Dumating ang oras ng exchange gift, at hindi ko naman inaasahan na ang nakabunot sa akin—sa tito ko ay ang pinakaunang taong magreregalo, ako tuloy yung sunod na magbibigay ng regalo.
"Ang nabunot ko—ng tito ko ay si—"
"Magbigay ka muna ng impormasyon tungkol sa nabunot mo," bakit ba trip nilang putulin ang sasabihin ko?
"Ang nabunot ko ay... matangkad at..." ano pa bang sasabihin ko? 'Di ko naman pwedeng sabihin na isa siyang demonyong mukhang anghel, anong sasabihin ko?!
"...At...at siya ay... si kuya Daniel!" sorry kung 'yun lang ang nasabi ko.
"WOOOHHH!!!" nag-ingay na naman sila. Lagi naman eh.
Dahan-dahan akong lumabas mula sa computer shop para hindi nila mapansin. Deretso na sana ako pauwi kasi bigla naman may sumalubong sakin.
"Uuwi ka na? Magpaalam ka muna ah," alam ko kung kaninong boses 'yun.
"Pen, pwede pasabi na lang na nauna na ako," sabi ko bago ko siya nginitian. Tumango lang siya sa akin at nagpaalam na ako.
Naghintay ako lang ako ng tricycle ng tahimik. Pilit kong tinatanggal sa utak ko yung nangyare kanina, at sana hindi niya sabihin sa kaniya.
Buti naman at may dumaan na sasakyan. Kaagad ko itong pinara at sumakay.
Nang makauwi ako sa bahay, binati ko si nanay at dumeretso sa sofa. Tinignan ko ang orasan at ngayon ko lang napansin na 4 na pala ng hapon, baka nandito na si Tito Loyd.
Pumasok ako sa kwarto niya para tignan, at tama ang hinala ko. Nandoon siya sa loob, nakatulala lang sa kisame, "Tito Loyd, ito yung regalo sayo," sabi ko bago ito inabot sa kaniya. Dumeretso na rin ako sa labas dahil baka nakakaabala ako.
"Kamusta naman?" Ayoko nalang awayin si nanay dahil sa plano ila, kaya sumagot nalang ako sa kaniya. Baka kasi magkaroon pa ng atake sa puso 'tong si nanay eh.
Dumeretso ako sa kwarto ko para humiga, hindi ko alam pero inantok ako kaagad. Siguro dahil sa dami ng nangyare ngayong araw na 'to. Bahala na, matutulog na nga lang ako, wala naman akong ibang magagawa.
Mabilis dumaan ang mga araw, siguro dahil panay ang pagtulog ko. Dumating ang araw ng pasko, 'di ko nga napansin na pasko na eh. Nalaman ko lang nang biglang may namamasko sa amin ng maaga, ang lakas pa ng boses, grabe. Nang magising ako 'nun, naamoy ko na rin ang mga niluto ni nanay kaya alam kong pasko na.
'Di na muna ako siguro mamamasko ngayong taon. Wala ako sa mood ngayon eh, tsaka ayoko rin pumunta ng ibang bayan, napakalayo at baka mahaba rin ang pila. Tutulungan ko na lang sila nanay at Tito Loyd sa paghanda at pag-ayos ng bahay, darating kasi ang iba naming kamag-anak, siguro mas maraming darating sa parte ni mama kaysa kay papa.
Habang nag-aayos kami ni Tito Loyd ng lamesa, bigla namang may kumatok, tapos ako pa talaga ang pinapunta ni tito, bakit kasi 'di na lang siya?
Bago ko hawakan ang hawakan ng pinto,may malakas akong pakiramdam na kakilala ko 'to. Piling ko, malapit siya sa akin—ano ba 'yan, kitang nag-iisip ng malalim yung tao, katok ka naman ng katok.
Pagbukas ko ng pinto, bigla akong napaisip, tama ang hula ko. Kakilala ko siya, malapit rin siya sakin, sino pa ba? Syempre, si Eliza. Basta maaga, si Eliza na 'to.
"Antagal kong naghintay dito sa tapat niyo, alam mo ba 'yon?" bakit laging stress 'tong si Eliza kapag nakikita ako? Ganun ba talaga ako kasakit sa paningin?
"Pumasok ka na muna pala," pagyaya ko sa kaniya. Buti naman at sumunod siya sakin.
"Bakit pala ang aga mo dito?" 'yan ang una kong tanong sa kaniya. Ang alam ko kasi, tuwing pasko, lagi siyang namamasko, pero bakit nandito siya ngayon?
BINABASA MO ANG
Will My Love Ever Reach?
Romance(8/5/20) Sundan ang kwento ni Angelica Scheyler kasama ang kaniyang mga kaibigan, kung paano niya pinagdaanan ang high school habang nananatiling may gusto sa kaibigan niyang kapwa niyang babae. Mananatili kaya itong naka tago, o maaamin niya kaya i...