IV.3 Simula ✓

2 0 0
                                    

Pagdating namin sa bahay, buti naman at walang sumalubong na aso. At ngayon naman, naabutan namin si nanay na nakaupo lang sa sofa. Mukhang nanonood siya ng balita.

"Nandito na kami, nay," bati namin bago pumasok sa kaniya-kaniya naming kwarto. Mukhang pagod yata ngayon si Tito Loyd. Siguro nanggaling siya sa computer shop para mag-ayos ng sirang PC na naman.

"Anong ulam ngayon, nay?" tanong ko nang makababa ako ng hagdan.

"Chicken Fillet, naka sandok na rin yung kanin niyong dalawa," maaga yata naka luto si nanay ngayon.

"Nagpadala pala si mama mo ng allowance mo ngayong buwan, inilagay ko doon sa isang drawer mo sa loob ng kwarto mo," banggit ni nanay habang nakangiti.

Nagpasalamat ako sa kaniya bago dumeretso sa hapag kainan para naghapunan. Amoy pa lang busog na ko! Ang sarap talaga ng chicken fillet!

Masaya akong kumakain, sino bang hindi, di ba? Lalo na kung yung paborito mong pagkain yung nakahain. Susulitin ko na habang hindi pa lumalabas si Tito Loyd ng kwarto niya. Kapag kasabay ko kasi siya minsan, mas marami yung ulam niya kaysa sa akin. 

Saktong natapos akong kumain, lumabas naman si Tito Loyd. Sa nilutong sampung piraso, ang natira ay lima, eh hindi niya naman pwedeng ubusin lahat ng 'yan dahil kakain pa si nanay. 

Nang itabi ko na yung pinagkainan ko, may kumatok sa pinto namin. Sino naman kaya 'to? Baka naman nagbebenta lang ng kung ano-ano? Baka lang naman.

Dahan-dahan kong binuksan yung pinto at akala ko naman kung sino na, si Eliza lang pala, "Uy, hello..?" pasensya na, 'di ko alam kung paano ko siya babatiin eh.

"Naiwan mo yung baunan mo sa ilalim ng upuan mo sa room. Magpasalamat ka dahil kung wala ako 'dun, pinagtripan na ng mga kaklase natin 'yun," hmm... tama naman siya.

"Edi, thank you," mabilis kong sabi.

"Sige. Bye-bye," ang bilis naman! Bago siya umalis, pinigilan ko siya kaagad.

"-Teka! Joke lang 'yun! Ayaw mo bang pumasok muna dito sa loob?" loko talaga 'tong babaeng 'to. Tsaka nakakahiya naman papuntahin yung kaibigan mo tapos paalisin mo rin.

"Sino 'yan, Angelica?" napalingon ako sa likod ko. Nandito kaagad si Tito Loyd! Akala ko ba kumakain siya?

"Halika, pumasok ka muna sa loob, nakakahiya naman," aba, ang bait yata ni Tito Loyd ngayon.

Tuluyang pumasok sa loob si Eliza, mukhang wala rin siyang magagawa kundi sumunod. Pinaupo siya ni nanay sa tabi niya at inutusan naman akog maghanda ng tubig at tinapay para sa kaniya. Buti nalang talaga at may natira pa na tinapay sa amin. 

Nang makabalik ako sa sala mula sa kusina, naririnig ko na naman na pinag-uusapan nila ako. Lagi naman eh, alam kong ganiyan si nanay talaga.

"Ano na naman 'yang mga pinagsasabi sa kaniya, nay? Mas lalo akong aasarin niya kapag madami kang kwinento sa kaniya," pabiro kong sabi. 

"Kaunti lang naman. Mga, dalawang sikreto mo lang," minsan talaga nakaka-inis 'tong si Eliza.

"Kamusta pala ang unang araw ng high school?" 'yan na nga, nagtanong na si nanay. Sinabi niya lahat ng nangyare, at pati ba naman yung nararamdaman niya, sinali niya. Madami pala siyang kina-iinisan sa loob ng room. Buti naman at hindi ako kasama 'dun. 

"Masaya ba?" ano ba 'yan, nay. Para namang kaming gagraduate dahil sa mga tanungan niya, eh magsisimula pa nga lang kami eh.

Hindi ko naman namalayan na tumango ako at sabay pa talaga kami ni Eliza na tumango.

"'Yan naman pala eh. Ipagpatuloy niyo lang 'yan. Maghanda kayo sa mga problema na darating, hindi nawawala 'yan sa high school," tama na naman.

"Sige pala, nay. Mauuna na ako, baka hanapin pa ako ni mama," pagpapaalam niya.

Nagpaalam na sila nanay at tito sa kaniya bago siya lumabas. Sinundan ko siya bago siya tuluyang lumabas. Sinamahan ko siyang maglakad hanggang sa tawiran, baka mamaya kung anong mangyare sa kaniya. 

"Thank you pala 'dun," sabi ko sa kaniya.

"Okay lang," ngiti niya sakin. Nagpaalam ako sa kaniya bago siya tumawid, "Ingat ka."

-----

"Ligtas ba siyang nakatawid?" 'yan ang una nilang tanong sakin nang makapasok ako sa loob ng bahay. Tumango lang ako at nagpaalam na matutulog na ako.

Umakyat na ako sa kwarto ko at dumeretso sa higaan. Pero 'di ako makatulog! Naka-uwi  kaya ng ligtas 'tong si Eliza? Baka mamaya, ako yung sisihin kapag nawala siya. Kapag nawala siya, wala na rin nag-aalala sakin, at buti nalang talaga maya kausap siya noong oras na 'yun. Yung baunan na 'yun,  iyon pa yung paborito kong baunan dahil ipinadala pa ni mama 'yun. Dalawang taon na rin pala 'yun.

Haysttt... Sana naman makatulog na ako, kailangan ko pang pumasok ng maaga bukas.

Will My Love Ever Reach?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon