I.2 Elementarya ✓

6 1 0
                                    

"Angelica!" Napalingon ako sa likod ko nang may tumawag sakin. Si Tana lang pala. Mukhang kapapasok niya lang rin sa loob ng gate.

"Ang aga mo yata ngayon ah," oo nga 'noh.

"Maaga ako nagising eh," napangisi nalang ako. Sabay kaming naglakad papunta sa building namin ng tahimik.

'Di ko nga alam kung paano kami naging magkaibigan eh. Siguro dahil sa koneksyon namin kay Eliza.

Napalingon ako bigla sa bolang papalapit samin. 'Di ako nakakibo, hindi ko alam kung bakit pero napapikit nalang ako, hinihintay yung sakit na mararamdaman ko. Ilang segundo akong naghintay pero...?

"Huy, Angelica," unti-unti akong napadilat. Nilingon ko yung paligid namin pero, bakit wala yung bola?

"Teka, nasaan na yung-"

"Halika na, tawag na tayo ni Eliza mula 'dun sa 2nd floor," napalingon ako kung saan nakaturo ang daliri niya. Si Eliza na kumakaway samin.

'Di nalang ako umimik at sumunod sa kaniya.

Nang makarating kami sa loob, matagal kaming nagkwentuhan tungkol sa bakasyon namin. Eh ako, wala naman ako masyadong maikukwento dahil sa bahay lang ako buong magdamag.

Si Eliza, nanggaling daw sila ng Bataan kung saan nakatira yung lola niya sa mother's side. Si Tana naman, hindi rin daw nagbakasyon, pero lagi daw siyang nasa training ng badminton noong bakasyon kaya parang wala rin siyang pahinga.

Oo nga pala, hindi ko pa sila naipakilala ng maayos. Ang katabi ko ngayon ay si Theodosia Santos pero ang tawag namin sa kaniya ay Tana, siya yung pinaka athletic sa aming tatlo. 10 years old rin siya tulad ko at ni Eliza. Ang sports na sinalihan niya ay badminton, nakakainggit nga kasi anlakas niyang kalaban kapag naglalaro kami. Yung mga magulang niya rin kasi ay athletic na noon pa, doon niya siguro nakuha yun.

Sunod naman ay ang babaeng katabi ni Tana, si Eliza Sanchez. Siya yung laging nangunguna sa klase, pagdating sa academics. Mapapansin mo na madalang lang siya magtaas ng kamay, pero sa utak niyan naka calculate na 'yan. Nakilala ko na rin yung mga magulang niya, ang ina niya ay nasa bahay lang nila at ang ama naman niya ay nagtatrabaho bilang OFW sa bansang Taiwan.

Nagtataka talaga ako kung paano ko naging kaibigan 'tong dalawang 'to. 'Di naman ako kasing galing nila pero, 'di ko inaasahan na magiging magkasama kami hanggang ngayon.

At huling huli, ako naman si Angelica Scheyler. Siguro, ang maganda lang sakin ay yung kayamanan ko, wala naman akong taglay na katalinuhan. Para sa magulang ko naman, wala na ang ama kong si Michael Scheyler dahil sa naganap na aksidente noong 5 taon palang ako. Si mama naman, ang pangalan niya ay Enlynn, sabi ni nanay na sa Amerika daw siya nagtatrabaho ngayon para sakin, ako lang kasi yung nag-iisang anak niya at nag-iisang babae, kaya ang lola ko sa mother's side ang nag-aalaga sa akin.

"Good morning," napatigil kaming tatlo sa pagdaldal nang dumating ang guro namin.

Lumipas ang oras, natapos na ang klase ng buong araw. Medyo boring pa rin naman, siguro dahil nagsisimula pa lang ipaliwanag yung mga pag-aaralan namin.

"Meron ka ng pinapadala ni sir sa science?" biglang tanong ni Eliza sakin, umiling ako. Nang lingonin niya naman sa Tana, umiling rin ito.

"Edi pumunta tayo ngayon sa tindahan malapit sa paradahan," yaya ni Tana. Parehas kaming pumayag kaya derederetso kaming lumabas ng gate, kaso...

"San ka pupunta?" naalala ko bigla na nasa labas pala ng gate si Tito Loyd na naghihintay sakin.

"Magpaalam ka na," bulong ni Tana sa akin.

Bigla akong napa-isip. Paano kung 'di ako pinayagan? Edi hindi ako makakasama sa kanila?!

"A-Ano kasi...Tito Loyd," paano ko sasabihin?! Lingon ako ng lingon kay Tana para tulungan ako pero imbes na si Tana ang magsalita, si Eliza yung biglang lumapit.

"Kuya, may bibilihin lang po kasi kaming tatlo sa tindahan malapit sa paradahan. Kailangan na po namin para bukas yun," thank you Eliza! Pero sana pumayag si Tito Loyd!

