Special Chapter. Trois

6 1 0
                                    

Pagkamulat ko, nagulat ako dahil sa harapan ko ay ang sarili ko. Matagal akong nakatitig dito bago ko inikot ang paningin ko sa buong lugar. Nasa CR lang pala ako. Pero bakit ako nandito? At nasa harapan pa talaga ako ng salamin. Ang pagkakaalam ko ay natulog ako sa higaan, paano ako napunta dito? Sleep walking?

Psssttt....

Bigla akong kinilabutan nang marinig ko 'yun. 'Di ako makakibo dahil baka kapag tinignan ko ang nasa likod ko, may tao. Kinakabahan ako. Nakayuko lang ako at naghintay ng oras, 'di ko alam ang gagawin ko, at patuloy ang pag-pssttt...

Nang 'di na mapakali ang mata ko, 'di ko sinasadyang tumingin sa salamin. Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang sarili ko na gumalaw ang bibig. Pero 'di ko ginagawa 'yun!

Psssttt...

'Yan na naman! At sabay ang paggalaw ng bibig sa salamin sa pagtunog. Siya nga ang tumatawag! Kahit anong gawin ko, 'di pa rin ako makagalaw at 'di ko alam kung bakit. Dahil ba sa takot?

'Angelica...'

Nagsimula na siyang magsalita. Ang repleksyon ko...

'Halika, sumama ka sakin...'

Nagulat ako dahil biglang ilahad niya ang kamay niya. At ngayon, sigurado akong hindi ako 'yan, dahil kahit anong gawin ko at tignan ang kamay ko, hindi nakalahad ang akin.

Nawala ang kaba ko, 'di ko alam kung bakit pero inabot ko ang kamay ko. Nakakapagtaka, bakit ko inaabot ang kamay ko sa multo!?!? Wala akong nagawa kundi pumikit nang maramdaman kong nahihila na ako papasok sa loob ng salamin. Nanatili akong naka pikit hanggang sa maramdaman ko na may aapakan na ako.

'Dumilat ka na.'

Sabi niya kaya iminulat ko na ang mga mata ko, at bigla akong nanibago sa lugar. Para kaming nasa space! Pero may tinatapakan na sahig, at mukhang nasa loob lang talaga kami ng isang kwarto na ang disenyo ay ang kalawakan.

Sa harapan ko naman ay isang babae na nakakulay violet na dress at napakaganda niya, 'di ako makapaniwala na iniisip ko 'to pero, mas maganda siya kay Eliza, at mas maganda rin siya kay mama.

'Angelica.'

Ano bang nangyayare at paano 'to nangyare na kaharap ko siya ngayon? Isa lang ba 'tong panaginip?

Bigla akong kinabahan nang magsalita ulit siya.

'Lahat ng tao ay may nagugustuhan at alam kong ikaw rin.'

Anong gusto niyang iparating?

'Sino ba ang taong ito?'

Sasagutin ko ba siya? Mukhang wala akong ibang pagpipilian kundi ito.

"S-Si Eliza," nahihiya pa rin akong sabihin.

'At umamin ka na sa kaniya. Dahil gusto mong magpatuloy sa buhay. Pero sa tingin mo ba ay tama 'yun? Makakapagpatuloy ka ba? '

Bigla akong naguluhan. Nagtataka ako, bakit niya sinasabi sa akin 'to ngayon?

'Dahil lang umamin ka na sa kaniya ay mawawala na ang nararamdaman mo para sa kaniya. Hindi ganoon ang buhay.'

Tama... naman siya. Nagpatuloy ako sa pakikinig sa kaniya.

'Kapag mahal mo, ipaglaban mo, ika nga nila.'

"Pero, masama na ibigin ko siya. Parehas kaming-"

'Bakit ako? Isa akong espirito pero nagmahal ako ng isang mortal!'

Mortal at espirito?

'Halika, sundan mo ako,' nagulat ako dahil bigla siyang naglakad paderetso. Napansin ko, biglang nagbago ang hugis ng kwarto, para na kaming naglalakad sa mahabang hallway. Nang huminto siya, tinignan ko ang bagay na nasa harapan niya at nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Isang malaking screen, at ipinapakita nito ang mga memorya ko, kasama si Eliza.

'Kung bibigyan kita ng pagkakataon na bumalik sa oras, papayag ka ba na balikan ang mga ala-ala?'

Biglang nag-iba ang nilalaman ng screen. Makikita mo sa loob nito ang sampung preview ng mga video. Anong video ba 'tong mga 'to?

'Ito ang mga ala-ala mo na magkakasama kayo ni Eliza.'

'UNA: Ang una niyong pagkikita.'
'PANGALAWA: Ang pasukan noong inyong ika-limang baitang.'
'PANGATLO: Ang ika-12 na kaarawan ni Eliza.'
'PANG-APAT: Ang araw na nagkaroon ng nararamdaman si Eliza para kay Alexander.'
'PANGLIMA: Unang Fieldtrip.'
'PANG-ANIM: Simula ng huling taon sa highschool.'
'PANGPITO: Graduation.'
'At huling huli.'
'PANGWALO: Ang reunion niyo.'

Biglang nanakit ang dibdib ko, na parang hinihigpitan ang tali na nakapaligid sa puso ko—wait, SHIT.

Napatingin ako sa dalawa 'kong kamay. Lumalabo na nga. Lumuluha na naman ako.Tama na, ayoko na maalala lahat nang 'yun. Ayoko na, ayoko na!

'Kung nais mong bumalik sa nakaraan, tutulungan kita para makuha ang puso niya, kung hindi, ay hinding-hindi mo na ako makikita.'

Napahinto ako sa pagluha nang bigla niyang hinawakan ang dalawa kong kamay, at dahil nakalutang siya ngayon ay magkapantay na kami.

Kung bibigyan ba ako ng pagkakataon, tatanggapin ko ba? 'Yun ang tanong na nasa isip ko ngayon.

Matagal siyang nakatayo sa harapan ko, nag-iisip ng balak kong gawin.

'Nakapag-isip ka na ba?'

Dahan-dahan akong tumango at sinabi a kaniya ang napagdesisyunan ko.

...

-----

Pagkamulat ko ay nasa kwarto pa rin ako. Mukhang panaginip lang lahat ng iyon. Pero nakakapagtaka, dahil naaalala ko pa ng malinaw ang panaginip ko. Totoo kaya 'yun?

END

Will My Love Ever Reach?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon