito Loyd ng PC.
Nagulat ako nang biglang may mga pumasok na mga lalake sa loob. Mukha rin silang siga habang naglalakad.
"Loyd, laro tayo!" kilala nila yung tito ko!
"Hindi muna, tignan mo naman yung ginagawa ko, gusto mo, palit tayo," mataray na naman yung tito ko.
"'Yan ka na naman eh. Paano ka makapag-enjoy niyan, tol?"
"Edi, 'tong pamangkin niya yung papalit sa kaniya," teka ako?! Ano bang naiisip ng lalakeng-ni kuya Daniel?!
"Teka tol, 'yan? Mukha bang pamangkin ni Loyd 'yan? Eh kapatid mo 'yan!" naka tingin ba sila sakin? Parang hindi naman. Mukhang doon sila nakatingin sa lalakeng katabi ko. Pero okay lang naman, ayos lang sakin.
"Hindi 'yan, yung babaeng katabi niya," 'yan na nga yung sinasabi ko. Nakaturo na yung daliri nila sakin.
"Ayusin niyo naman yung pakikipag-usap niyo. Natatakot yung bata," kahit isang beses lang, kuya Daniel, natulungan mo ako. Tsaka paano kung nag-away si Tito Loyd at ang lalake? Lagot na naman siya kay nanay.
"Ano, bata? Laro tayo?" nakatitig lang ako sa lalake. Anong gagawin ko?! Yung tingin niya, parang papatayin ako eh!
"Sige pala, game," teka-'di pa ako tumatango! Tsaka tito Loyd? Kuya Daniel? Tulong naman!
-----
BINABASA MO ANG
Will My Love Ever Reach?
Romance(8/5/20) Sundan ang kwento ni Angelica Scheyler kasama ang kaniyang mga kaibigan, kung paano niya pinagdaanan ang high school habang nananatiling may gusto sa kaibigan niyang kapwa niyang babae. Mananatili kaya itong naka tago, o maaamin niya kaya i...