Nagpaalam na kami sa kanila at lumabas ng pinto. Habang naghihintay kami ng tricycle, panay naman ang kwento ni Tana, si Pen naman ang tawa ng tawa. Buti na lang talaga at nakasakay na kami, nakakapagtaka kung paano pa kami nagkasya pero hindi ko na prinoblema 'yun.
Nang bumaba kami ng sasakyan, dumeretso kami sa pila ng jeep. Buti na lang at sa ganitong oras ay hindi gaanong mahaba ang pila. Dalawang minuto lang kaming nakapila at nakasakay na rin kami.
Tahimik lang kaming naka-upo sa loob. Medyo hindi ako komportable dahil sanay ako sa ingay ni Tana, pero mukhang naka-idlip siya. Ang init rin ngayon kahit kami na yung nasa dulo ng jeep, malapit sa pinto. Ang katabi ko naman ngayon ay si Eliza, sa tapat namin ay si Pen at Tana. Mukhang okay lang kay Pen na sumandal sa kaniya si Tana, baka nakonsensiya lang siya dahil tulog.
Nang makababa kami, ang una namin na pinuntahan ay ang Citrus Mall, nag-ikot kami doon, nagtingin ng mga damit-teka, parang ginawa lang yata kaming tagahawak ng damit dito ni Tana? Hindi naman kami masyadong mahilig magtingin-tingin ng mga dress at mga short, at T-shirt lang talaga ang mga tinitignan ko dito, kaso mahal rin naman, kaya sa mura na lang ako bibili. Nakakapagtaka, dahil hindi nagrereklamo 'tong si Tana.
Nang matapos mamili ng mga damit sila Eliza at Pen, dumeretso kami sa counter, bitbit lahat ng pinili nilang damit. Madami yatang pera 'tong dalawa. Ako nga, hindi pa dumadating yung padala ni mama eh.
"Oh, tapos na kami. Saan niyo gustong pumunta ni Tana?" parang alam ko na kung bakit 'di nagrereklamo si Tana, dahil may kapalit sa dulo.
Nang sabihin ni Eliza 'yun, mabilis akong naka-isip ng lugar na pwedeng puntahan, "-Sa Storyland!" napatingin ako kay Tana nang sabay kaming sumagot. Parehas pala kami ng iniisip.
Nang makarating kami doon, kaagad kaming bumili ng token. Ang una namin na pinuntahan ay ang xbox, at baka ito rin ang huli namin na lalaruin dito sa Storyland. Ang pinili namin na laro ay ang COD 4 dahil ito lang talaga ang malapit na laro sa CS, parehas na FPS.
Habang naglalaro kami, nagpaalam ang dalawa na mag-iikot sa buong storyland, pinayagan lang namin sila at para namin makapag-enjoy sila, kahit papaano.
Isang oras siguro kami natapos sa kalalaro, nakakahiya naman sa mga taong naghihintay na matapos kami, baka mamaya hindi na sila makalaro. Nang tumayo kaming dalawa, kaagad namin hinanap sila Eliza at Pen. Buti naman at malapit lang sila sa amin. Lalapit na sana kaming dalawa ni Tana sa kanila nang huminto ako.
Sino yung mga kasama nila? Sino yung lalake na kausap niya? Bakit sila nasa tapat ng basketball? Anong pinag-uusapan nila?
"Okay ka lang ba, Angelica?" nabalik ang diwa ko nang bigla akong kausapin ni Tana at hinawakan sa balikat.
"Ha? Ah, okay lang ako, tara na," wala akong ibang magawa kundi lumapit sa kanila.
"Tapos na kayo maglaro?" ang unang tanong ni Eliza. Tumango kaming dalawa sa kaniya.
Ngayong makalapit na kami, namukhaan ko na yung dalawang lalake na kasama nila. Sila yung dalawang lalake na sa harap ng klase naka-upo. Hindi ko naman alam na close sila ni Eliza. Ang katabi naman ni Pen ay si...si John Lauren, at ang lalakeng kausap kanina ni Eliza ay si, ano-si Alexander pala.
"Antagal niyo, kanina pa kami naghihintay sa inyong dalawa, eh nakita namin 'tong dalawa dito sa may basketball, dito na lang muna namin kayo hinintay," kasalanan rin pala namin kung bakit kasama nila 'tong dalawang lalake. Pero...bakit ko pa ba pinoproblema kung sinong mga kasama niya?
"Tara na pala, kumain na tayo," pagyaya ni Pen sa amin. Mukhang sasama rin ang dalawang lalake.
Pumasok kami sa loob ng isang restaurant, pumila na ako sa counter para hindi na matagalan mamaya kapag nakahanap sila ng upuan. Panay ang paglingon ko sa kanila para malaman ko kung saan ang upuan namin. 'Di ko namalayan na palapit na sa akin sila Eliza at Pen. Sumiksik si Pen sa likod ko, buti na lang talaga at hindi nagalit yung lalakeng nasa likod ko kanina. Si Eliza naman...
"Ito yung bayad namin ni Alex, ikaw na lang magbayad, ha? Thank you," ang ganda pa talaga ng ngiti niya. Wala akong nagawa kundi tumango at ngumiti rin sa kaniya bago siya umalis
"Okay ka lang?" napalingon ako bigla sa likod ko. Oo nga pala, nandito pa siya. Tumango lang ako sa kaniya. Alam ko naman na alam niya yung nararamdaman ko para kay Eliza eh.
"'Di ka ba-" nagtataka ako kung bakit bigla na lang huminto sa pagsasalita si Pen. Pagtalikod ko para tignan siya, nagulat na lang ako, may kausap na siya na-
"Kuya Daniel?" 'yan ang sabi ko nang una kong makita yung matangkad na lalake na kausap ni Pen. Nang makita niya ako, bigla siyang tumawa. Baliw yata siya, biglang tumatawa.
"Nandito ka rin pala, idol?" bakit niya ako tinatawag na idol? Balak niya ba akong ipahiya?
"Opo, magkasama po kami ni Pen. Nandoon pa po yung iba namin na kasama," sabi ko habang nakaturo sa apat na naka-upo.
"Ang dami niyo naman, tsaka may lalake pa," dumami lang naman kami nang sumama samin yung mga lalake.
"Pen, sa tingin mo, maiimbitahan mong pumunta ng Void 'tong mga lalakeng," bumubulong ba talaga si kuya? o sinasadyang pinaparinig sa akin? At kung gagawin man ni Pen 'yan, lagot siya sakin. Ayokong may makakaalam na pumupunta ako sa computer shop!
Bakit sila tumatawa ngayon? Sinasayda ba nilang marinig ko? Tsaka bakit may sumasabay na tawa ng babae sa tawa nila?
"Ah, kuya. Kasama mo ngayon si ate Lyn?" Lyn?
Napatingin kaming dalawa ni Pen sa likod ni kuya Daniel at merong lumabas na napakagandang babae sa likod niya. Girlfriend niya ba 'yan?
"Oo nga pala, idol. Si Emmalyn, girlfriend ko, kung alam mo lang, kaaway 'yan ni Loyd noong high school kami! " may girlfriend pala si kuya Daniel. 'Di na ako magtataka, gwapo naman si kuya Daniel eh. Pero, si ate Emmalyn? Ang ganda niya pero, bakit naman siya aawayin ni Tito Loyd?
"Hello po," ngayon ko lang napansin, mukha kaming nagmemeet-up, meron bang meet-up sa pila ng isang counter?
Napansin kong ako na pala ang dapat na mag-order. Sinabi ko na lahat ng order ko at ibinigay na sa akin ang number ko. Nagpaalam na ako kanila kuya Daniel at ate Emmalyn at bumalik sa table namin. Napahinto ako sa harap ng table namin para tignan kung saan ako uupo. Ang tanging upuan na lang ay ang katabi ni Lauren na katapat ng upuan ni Eliza at ang upuan sa dulo na katapat ni Tana. Wala akong nagawa kundi tumabi kay Lauren.
"Sino yung kausap niyo ni Pen?" tanong ni Eliza nang maka-upo ako.
"Pinsan ni Pen," at oo, hindi niya alam na naglalaro rin ako sa computer shop, baka mamaya iba na yung maisip niya sa akin.
Dumating rin kaagad si Pen at umupo sa tabi ko. Nang dumating siya, panay ulit ang pagkwento ni Tana, habang nag-uusap naman si Alex at si Eliza. Kaya nga ako umupo sa tapat niya para makapag-usap kami, pero siya na naman yung kausap niya.
Medyo natagalan kami sa paghintay ng order namin kaya mas lalong tumagal ang mga pag-uusap nila. Napansin ko naman 'tong si Lauren, tahimik lang na nakatingin sa kaibigan niyang si Alex. Siya rin siguro, nagseselos, pero sabagay, ibang klase naman ang selos na nararamdaman niya, bilang kaibigan lang.
Nang dumating na ng order namin, nagsimula na kaming kumain. Medyo 'di ako komportable sa ganito dahil ang madalas ko lang naman na kasama pagdating sa kainan ay sila Eliza, Pen, at Tana, perong ngayon kasi, may kasama pa kaming mga lalake.
Nang paalis na kami ng mall, buti naman at nagpaalam na sila. May iba pa daw silang pupuntahan. Ngayon, naglalakad kami papunta sa bagong bukas na cafe, sabi nila malapit lang daw pero parang anlayo dahil limang minuto na kaming naglalakad, syempre matagal na para sa akin 'yun.
Pagdating namin sa tapat ng cafe na sinasabi nila, akala ko naman maloloko na naman ako katulad ng nangyare noong nakaraang dalawang taon. Buti naman at hindi ito internet cafe. Pastel blue ang kulay nito at napakasarap sa mata. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at pumasok sa loob para tignan kung may tao. Ang tanging tao lang doon ay ang babaeng nasa counter.
"Tara?" napatingin ako kay Eliza sa sinabi niya. Liningon ko ang dalawa sa likod namin, mukhang nakatingin lang sila sa akin. Tumango ako kay Eliza at sumunod sa kaniya papunta ng counter para mag-order.
BINABASA MO ANG
Will My Love Ever Reach?
Romance(8/5/20) Sundan ang kwento ni Angelica Scheyler kasama ang kaniyang mga kaibigan, kung paano niya pinagdaanan ang high school habang nananatiling may gusto sa kaibigan niyang kapwa niyang babae. Mananatili kaya itong naka tago, o maaamin niya kaya i...
