After Christmas (Chapter V)
Simula elementary, silang tatlo na ang kasama ko. Kung wala siguro sila, 'di ako ganito kasaya, baka nga lagi pa akong nag-iisa eh. Pasalamat na lang at nandiyan sila. Tanggap nila na mataray ako, paiba-iba ng ugali, at weirdo. Tignan mo nga naman, first year na kami at magkakasama pa rin.
"Merry Christmas din, Eliza."
Bigla tuloy akong napaisip sa nangyare kahapon kanila Angelica, lalong lalo na noong gabi.
Kapag kasama silang tatlo, masaya naman ako pero, mas masaya ako kapag kaming dalawa lang ang nag-uusap ni Angelica. 'Di ko alam kung bakit pero kung minsan ay... Ayokong dumidikit siya nang dumidikit kay Penelope, para bang may sikreto na silang dalawa lang ang nakakaalam.
Teka, bakit ko ba iniisip 'to?!
Pero bago ko pa tanggalin 'yun sa utak ko, may panibagong topic na naman ang pumasok sa isip ko. Masama bang magkagusto sa kaparehas mo ng kasarian?
—————
After the Epilogue
"Matagal na akong may gusto sayo, noong high school pa," biglang yumanig ang utak ko dahil sa sinabi niya. Para bang gumuho yung mundo.
...
...
"Thank you sa lahat, Elizabeth."
Pinagmasdan ko lang siyang nagmamadaling umalis. 'Di man lang ako makakibo, at naaasar ako dahil sa ginawa ko dati.
Ang sarap sabihin sa kaniya na may gusto rin ako sa kaniya, pero matagal na rin nang nawala ang nararamdaman ko para sa kaniya dahil kay Alex. 'Di pa rin ako kumikibo sa pwesto ko, 'di ko na rin namalayan na nagsisimula nang tumulo ang mga luha ko. Bakit ba ako naiiyak? Wala na akong gusto sa kaniya, matagal na.
"Miss, gusto niyo po ba ng chocolate?" kaagad akong napalingon sa taong nakatayo sa tabi ng table ko.
Siya yung cashier simula dati, nakakapagtaka dahil napaka interactive niya sa mga customers niya.
Nginitian ko lang siya at tumango, namiss ko na rin kumain ng tsokolate. Akala ko naman, ang gagawin niya ay ilalapag lang ang chocolate sa lamesa, pero nagulat ako dahil umupo rin siya sa tapat ko.
"Mukhang umamin na si Miss Angelica sayo," teka, alam niya?
"Alam niyo po ba, noong highschool pa lang kayo, madalas siya dito dahil gusto niyang makipagusap sakin. Ikaw ang lagi naming topic," bakit niya sinasabi 'to sakin?
"Pero sa huling beses nang pagpunta niya dito, kasama niya ang mama niya, napakarami ng dala nilang bag, ahahaha!" Ito ba yung araw na lumipat sila ng tirahan?
Saglit akong natahimik. Iniisip ang mga nangyare ngayon. Paano ko haharapin si Angelica niyan, kapag nagkita ulit kami? Ito ba yung ibig niyang sabihin noong nakaraan pa? Kasalanan ko ba dahil wala akong ginawa kundi sabatan siya? Sigawan siya? Pagbintangan? Tapos ito pala ang ibigsabihin niya. Paano niya pa ako nagustuhan kung ganito ako?
"Eliza! Nandoon na yung kotse," bigla akong nabalik sa tamang pag-iisip. Si Alexander. Matagal na nang mawala ang nararamdaman ko para kay Angelica dahil lang kay Alex. Siya rin ang naging dahilan kung bakit iba ang naisip ko kay Angelica.
Tumayo na ako sa table at nagpasalamat kay Aomi, "Mauuna na ako," sabi ko sa kaniya bago ako lumapit kay Alex at lumabas ng cafe para sumakay sa kotseng nasa tapat.
Nang makaandar ito, nakatingin lang ako sa daanan, nang biglang mahagilap ng mata ko si Angelica at si... Pen. Mukhang nag-uusap sila. Gusto kong malaman, ano kayang pinag uusapan nila?
-----
Sa loob ng cafe, naiwan na nakangiti si Aomi habang pinagmamasdan ang mga tao sa labas. Lalong-lalo na si Eliza na pasakay sa loob ng kotse.
"Aomi, ano na namang ginawa mo?" nabaling ang tingin niya sa pintuan sa loob ng counter kung saan nakatayo ang isang lalake na may nakalagay na pangalan sa dibdib.
"Sir Karl—" bago niya pa ituloy ang sasabihin, pinigilan na naman siya ng manager.
"Sir JUSTINE," napangisi si Aomi dahil sa pagcorrect ng lalake sa kaniya.
"Sir, JUST IN time ka lang—" pagbiro niya.
"—Tigil-tigilan mo na yung mga puns mo," inirapan niya lang ito at inulit ang naunang tanong.
"Anong ginawa mo sa sitwasyon nila?"
"Sir, wala akong ginawa!" angal ni Aomi, "Sinuportahan ko lang si Angelica sa pagmamahal niya kay Elizabeth~"
Biglang nandiri si Justine sa biglang pag akto nitong kinikilig.
"Siguraduhin mo lang na wala kang ginawa sa oras nila. Tsaka sino ba yung mga kinaaadikan mong mga babae? Ilang taon mo ng pinagmamasdan ang dalawa."
Napahinto si Aomi sa pagdadrama dahil sa tanong ni Justine.
"Che! Wala ka kasi dito lagi! Ako yung laging nagbabantay kaya 'di mo sila kilala!"
"Aomi, mas matagal akong nagtrabaho dito kaysa sayo, kaya sanay na ako sa ganiyan. Pagdating ng panahon mananawa ka rin," tinalikuran niya ito, at balak na sanang pumasok ulit sa staff room nang may sabihin si Aomi.
"Ikaw nga, 'di ka pa nananawa sa kahahanap sa ate mo, syempre ako, mas lalong hindi," pabulong niyang sabi pero sa dako ni Justine ay rinig na rinig dahil sa malakas na boses nito.
'Di na lang siya umimik at bumalik na sa loob ng staff room habang si Aomi ay umirap na lang at bumalik sa trabaho.
———
BINABASA MO ANG
Will My Love Ever Reach?
Lãng mạn(8/5/20) Sundan ang kwento ni Angelica Scheyler kasama ang kaniyang mga kaibigan, kung paano niya pinagdaanan ang high school habang nananatiling may gusto sa kaibigan niyang kapwa niyang babae. Mananatili kaya itong naka tago, o maaamin niya kaya i...