"Ah, sa Antonio's Grocery Store? Malapit lang dun yung palengke. Sige, basta bumili ka ng gulay doon at bilisan niyo lang ah. 'Wag kayong magpapa-abot ng gabi," paalam niya bago umalis.

"Wow," 'di ko napigilan.

"May magic ka yata, Eliza?" Oo nga naman. Agree ako kay Tana. Minsan nga lang ako payagan ni Tito Loyd kapag ako yung nagpapaalam, pero pagdating kay Eliza, pumayag? O baka naman nahiya siya?

Pero bakit kailangan ko pang bumili ng gulay?! Pwede naman siya, siya na nga yung naka motor.

"Bahala na, halika na bago pa mag gabi," pagyaya ni Eliza.

Masaya kaming naglakad papuntang kanto, hindi pa naman gaanong madilim kaya alam naming ligtas kami, at isa pa, napakarami ng taong kasabay namin na naglalakad.

"Para saan ba ulit yung pinapadala ni sir?" minsan may pagkabuang rin 'tong si Tana eh.

"Para nga sa experiment eh, sinong magdadala ng corn starch para papakin lang yun? Syempre pag-eeksperimentuhan. 'Di ka rin nakikinig minsan. Try mo naman kasi," bago pa ako makapagsalita, naunahan na naman ako ni Tana sa pagsagot.

"Sorry naman ah. Ikaw? 'Di ka pa ba nakaramdam ng antok? Syempre minsan rin nagkaka—" Tibay na yan.

"At anong kinalaman ng 'di pakikinig at pagkaka-antok mo sa bawat isa? Pwede ka namang—" 'yan na namam sila.

"Itigil niyo na—"

"'Yan ka na naman sa katalinuhan mo eh, lagi—"

"Pwede ka namang makinig habang inaantok 'di ba? Hanggang hindi ka pa natutulog pwede—" Jusko.

"Hiyang hiya na ko sa inyong dalawa," di ko napigilang sabihin 'yun sa kanila. Eh kasi naman eh! Andami na ng taong nakakakita samin!

"Sorry," sabay nilang sabi habang naka bow.

Buti naman. Medyo okay na ulit sila, at para sakin, normal na 'to. Madalas silang ganito kaya sanayan na lang. Tahimik kaming tatlo nang biglang magtanong si Tana.

"Bakit Antonio's Grocery Store? Parang 'di bagay yung pangalan sa salitang grocery store," 'di namin napigiliang tumawa ni Eliza habang takangtaka naman si Tana.

Nang makarating kami sa grocery store, Paderetso pa lang ako sa gitna nang biglang nawala yung dalawa, saan naman nagpunta yung dalawang yun? Nadistract na naman yata sila. Siguro dahil minsan lang sila makapunta dito, medyo malayo kasi yung bahay nila dito—teka, pati pala ako malayo dito. Pero medyo madalas rin ako dito dahil lagi akong kasama ni Tito Loyd sa pamamalengke.

Hinayaan ko nalang muna yung dalawa habang naghahanap ako ng corn starch at syrup na gagamitin bukas. Saktong sakto, napalingon ako sa lalake, mukhang staff ito, at sa kamay niya ay isang malaking kahon na naglalaman ng mga corn starch. Thank you at pinadali mo yung trabaho ko, kuya.

"Kuya, pwede pong pahingi ng tatlong corn starch?" pagpapaalam ko. Tumango naman si kuya at inabot sakin yung isang maliit na box nito. Achievement.

"Angelica!" napalingon ako sa likod ko at nakita ko ang dalawang babae, hawak yung tatlong lalagyan ng syrup. Buti naman at nakahanap sila.

"Punta na tayo doon," sabi ko habang naka turo sa counter.

Paglabas naming tatlo, bigla kong naalala yung trabaho na iniwan sakin ni Tito Loyd. Pabigat talaga eh. Siguro may pupuntahan na naman 'yun na tropa kaya inutusan ako. Lagot talaga 'yun kay nanay.

"Okay ka lang, Angelica?" biglang tanong ni Eliza sakin. Siguro napansin niyang inaalala ko yun.

"Anong klaseng tito 'yan?" napalingon ako bigla kay Tana, "Isang grade 5 na bata, pinabibili niya sa palengke imbes na siya na may motor? Tapos yung bata, may mabigat pa na bag," tama ka diyan! Buti alam mo, pero... sabagay, kailangan ko rin naman gawin 'to para matuto.

"Oo nga naman! HAHAHAHA!" napatawa kaming tatlo dahil sa sinabi niya. Magiging malungkot siguro ako pag nawala 'tong dalawa. 

-----

Will My Love Ever Reach?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon